Dahil simula na ang -ber months, malamang nagsisimula na ang ilan na mamili ng mga pang-regalo sa pasko para sa mga bata. Isa sa mga popular na laruan ngayon ay ang mga squishies—isang laruan na gawa sa malambot na foam. Iba-iba ang design nito, may mga characters, pagkain, at bagay. Tunay na nakaka-aliw ito para sa mga bata dahil masaya itong hawakan at pisatin. Siguradong magiging patok ito na pang regalo dahil available na ito sa mga tindahan, tiangge, at bangketa. Mayroon na rin nito sa Divisoria.
Ngunit isang nakakabahalang ulat, mga mommies at daddies, ayon sa isang ulat, nakakalason daw ang laruan na ito!
Nakakalason
Dahil sa popularidad nito sa buong mundo, inalam ng Ministry of Food and Environment ng Denmark kung safe ito para sa mga bata. Kumuha ang departamento ng 12 klase ng squishies para i-test. Ang malagim na resulta: lahat ng 12 klase ng squishes ay natagpuan na mayroong toxic chemicals sa pabangong ginagamit dito.
Dahil ito, nag-isyu agad ng babala ang gobyerno ng Denmark sa mga magulang na itapon agad ang laruan na ito! Pinayuhan din ang mga magulang na huwag nang bumili ng ganitong klaseng laruan.
Isa itong squishy na ito na nag-positibo sa toxic chemicals. | Image source: screenshot from CPH Post Online
Masama sa kalusugan
Pahayag ni Jakob Elleman-Jensen, Minister of Environment and Food ng Denmark, hindi dapat pinapayagan na maibenta ang mga laruan na mapanganib para sa mga bata. “Responsibilidad ng mga gumagawa ng laruan na legal at walang nakakasamang mga kemikal ang laman ng mga produkto nila.”
Dagdag pa niya na hindi biro ang mga karamdaman na makukuha ng mga bata na na-expose dito. Kapag na-inhale daw kasi ang substance mula rito, maaaring ma-irita ang mucus membrane. Puwede rin daw mapinsala ang atay at ang pagkakaroon ng anak kapag lumaon.
Ilang mga tindahan na sa Denmark ang hininto ang pagbebenta nito at ni-refund din ang mga magulang na piniling ibalik ang mga laruan.
Carra Rose nagtamo ng sugat dahil sa squishy. | Image source: screenshot from Belfast Live
Chemical burn
Hindi lamang ang toxic na pabango na ginagamit sa squishies ang nakakalason.
Sa isang hiwalay na insidente, isang 9-taong gulang na batang babae ang naglalaro nito nang bigla itong nabutas. May lumabas daw na likido mula sa laruan na naging sanhi ng mga paltos sa kamay ng bata. Nang dalihin ng nanay ang bata, napag-alaman na napinsala ang mga kamay ng bata ng chemical burn.
Pinabulaanan naman ito ni Steve Tull, quality assurance director ng Orb TM, isang squishy manufacturer. Ipinaliwanag niya na hindi basta-basta puputok ang laruan sa normal na pag-gamit. “Imposible itong mangyari dahil sa pagkakagawa nito. Maaari lang itong mangyari kung ininit ang laruan.”
Hindi lamang ang squishy ang mapanganib sa bata. | Image source: Pixabay
Mga mapanganib na ibang laruan
Hindi lang ang squishies ang nakakapahamak sa ating mga anak. Marami rin ibang laruan na potensyal na nakakasama sa mga ito katulad ng mga gawa sa plastik. Ang pangunahing rason kung bakit ito masama sa kalusugan ay dahil naglalaman ito ng toxic elements at naglalabas ito ng lead kapag nalunok. Kaya importanteng pigilan ang mga bata na isubo at ngatngatin ang mga laruan.
Pinag-aralan ng mga scientists ng University of Plymouth ang 200 na laruan na gawa sa plastic—mga kotse, tren, atbo. Ang mga produkto na ito ay nakuha sa mga bahay, paaralan, at charity shops sa England.
Napag-alaman ng mga scientists na mataas ang konsentrasyon ng “hazardous elements” na nagiging toxic sa mga bata kapag tumatagal. Bukod pa dito, naglalabas din ang mga laruan ng kemikal tulad ng chemicals bromine, cadmium, at lead kapag nakain.
Ang mga laruan na ito ay karaniwan na dilaw, pula o itim dahil gumagamit ang mga manufacturers ng mga masasamang kemikal para sa mga kulay na ito.
Examples ng Plastic toys. | Image source: Pinterest
Mga palatandaan
Narito ang mga tis para sa pag-pili ng mga safe na laruan:
- Mga laruan na gawa mga natural na materyales katulas ng kahoy, hemp, organic cotton, wool o natural rubber.
- Iwasang bumili ng plastik na laruan na gawa bago mag-2010 kahit mas mura ang mga ito.
- Mga plastik na laruan na may “No.3”, “No.7” o “V” sa label. Kumuha ng mga PVC-free at BPA-free na mga laruan.
References: CPH Post Online, ecoRI
Isinalin sa wikang Filipino ni Candice Venturanza mula sa artikulong:
https://sg.theasianparent.com/are-squishies-poisonous
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!