Mga celebrity mommy nagdiwang ng Mother’s Day sa Star Mamamagic Day!

Naganap ang kauna-unahang Star MamaMagic Day kamakailan, Ito ay programa kung saan ay binigyang pugay ang pagiging ina ng mga artist ng Star Magic na mommy na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang heartwarming at masayang Mother’s Day celebration ang hinandog ng Star Magic sa kanilang mga celebrity moms. Naganap nga kamakailan ang Star MamaMagic Day na dinaluhan ng mga mommy at ng kanilang mga anak.

Star Mamamagic Day ipinagdiwang para sa mga celebrity mommy!

Bilang tribute sa mga Star Magic moms at sa mga mommy na rin ng ibang celebrities, isinagawa ang kauna-unahang Star MamaMagic Day. Paraan umano ito ng Star Magic na i-acknowledge ang hindi matatawarang pagmamahal ng mga ina sa kanilang mga anak.

Larawan kuha ni Marhiel Garrote

Naganap ang Star MamaMagic Day noong May 11, 2024, sa Bacoor, Cavite. Napanood naman ito sa lahat ng social media platforms ng Star Magic.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kasiyahan ay ang mga celebrity mommy tulad nina Dimples Romana, Desiree del Valle, Hasna Cabral, Nikki Valdez, Vina Morales, Janella Salvador, Elisse Joson, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha ni Marhiel Garrote

Isa sa special moment sa Star MamaMagic Day event na ito ay ang pagbabahagi ng kani-kanilang tribute ng mga partner ng mga celebrity mom. May pagkakataon din kung saan ay ipinahayag ng mga anak ang kanilang pasasalamat sa kanilang mommies sa pamamagitan ng video message.

Matapos ang emotional tribute na ito, tinawag naman ang Star Magic moms sa stage. Ito ay upang ibahagi ang kanilang mga karanasan tungkol sa motherhood.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay mommy Melai Cantiveros, nang tanungin ito kung paano niya napapanatiling masaya ang pamilya. Dapat daw na maging masaya muna sa sarili, para maging masaya ang pamilyang kinabibilangan.

Larawan kuha ni Marhiel Garrote

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbahagi naman si Janella Salvador ng sentimyento tungkol sa “mom guilt”. Kung saan ay ipinaalala niya sa mga kapwa ina, na hindi dapat ikahiya ang pagiging mommy. Dahil ang motherhood ay isang proseso ng pagkatuto na dapat yakapin ng mga ina.

Bukod sa moments na ito para sa mga celebrity mommy. Binigyan din ng oportunidad ang ilang Star Magic artists tulad nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, KD Estrada, Alexa Ilacad, Francine Diaz at iba pa. Upang magbahagi ng kanilang masasayang alaala kasama ang kanilang ina.

Mapapanood ang kabuuan ng Star MamaMagic Day event sa YouTube channel ng Star Magic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan