Sperm ng mga lalake, 'niluluto' daw ng paggamit ng cellphone!

Dahil raw sa paggamit ng cellphone, ang mga sperm ng lalake ay bumababa, at posibleng maging sanhi ng infertility, o pagkabaog

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isinagawang pag-aaral sa Technicon medical school sa Israel, posible raw na humina ang sperm ng mga lalake dahil sa paggamit ng cellphone. Ito raw ay dahil ‘niluluto’ ng cellphone ang sperm!

Sperm ng mga lalake, niluluto daw ng cellphone!

Isinagawa ang pag-aaral sa 100 lalake na nagpapakonsulta sa isang fertility clinic. Napag-alaman na ang mga lalaking mas madalas gumamit ng cellphone ay mayroong mas mababang sperm count. Tinitingnan ng mga researcher ang paggamit ng cellphone bilang dahilan ng infertility.

Dagdag nila na ang mga kalalakihan raw na iniiwan ang kanilang cellphone sa bulsa ay ang pinakanaapektuhan. Ayon sa mga researchers, ‘naluluto’ daw ng electromagnetic activity ng cellphone ang sperm.

Bukod dito, mas mababa rin ang sperm count ng mga lalakeng natutulog malapit sa kanilang cellphone. Ito ay kumpara sa mga kalalakihan na malayo ang cellphone sa kama kapag natutulog.

Paano maiiwasan ang epekto nito?

Ayon kay Professor Gedis Grudzinskas, mas mabuti raw na ilagay sa ibang bulsa ang cellphone. Mas maganda kung malayo ito sa ari ng lalaki upang hindi maapektuhan ang sperm count.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makabubuti rin na bawas-bawasan ang madalas na paggamit ng cellphone. Hindi lang ito makatutulong sa pag-akyat ng sperm count, ngunit makakaiwas rin sa cellphone addiction.

Patungkol naman sa epekto ng paggamit ng cellphone sa kababaihan, wala pang naisasagawang pag-aaral tungkol dito. Pero mabuti na rin kung mag-ingat ang mga kababaihan, lalo na ang mga nagpaplanong magkaanak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makakaiwas sa infertility o pagkabaog?

Para sa mga kalalakihan, importante ang fertility, o ang pagkakaroon ng malakas na sperm ng mga lalake, lalong lalo na sa mga gustong magkaanak.

Kaya’t mahalagang alagaan ang sarili at sundin ang mga tips upang makaiwas sa pagkabaog!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kumain ng tama, at mag-ehersisyo. Ang malakas na pangangatawan at kalusugan ay nakakatulong para hindi mabaog.
  • Kumain ng pagkain na mayroong antioxidants. Kasama na rito ang mga prutas, gulay, mani.
  • Magbawas sa pagkain ng carbohydrates at taba. Ang pagiging mataba at unhealthy ay isang sanhi ng pagkabaog.
  • Uminom ng multivitamins. Nakakatulong ang multivitamins upang maging supplement sa pagkain.
  • Mag-relax. Nakakaapekto ang stress sa fertility ng mga lalake, kaya’t mabuting huwag magpakapagod lalong-lalo na sa trabaho.
  • Umiwas rin sa pag-inom ng kape at inumin na may caffeine.
  • Magbawas-bawas rin sa pag-inom ng alak.

Source: Woman’s Day

Basahin: Mag-asawa, di makabuo ng sanggol dahil mali ang paraan ng pagtatalik

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara