Paalala sa lahat na mayroon nang SSS contribution table para sa taong 2019. Epektibo na ito simula pa nuong buwan ng Abril. Ito ay ayon sa inilabas na Circular no. 2019-005 para sa mga employer (ER), empleyado (EE), self-employed, boluntaryong miyembro at stay-at-home na mga asawa.
Simula Abril ng taong 2019, dapat ay naka-ayon na ang mga kontribusyon sa SSS sa makikitang tables:
Bagong SSS contribution table para sa mga miyembro:
Para sa mga empleyado, self-employed, boluntaryong miyembro, at mga non-working na asawa
Ang magiging kontribusyon ng mga non-working na asawa ay kalahati ng monthly salary credit (MSC) ng kanilang asawang miyembro.
Para sa mga miyembro na nakapag bayad na ng kontribusyon bago ang buwan ng Abril taong 2019, may ilang maaaring gawin. Kapag masmababa sa P1,000 ang MSC, kakailanganing magbayad ng P130 buwan buwan bilang dagdag sa kontribusyon. Kapag naman nasa P1,500 ang MSC na naibayad, P75 ang babayaran kada buwan. Kapag ito ay hindi nabayaran, mababale-wala ang kontribusyon na naibigay.
Sa mga miyembro naman na higit pa sa P1,500 ang MSC, maaaring magbayad ng pagtaas sa kontribusyon upang mapanatili ang MSC. Kapag ito ay hindi nabayaran, mas mababang MSC ang kikilalaning kontribusyon nito.
Para sa mga kasambahay
Nais ipaalala ng SSS na sa ilalim ng Kasambahay Law, kailangang sagutin ng employer ang buong kontribusyon ng kasambahay kapag masmababa sa P5,000 ang kinikita nito. Ang sinumang lalabag dito ay puwedeng patawan ng kaukulang parusa sa ilalim ng batas.
Para sa mga OFW na miyembro
Para sa mga OFW, ang pinakamababang MSC ay P8,000.
Ang bagong schedule ay naka-ayon sa RA no. 111999 o ang Social Security Act of 2018. Ang mga kontribusyon ay tataas nang 12%. Kasabay nito, ang minimum na MSC ay tumaas hanggang P2,000 habang ang maximum ay P20,000.
Source: SSS
Basahin din: SSS sickness benefit: Qualification, application at steps para makuha ito