SSS salary loan mas madali ng ma-applyan ng mga miyembro dahil sa pinabilis at pinadaling proseso.
SSS salary loan: Mga mahalagang impormasyon
Ang SSS salary loan ay ang cash loan na ibinibigay ng SSS sa mga employed, paying self-employed at voluntary member nito. Ito ay ibinibigay para matugunan ang pangangailangan ng miyembro sa panahon ng kagipitan.
Ang sinumang miyembro ng SSS ay puwedeng mag-apply ng salary loan na katumbas ng isa o dalawang buwan nilang sweldo.
Para sa 1-month salary loan ay dapat mayroong hindi bababa sa 36 months na total contribution sa SSS. Na kung saan ang 6 months’ ng kabuuang kontribusyon ay ginawa ng nakaraang 12 buwan bago mag-apply ng loan.
Sa mga mag-aapply ng 2-month salary loan ay dapat hindi bababa sa 72 months ang kabuuang kontribusyon. Na kung saan ang 6 months’ ng kabuuang kontribusyon ay ginawa ng nakaraang 12 buwan bago mag-apply ng loan.
Ang SSS salary loan ay hindi lamang para sa local members. Pati ang mga OFWs na nagtratrabaho sa ibang bansa ay maari ring mag-apply nito.
Iba pang qualifications para makapag-apply ng SSS salary loan
- Dapat ay updated sa pagbabayad ang employer ng miyembrong gustong mag-apply ng SSS salary loan.
- Ang member-borrower ay dapat hindi pa nabibigyan ng final benefits tulad ng permanent disability, retirement at death.
- Dapat ang member-borrower ay 65 gulang pababa sa oras na mag-aapply ng loan.
- Ang member-borrower ay dapat walang record ng fraud na nagawa laban sa SSS.
- Kailangan ay nakapag-register ng account sa https://www.sss.gov.ph/ bilang isang requirement para sa application.
SSS salary loan requirements at filing ng application
Para masimulan ang proseso ng pag-aapply sa salary loan kailangang kumpletuhin ng miyembro ang mga SSS loan requirements.
Ito ay ang sumusunod:
Para sa employed at self-employed members:
- Accomplished SSS Form ISL-101 o Member Loan Application Form
- SSS digitized ID o E-6
- Dalawang valid IDs na may pirma at ang isa ay dapat may pinakabagong picture ng borrower
Kailangan ding mag-register online sa SSS official website. Pumunta lang sa E-services tab para mag-apply ng loan at makatanggap ng confirmation e-mail na kung saan nakasaad dito ang transaction ng loan request. Maari ring pumunta sa pinakamalapit na SSS branch para maproseso ang iyong request.
Para sa mga OFWs:
Sa mga OFWs na gustong mag-apply ng salary loan ay maari silang pumunta sa SSS Foreign Representative Offices. Kung hindi naman available ito sa kanilang area ay maari silang magpadala ng representative para mag-submit ng application at documents sa pinakamalapit na SSS branch.
- Accomplished member loan application form
- SSS card ng authorized representative o 2 valid na may pirma at litrato
- Authorization letter na may pirma ng OFW borrower at authorized representative
Tandaan na dapat original o certified true copies ng SSS salary loan requirements o documents ang ipapakita sa pagpa-file ng loan request. At ang mga dokumento na nanggaling sa ibang bansa ay dapa ma-authenticate o ma-certify ng Philippine Consulate Embassy.
Matapos ang filing ng application, ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong linggo para maaprubahan ang loan request.
Para sa mga employed members, ang tseke ay i-rerelease sa kanilang employer. Habang ang mga OFW members at self-employed members naman ay i-nonotify ng SSS branch na kanilang pinag-applyan kapag ready na ang tseke nila.
Ang tseke ay iniisyu ng Philippine National Bank (PNB) at puwedeng mapa-encash sa kahit anong PNB Branch.
Mayroon ding charge na 1% service fee sa buong SSS loan salary request na ibabawas na sa iyong loan.
SSS salary loan terms, interest at payment
Ang salary loan ay maaring bayaran ng hulugan sa loob ng 24 months o 2 years. Nagsisimula ang paghuhulog sa pangalawang buwan matapos makuha ang hiniram na pera.
Ang due date o payment deadline ng pagbabayad ng SSS salary loan ay nakadepende sa sumusunod:
Ang interest rate ng SSS salary loan ay 10% kada taon na patuloy na i-cha-charge hanggat hindi pa nababayaran ang hiniram na pera.
Ang kabayaran sa loan ay awtomatikong ibabawas sa monthly salary ng mga employed member.
Sa pagkakataong hindi naman makabayad ang self-employed o voluntary member ay ibabawas ito sa kaniyang short-term benefits tulad ng Sickness, Maternity at Partial Disability.
Sa hindi naman inaasahang pagkamatay, total disability o retirement, ang kabayaran sa loan, interest at penalties ay ibabawas sa corresponding benefits ng mga nabanggit na kondisyon.
Source: Money Max, SSS , GMA Network
Basahin: Lubog sa utang? Tips kung paano ito harapin bilang pamilya