8-buwang sanggol, nagsugat at nalapnos ang balat dahil sa isang bibihirang sakit

Narito ang impormasyon tungkol sa staphylococcal scalded skin syndrome na dapat malaman ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Staphylococcal Scalded Skin Syndrome o SSSS ang naging findings ng doktor sa naging kondisyon ng isang 8-buwang sanggol na bigla nalang nagsugat at nanuyo ang balat.

Ang sakit ay maari daw nakuha ng sanggol sa isang matandang humalik o humawak sa kaniya. Kaya naman magulang ng nasabing sanggol nagbigay babala sa iba pang mga magulang na ingatan at huwag basta pahahawakan at pahahalikan ang mga anak.

Image from Oj Sieras Facebook post

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Batang nagsugat at tila nalapnos ang balat

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ni Oj Sierras ang pinagdaanan ng kaniyang walong buwang gulang na anak na si Olivia.

Ayon kay Oj ay una nilang napansin na namumula ang balat sa paligid ng bibig at mata ni Olivia. Hanggang sa ito ay mas pumula at tila nalalapnos at nagbabalat na. Unang inakala nila na ito ay simpleng allergy lang. Ngunit ng mabigyan ng anti-allergy drug sa ospital ay hindi parin nagbago ang kondisyon ng balat ni Olivia at mas lumala pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Oj Sieras Facebook post

Dito na sinabi ng doktor na maaring hindi basta allergy ang kaso ng kaniyang baby. Kaya naman agad silang pinayuhang lumipat ng ospital na mas makakapagbigay ng angkop na lunas sa kondisyon ng kaniyang anak na tinawag ng doktor na Staphylococcal Scalded Skin Syndrome o SSSS. Isa umano itong bibihirang sakit na isa sa kada isang milyong bata lang ang nagkakaroon.

Sa pagdaan ng araw ay mas lumala pa ang kondisyon ng balat ni Olivia. Mula sa kaniyang ulo ay kumalat ang pagsusugat at panunuyo ng balat sa kaniyang katawan hanggang sa paa. Kahit ang puwetan at genitals daw ng bata ay nabalatan na mas nagpahirap rito lalo pa’t nagtatae din siya at kailangang maya-mayang linisan.

Umabot daw sa puntong dahil sa pagsusugat at panunuyo ng balat ay hindi na naimulat ng kaniyang anak ang mga mata nito. Iyak lang daw ito ng iyak dahil sa sakit. Isang sitwasyon na dumudurog sa puso ng kahit sinong magulang sabi ni Oj. Hindi niya daw ito malilimutan.

Paalala sa mga magulang

Kaya naman dahil sa pinagdaanan ng anak ay nagbabala si Oj sa Staphylococcal Scalded Skin Syndrome na pinagdaanan ng anak. Ayon daw sa doktor na tumingin kay Olivia, ang kondisyon daw na ito ay isang impeksyon na dulot ng bacteria. Nakuha daw ito ng anak sa pamamagitan ng direct contact sa isang matanda na taglay ang bacteria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa aming pagkakaintindi ang bacteria na napunta kay baby ay galing sa mga tao na nakakasama niya at naililipat ito through direct contact. Sa pagkiss,at sa paghatsing. kadalasan daw ang bacteria nito ay nasa atin, nasa ilong natin at sa iba pa”, pahayag ni Oj sa kaniyang Facebook post.

“Kaya kaming mga nag-alaga kay baby ay pinalagyan ng bactroban o isang anti-baterial cream sa aming ilong at dapat lagi nag-aalcohol”, dagdag pa niya.

Ayon pa kay Oj ay 7days antibiotic treatment daw ang naging gamot sa kondisyon ni Baby Olivia. Sa pangatlong araw ay napansin na nila na humupa na ang pamumula at panunuyo ng kaniyang balat.

Mabuti na nga lang daw ay naagapan. Dahil kung hindi ang pamumula at pagsusugat ng balat na parang nalapnos ay kakalat sa buong katawan niya. Ito rin daw ay maaring magdulot ng komplikasyon na maglalagay sa buhay ng isang bata sa peligro,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya may paalala at payo si Oj sa mga magulang.

“Una manalangin at magtiwala sa Diyos. Pangalawa dalhin agad sa ospital upang itoy maagapan. Napakapalad namin dahil nadala namin agad siya sa opsital. At naituro agad kami sa specialist upang itreat ang kanyang kondisyon.”

Staphylococcal Scalded Skin Syndrome o SSSS

Ayon sa Rarediseases.org, ang staphylococcal scalded skin syndrome o SSSS ay isang disorder na nagdedevelop dahil sa toxin na nagproproduce ng staphylococcal infection.

Ang toxin daw na ito ay mapanganib na unang naililipat sa balat na kumakalat hanggang sa dugo.

Inaatake nito ang outer layer ng balat na nagdudulot ng pamumula, pamamalat at pamamaltos ng balat na tila napaso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas prone daw ang mga limang taong gulang na bata pababa sa pagkakaroon nito. Dahil wala pa silang antibodies para labanan ang nasabing toxin. At masyadong immature pa ang kanilang kidneys para tulungan silang maalis ito ng mabilis sa kanilang katawan. Ngunit ang staphylococcal scalded skin syndrome ay maari ring maranasan ng mga matatanda.

Ayon naman sa Dermnet.org, ang Staphylococcus aureus ang bacteria na nagdudulot ng staphylococcal scalded skin syndrome. Ito ay naidadala ng isang adult carrier sa isang bata o baby na mahina pa ang immune system na labanan ang sakit. Wala daw makikitang sintomas ang SSSS sa matandang mayroon nito. Ngunit mapanganib naman ang maaring maidulot nito sa bata o baby na mahahawaan niya ng sakit.

Ang staphylococcus aureus bacterium ay madalas na sumisiksik sa ating ilong. Kaya naman maihahawa o maililipat ito sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbahing. O kaya naman ay sa kahit anong direct contact na pinapasok ang balat sa pamamagitan sugat, rashes, o galos.

Sintomas at lunas ng staphylococcal scalded skin syndrome

Ang SSSS ay madalas na nagsisimula sa isang lagnat. Sasabayan din ito ng irritability at pamumula ng balat ng taong mayroon nito. Sa loob ng 24-48 hours ay magsisimula ng mamaltos ang balat. At ito ay mabilis na mag-iitsurang lapnos o paso.

Ilan sa parte ng katawan na agad na mapapansin ito ay sa mukha, braso, ilong at tenga. Mabilis na kumakalat ito na maari ring mapansin sa kili-kili, legs at puwetan. Habang sa mga baby ay makikita ito sa kanilang diaper area at sa paligid ng kanilang umbilical cord.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang staphylococcal scalded skin syndrome ay nadidiagnose sa pamamagitan ng skin biopsy, Tzanck smear at pagkuha ng bacterial culture sa balat.

Nalulunasan naman ito sa tulong ng intravenous antibiotics na nangangailangan ng hospitalization.

Ang SSSS ay hindi naman delikado kung agad na malulunasan. Ngunit kung hindi ito ay maaring magdulot ng severe infections tulad ng sepsis, cellulitis at pneumonia na nakakamatay.

Para maiwasang makakuha ng sakit na ito ang iyong anak ay siguraduhing malinis ang katawan ng mga taong lumalapit o humahawak sa kaniya. Magagawa ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o hand sanitizer sa tuwing siya ay hahawakan. At kung maari ay huwag siyang basta-basta pahahalikan dahil sa ang Staphylococcus aureus ay madalas na naninirahan sa ilong at mas madaling maililipat sa kaniya.

Sources: NCBI, Rarediseases.org, DermNet NZ, Medscape

Basahin: Cold urticaria: Sanhi, sintomas, at gamot para sa skin allergy na ito