X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

SSS members na nawalan ng trabaho makakatanggap ng 20,000 Pesos

3 min read
SSS members na nawalan ng trabaho makakatanggap ng 20,000 Pesos

Miyembro ka ba ng SSS at nawalan ng trabaho dahil sa COVID? Alamin kung paano makukuha ang 20,000 cash benefit mula sa SSS.

Para sa mga nawalan ng trabaho na contributing member ng SSS, mayroong nakalaan na programa at benefits para sa iyo.

SSS 20,000 cash benefit

Kinumpirma na ng Social Security System o SSS ang P20,000 cash benefit para sa mga contributing members noong Martes.

Pahayag ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas, “Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga.”

sss 20000 cash benefit

Image from Freepik

Kasama sa mga puwedeng makatanggap ng benefit ang mga nawalan ng trabaho kahit hindi dahil sa COVID-19. Basta ito ay involuntary separation, maari pa ring ma-qualify para rito.

Kahit iyong mga nakatanggap na ng ayuda mula sa ibang programa ng gobyerno ay maaring ma-consider dahil ito raw ay galing mismo sa SSS.

Para naman sa mga OFW na nais ding makakuha, puwede raw mag-request ng certification mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO), imbis na sa DOLE.

Bilang ng mga nawalan ng trabaho

sss 20000 cash benefit

Image from Freepik

Sa estima ng Department of Labor and Employment o DOLE, nasa 10 million na manggagawa ang maaring mawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa pandemya.

Sa ngayon ay mayroon ng 2.6 million na natanggal sa trabaho simula noong Marso. Ito ay dahil sa pagsasara ng ilang kompanya o pagkalugi ng mga business.

Banggit pa ni Labor Sec Bello, “Karamihan po ‘yan sa service sector. Malaki po ang tourism, ‘yung allied businesses like restaurants, then transportation.”

Gayunpaman, nag-request naman umano ang DOLE ng 40 million pesos na budget mula sa House of Representatives para sa mga planong recovery programs.

Ibang benefits bukod sa SSS 20,000 cash benefit

sss 20000 cash benefit

Image from Freepik

Narito naman ang bagong polisiya ng PhilHealth kaugnay ng COVID-19 situation. Nitong April, muling naglabas ng direktiba ang PhilHealth tungkol sa kung magkano ang kanilang maitutulong sa mga naging pasyente ng sakit na COVID-19.

Ayon sa kanila, babayaran ng ahensya ang lahat ng gastos ng mga COVID-19 patients. Ngunit ito ay hanggang April 14 lang, mula April 15 lahat ng biktima ng sakit ay susunod na sa bagong case rate package na itinalaga ng PhilHealth sa bawat miyembro nito.

Samantala ang bagong case rate ng PhilHealth para sa COVID-19 ay naka-depende sa lala nito. Ang COVID-19 case rate package ay ang sumusunod na nagsimulang maging epektibo noong April 15.

  • Mild Pneumonia P43,997
  • Moderate Pneumonia P143,267
  • Severe Pneumonia P333,519
  • Critical Pneumonia P786,384

Ito lamang ang sasagutin ng PhilHealth sa mga magagastos sa pagpapagamot ng mga COVID-19 patients. Pero ayon naman kay PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo hindi natatapos rito ang pagtulong ng ahensya sa mga naging biktima ng sakit.

“They can appeal, write a letter to the president namin and request for additional assistance doon sa remaining bill and then, ia-assess natin ‘yan, case-to-case basis,” pahayag ni Domingo.

 

Source:

GMA News, CNN

Basahin:

3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient

Partner Stories
A Tangible Expression of Love
A Tangible Expression of Love
JILL by Jojie Lloren Holiday 2019 Inspiration
JILL by Jojie Lloren Holiday 2019 Inspiration
5 ways to prepare your child for the “real world”
5 ways to prepare your child for the “real world”
Alorica recognized as Employer of the Year in 2021 Stevie Awards for Great Employers 
Alorica recognized as Employer of the Year in 2021 Stevie Awards for Great Employers 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • SSS members na nawalan ng trabaho makakatanggap ng 20,000 Pesos
Share:
  • Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

    Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

  • Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?

    Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

    Iba’t ibang uri ng loans na makakatulong sa nagigipit na miyembro ng SSS

  • Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?

    Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.