Hindi maunawaan ng isang mag-asawa kung bakit sila’y di makabuo ng sanggol kahit nagsusumikap sila sa na magka-anak sa loob ng apat na taon. Dahil dito, nagdesisyon silang magpatingin na sa duktor para malaman kung may diperensiya ba silang dalawa.
Nang chineck-up si misis, laking gulat ng obstetrician na buo pa ang hymen ng babae!
Dahil birhen pa si misis, dito natuklasan na mali pala ang paraan ng pagtatalik ng mag-asawa.
Di makabuo ng sanggol kahit regular ang pakikipagtalik
Itong kakaibang insidente ay nangyari sa Guiyang, China, at unang inulat sa Guiyang Evening Post.
Nag-alala ang 26-taong-gulang na lalaki at ang kaniyang 24-taong-gulang na asawa kung ano ang sanhi sa kanilang pagkabigo sa pagkakaroon ng anak. Hindi nila maintindihan ang rason dahil ayon sa dalawa, regular naman silang nagtatalik. Iniisip nila na baka isa sa kanilang dalawa ang baog o may karamdaman kaya hindi sila makabuo.
Bukod pa sa nabanggit, madalas ding nagrereklamo si misis dahil nasasaktan siya tuwing nagtatalik silang mag-asawa. Kaya naman nagpasya na sila na kumunsulta sa duktor at magpa-check-up.
Suspetya ng obstetrician na di makabuo ng sanggol ang mag-asawa dahil sa isang gynecological disease. Ngunit nang sinuri niya ang vagina ni misis, nagulat ang doktor dahil birhen pa ito.
Dito natulas ang misteryo kung bakit di makabuo ng sanggol ang mag-asawa.
Sa loob ng apat na taon, anal sex pala ang ginagawa nila!
“Sa apat na taon na pagsasama nila, hindi alam ng lalaki o babae kung paano makabuo ng baby,” pahayag ng duktor. “Napakabira na mayroong mag-asawa na ganito ka-walang muwang sa mga pangkaraniwang dapat nalalaman ng tao.”
Dagdag nito na mayroong mga tao talaga na kulang sa impormasyon sa mga ganitong bagay o di kaya may mga maling paniniwala tungkol sa sex.
Agarang binigayan ng sexual education ang mag-asawa tungkol sa tamang paraan ng pagtatalik para makabuo. Binigyan niya ng sex education handbook ang mag-asawa, pati “guidelines” bago sila pinauwi sa probinsya.
Matapos ang apat na taon, naging masaya naman ang pagtatapos ng kalbaryo ng mag-asawa dahil matapos ang ilang buwan, nabuntis din si misis! Pinadalahan nila ng 100 itlog at isang inahin ang ospital bilang pasasalamat.
Source: Guiyang Evening Post
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles na artikulo ng theAsianparent Singapore.
Sinusubukan niyo rin bang makabuo ni mister? Narito ang 15 tips at sex positions para mas malaki ang chance na mabuntis.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!