Nais ng isang lawmaker na bigyan ng financial assistance ang mga stay-at-home moms sa bansa.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Financial assistance para sa stay-at-home moms inihain sa Kongreso
- Qualifications para sa compensation
- 5 sacrifices of stay-at-home moms
Financial assistance para sa stay-at-home moms inihain sa Kongreso
Isinusulong ng isang mambabatas na magkaroon ng compensation ang mga stay-at-home housewives.
Ang naturang panukalang batas ay inihain ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa 19th Congress.
Nakasaad sa House Bill No. 668, o ang ‘Act Providing For Compensation To Stay-At-Home Housewives’ na bibigyan ng buwanang financial assistance ang mga nanay na nananatili sa bahay.
Nagkakahalaga ng P2,000 kada buwan ang ibibigay sa mga qualified na makatanggap ng naturang benepisyo.
“Financial assistance equivalent to P2,000 per month shall be given to housewives who are covered under this Act.”
Larawan mula sa Shutterstock
Base naman sa ‘definition of terms’ ng naturang bill, kailangan na ang anak ay below 12 years old, biological child man o hindi.
Ayon kay Salceda, nasa 67.5 percent ng mga hindi parte ng labor force ng bansa ay mga kababaihan.
Karamihan sa mga babae na hindi nagtatrabaho ay dahil sa unpaid care work tulad ng pagiging stay-at-home mom.
Kaya naman nais ng mambabatas na kilalanin ang ginagawang trabaho ng mga stay-at-home housewife bilang ‘valuable economic activity’.
“The homemaker or housewife deserves at least an amount equivalent of a minimum wage, considering that household work is also a full-time job.”
“Some studies show that if we quantify the work of stay-at-home women, it approximates the work of kasambahay, thus housewives also deserve to get paid at least what a kasambahay earns.”
Mga qualifications para sa compensation
Nakalagay sa naturang panukalang batas na magkakaroon ng review ang Kongreso kada tatlong taon sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay para malaman kung sino-sino ang mga qualified para sa nasabing financial assistance para sa mga nanay na walang pinagkakakitaan.
Gagamitin ng gobyerno ang National Household Targeting System for Poverty Reduction database ng DSWD para malaman ang initial set ng mabibigyan ng benepisyo.
Matapos ang unang taon ng pag-implement ng compensation, gagawa ang Social Welfare and Development Office ng bawat local government unit ng mekanismo para ma-update kada taon ang listahan. Ito ay para malaman kung sino-sino pa ang qualified para maging benificiary para sa financial assitance.
Ilang kondisyon din ang posibleng sundin ng ng DSWD, na suportado ng mga local government unit, bago maibigay ang P2,000 monthly financial assistance sa mga beneficiaries.
Hindi ito ang kauna-unahang beses na inilakad ni Salceda sa Kongreso ang financial assistance para sa mga stay-at-home moms.
Ilan sa kondisyon na ito ay ang mga sumusunod:
- Ang mga anak ay naka-enroll sa pampublikong paaralan at kailangang 85 percent ang attendance.
- Anak ng stay-at-home mom ay kailangang magpakita ng responsible behavior bilang paghahanda sa pagiging independent.
- Ang pamilya (nanay, tatay at anak) ay dumadalo sa quarterly barangay assembly. Ito ay naglalayong ma-empower ang bawat pamilya na maging responsableng mamamayan ng kanilang lugar.
Base naman sa Section 3 ng naturang House bill, ang mga mabibigyan ng financial compensation ay mga housewives na mahihirap ang pamilya. Kasama rin dito na wala silang part-time work or home-based na trabaho.
“This Act shall apply to all housewives whose family’s economic status falls below the poverty threshold, who works as a full-time housewives, and do not have part-time nor home-based work that is compensated.”
Larawan mula sa Shutterstock
5 sacrifices of stay-at-home moms
Hindi biro ang sakripisyo na ginagawa ng mga nanay para sa kanilang asawa at mga anak.
Heto ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang buhay buhat ng sila ay maging ina:
Madalas na pagpupuyat
Ito ay nangyayari lalo kapag newborn ang baby. Nandiyan ang paggising sa madaling-araw para mapa-breastfeed ang anak o kaya ay mapatahan ito.
Multi-tasking
Wala na sigurong mas gagaling pa sa mga nanay pagdating sa paggawa ng maraming bagay nang sabay-sabay. Nandiyan ang minsang paglilinis ng bahay habang nag-aalaga ng anak, o hindi kaya ay paghahanda ng inyong kakainin habang may iba pang ginagawa.
Minsan din ay natututo na silang magkumpuni ng mga simpleng sira sa bahay.
Nasasakripisyo ang kanilang oras
Mahalaga ang ‘me time’ para sa kahit sinong indibiduwal. Ngunit minsan, mas gusto ng mga nanay na makasama ang kanilang mga anak kahit sa kanilang free time. Nandiyan ang bonding tulad ng panonood ng favorite show ng kanilang kids. O kaya ay pagpunta sa mga amusement park para mag-enjoy ang kanilang mga anak.
Larawan mula sa Shutterstock
Sobrang worried kapag may sakit ang anak
Laging sinasabi ng mga nanay na sila na lang ang magkasakit, huwag lang ang kanilang mga anak. Kaya naman kapag may illness ang kids ay hindi na mapapakali ang isang ina, kahit simpleng lagnat pa ito.
At dahil sa pagiging hands on nila kapag may sakit ang anak, minsan ay nahahawaan sila ng sakit.
Pagsigurong laging may kakainin ang pamilya
Mahirap mag-budget para sa pagkain, at sa mga mommies nakaatang ang responsibility para maging healthy ang kakainin ng kaniyang pamilya araw-araw. Kaya naman ang mga hindi marunong magluto noong sila ay dalaga pa, kinakailangan mag-aral para sa kanilang binuong pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!