Paano nga ba mag-apply ng calamity loan sa SSS?

Ayon sa SSS, para sa calamity loan, wala ng hihinging dokumento o requirements sa mga miyembro ng SSS na naninirahan sa mga lugar na nasa state of calamity bunsod ng COVID-19 pandemic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga dapat malaman tungkol sa pag-aapply para sa SSS calamity loan. Pati na kung sino ang eligible at mga SSS calamity loan requirements na kailangang ihanda ng sinumang gustong mag-avail ng benepisyong ito.

Ano ang SSS calamity loan?

Upang matulungan ang mga miyembro ng Social Security System na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay binuksan ng ahensya ang SSS Calamity Loan Assistance Program o CLAP. Ang programang ito ay naglalayong makapag-pahiram ng hanggang sa P20,000 sa bawat miyembro ng SSS na naka-depende sa average ng kanilang monthly salary credit sa huling 12 buwan.

Image from Freepik

Sa ilalim ng programa ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio ay may 1.74 million na miyembro ng SSS ang maaring maka-benepisyo. At may 27 buwan sila upang mabayaran ito na may mababang interest lang na 6% kada taon. Mababa na ito kumpara sa 10% na interest na ipinapataw sa mga panahong walang COVID-19. At 24 na buwang palugit upang mabayaran ang hiniram na halaga.

“We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum.”

Ito ang pahayag ni Ignacio.

Dagdag pa niya, ang pagbabayad ng loan na ito ay magsisimula sa ikaapat na buwan matapos ma-aprubahan ang loan application. Mayroon rin itong kaakibat na service fee na 1% ng halagang ni-loan ng SSS member. Ito ay agad na ibabawas sa loan proceeds na kaniyang makukuha. Ngunit ngayon, sa panahon ng COVID-19 ang service fee na ito ay i-waived muna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Through the CLAP, we are hoping to help with the financial needs of our members who may have lost their sources of income or suffered financial burden due to the COVID-19 situation.”

Ito ang pahayag pa ni Ignacio.

SSS calamity loan eligibility

Pero hindi lahat ng miyembro ng SSS ay eligible na maka-apply sa programa. Tanging mga miyembro lang na nakapagbayad ng hindi bababa sa 36 monthly contributions ang maaring mag-apply dito. At dapat ang huling 6 na buwan nito ay naisagawa sa nakalipas na 12 buwan bago ang application.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinakailangan rin ang miyembro ay may nakasaad sa SSS database na home o work address dito sa Pilipinas. Siya ay hindi rin dapat nakatanggap ng anumang final benefit tulad ng total permanent disability o retirement. Wala rin siyang dapat outstanding loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program ng ahensya o kaya naman ay may binabayaran pang SSS calamity loan.

Ang sinumang miyembro na eligible sa calamity loan program ng SSS ay maaaring mag-aapply rito hanggang September 14, 2020.

SSS calamity loan requirements and how to apply

Image from SSS

Dahil sa banta ng COVID-19, ang mga miyembro na nais mag-avail ng SSS calamity loan ay maaring mag-register online. Ang kailangan lang nilang gawin ay bisitahin ang SSS web portal sa website na www.sss.gov.ph.

“The threat of COVID-19 will likely remain in the coming months. To this end, we have developed an online facility in the My SSS web portal in which we will receive all calamity loan applications to reduce face-to-face transactions in our branches.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang paliwanag pa ni Ignacio. Dagdag pa niya, sa ngayon ay wala ring hihingin pang dokumento basta ang tinitirhang lugar ng miyembro ay na-deklarang under state of calamity.

“So far, we will no longer ask for documents [proving their areas are under state of calamity] since the entire country is now under calamity.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Ignacio. Ngunit kung mag-aapply sa programa sa mga panahong wala ng COVID-19, ito ang mga SSS calamity loan requirements na kailangang ihanda:

  • Accomplished application form
  • Barangay Certification
  • Isang primary ID (UMID, driver’s license, passport, PRC card, o Seaman’s Book) o dalawang secondary IDs (PhilHealth ID, company ID, senior citizen ID, voter’s ID, TIN card, etc.)

Paano makukuha ang SSS calamity loan?

Ang mga miyembro ng SSS na mag-aapply at makakatanggap ng calamity loan ay maaring makuha ito sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:

  • Unified Multi-Purpose Identification cards na na-enroll bilang ATM
  • Union Bank of the Philippines Quick Card
  • Sa pamamagitan ng tseke na ipapadala sa kanilang preferred mailing address.

Nauna naring ipinahayag ng SSS nitong Lunes na kanilang i-extend ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon ng hanggang sa June 30. Ang extension ay para sa pagbabayad ng kontribusyon sa mga buwan na Pebrero, Marso at Abril. Ito ay para sa mga regular employers, household employers, self-employed, voluntary at non-working spouse members ng SSS.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

ABS-CBN News, PIA, Official Gazette of the PH

Basahin:

SSS members na nawalan ng trabaho makakatanggap ng 20,000 Pesos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement