South Korea COVID 19 care package, ano nga ba ang laman? Bukod sa mabilis na na-contain ang coronavirus sa South Korea, nakamamangha rin ang kanilang relief efforts. Silipin na lamang itong care package na natanggap ng mga citizen doon.
South Korea COVID 19 care package
Sa South Korea, hindi lang pagkain kundi pati na rin mga hygiene essentials ang ipinamamahagi. Sa care package na natanggap ng nagbahagi ng istoryang ito, naglalaman daw ang box ng mga fresh produce at hygiene essentials katulad ng hand sanitizer at face masks.
Ayon sa isa pang citizen doon, ganito naman ang kanyang naging karanasan:
“Currently in Korea and had some limited contact with a confirmed case. I was immediately notified by my local government office and tested the next day. Thank God it came back negative, but they still advised that I self-quarantine for 14 days.
I got a call from a dedicated case officer today that will check in on me twice a day every day during my quarantine. Mentioned they would drop off some supplies later that day which I thought would be some hand sanitizer and a box of tissues. Boy, was I wrong! There was also a lot of included literature about best practices and emergency government income for those that can’t work and aren’t getting paid. It scaled up to about 1500 USD for a family of five which as a supplement is pretty helpful.”
Iba pang preventive measures
Bukod sa laman ng care package, mayroon ding mga guidelines o sulat na napakaloob dito. Isa na dyan ang proper garbage disposal. Ang protocol ay kung ikaw ay may sintomas na ng COVID, ang mga garbage bag na kanila mismong ipino-provide ay kailangan munang i-disinfect gamit ang anti-virus spray. Ito ay hindi dapat masyadong punong-puno at itatabi ito hanggang sa matapos ang 14-day quarantine. Pagkatapos nito ay mayroong mga magkokolekta nito mismo sa kanilang mga bahay at kailangan lang tawagan ang hotline para rito.
Ang mga PUI naman o Person Under Investigation sa kanila ay mayroong kani-kaniyang naka-assign na case officer. Ang case officer na ito ay kailangang i-check ang PUI dalawang beses sa isang araw. Ito ay hanggang sa matapos ang quarantine.
Hindi nag-lockdown sa South Korea
Marami ang namamangha sa pamamaraan ng pagkontrol ng South Korea sa COVID-19. Sa katunayan, hindi nga sila nagpatupad ng lockdown sa kanilang bansa. Pero isa ang kanilang bansa sa mga pinakamabilis sa pag-responde sa nasabing sakit.
Narito ang kasalukuyang lagay ng cases ng COVID sa South Korea.
Kung mayroon tayong dapat na matutunan mula sa gobyerno ng South Korea, ito ay ang pagpa-prioritize sa mga mamamayan. Mas maigi rin na agapan kaagad ang sitwasyon kaysa hintayin ang oras na malala na ang ipinapakitang sintomas ng isang tao. Makikita rin na ang pag-i-stay sa bahay ay posible naman basta’t mayroon lang sapat na rasyon ng mga essentials para sa mga mamamayan.
Source: www.boredpanda.com
Basahin: Lola na nag-aantay ng relief goods umiyak dahil nilagpasan