Ang stillbirth in Tagalog ay ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina matapos ang ika-24 na linggo ng pagdadalang-tao. Ayon sa statistics, isang porsyento sa numero ng nagdadalang-tao ang nakakaranas ng nakakalungkot na pangyayaring ito.
Limampung porsyento sa mga ito ay hindi inaasahan at walang malinaw na dahilan. Samantalalang 30% nito ay dahil sa kakulangan sa tamang pag-aalaga sa pagbubuntis at pagpapaanak.
Talaan ng Nilalaman
Sanhi ng stillbirth
Walang tiyak na sanhi kung bakit nangyayari ang stillbirth sa isang babaeng buntis. Subalit may ilang mga factor na nakakapagpataas ng tiyansa na magkaranas ng stillbirth ay isang babae. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Komplikasyonn sa placenta
Ang mga komplikasyon sa placenta kagaya ng placental abruption at placenta previa ay maaaring magdulot ng stillbirth. Lalo na kung hindi ito nababantayan ng doktor. Kaya naman kapag may mga ganitong kundisyon ang isang buntis ay dapat sundin ang lahat ng payo ng kanilang mga doktor.
2. Pagkakaroon ng problema sa umbilical cord
Ang pagkakaroon ng problema sa umbilical cord na nag-uugnay sa placenta ng sanggol at sa kaniyang ina ay maaaring magdulot ng stillbirth.
Halimbawa na lamang kung mayroon umbilical cord compression o umbilical cord prolapse ay nakakaapekto sa daloy ng dugo oxygen papunta sa sanggol. Ito ang ilang sa mga nakakapagpataas ng tiyansa na makaranas ng stillbirth ang isang buntis.
3. Mayroon fetal abonormalities
Kung ang sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina ay mayroong nang genetic abnormalities o congenital defects ay makakapagpataas din ito ng tiyansa ng stillbirth.
4. Pagkakaroon ng mga health conditions
Ang pagkakaroon halinbawa ng diabetes, hypertension, preeclampsia, o mga sakit sa mga organs tulad ng kidney o heart ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon na nagiging sanhi ng stillbirth.
5. May impeksyon
Minsan may mga impeksyon tulad ng listeriosis, syphilis, at iba pang mga kondisyon ay maaaring magdulot ng stillbirth.
6. Pagkakaroon ng kundisyon na Intrauterine Growth Restriction (IUGR)
Ang kondisyong ito ay nagpapahina sa development ng baby sa sinapupunan ng kaniyang ina, na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at stillbirth.
Mahalaga na konsultahin ang isang doktor at eksperto sa OB-GYN upang masusing matukoy ang posibleng sanhi ng stillbirth at para mabigyan ng karampatang pangangalaga at suporta ang mga ina na nakaranas nito.
Ang mga nabanggit na sanhi ay ilan lamang sa maraming posibleng rason, kaya’t ang tamang pagsusuri at pagsusuri ay mahalaga upang maiwasan o maunawaan ang stillbirth.
Mga paraan para maiwasan ang stillbirth
Ayon sa mga eksperto, may mga paraan para mabasawan ang tiyansa ng stillbirth sa isang pagdadalang-tao. Ilan sa mga paraang ito ay ang sumusunod:
1. Matulog nang nakatagilid sa huling tatlong buwan ng pagdadalang-tao.
Ang posisyon sa pagtulog ng isang babaeng buntis ang isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng stillbirth. Ayon sa mga ulat, ang mga babaeng natutulog sa kanilang likod matapos ang ika-28 na linggo ng pagdadalang-tao ay may mas mataas na tiyansang maranasan ito.
Ito ay dahil sa hindi sapat na daloy ng dugo at oxygen sa katawan ng isang buntis na napaka-importante. Upang mapanatili ang buhay ng sanggol na kaniyang dinadala.
Kaya naman ipinapayo ng mga eksperto ang pagtulog ng nakatagilid sa bandang kaliwa upang maibigay ang sapat na pangangailangan ng sanggol sa sinapupunan habang nakahiga ang isang nagdadalang-tao.
2. Bantayan ang bilang ng sipa o pag-galaw ng sanggol.
Ang kabawasan o paghina ng paggalaw at pagsipa ng sanggol ay nangangailangan ng agarang medical na atensyon ng iyong doktor o midwife.
Ito’y madalas na nangangahulugan ng potensyal na problema sa sanggol sa sinapupunan tulad ng poor growth, disability, at stillbirth.
Kaya naman napaka-importante na nababantayan at madalas na natitingnan ang bilang ng heartbeat ng isang sanggol para maiwasan ito.
Mahigpit din na ipinapayo na tumawag agad o pumunta sa doktor kung mapapansin ang pagbabagong ito sa sanggol na ipinagbubuntis.
Maaaring gumamit ng mga kick counter, i-download ang theAsianparent Community app kung saan makikita mo ang feature ng kick counter. Basahin pa ang patungkol rito, i-click ito!
3. Itigil ang paninigarilyo habang nagdadalang-tao.
Ang paninigarilyo habang nagdadalang-tao ay isa rin sa itinuturong dahilan ng stillbirth at iba pang peligro sa pagdadalang-tao. Tulad ng fetal growth restriction, premature birth, at SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.
Ang paninigarilyo rin habang nagdadalang-tao ay umaapekto sa buhay ng isang bata. Kahit ito ay malusog na naipanganak. Kaya kung naninigarilyo ipinapayong tumigil na ang isang babae mula dito.
Maaari siyang makipagugnayan sa mga health centers o humingi ng payo mula sa kaniyang midwife o doktor. Para sa mga programa na makakatulong sa kaniya upang huminto sa paninigarilyo.
Ang pagiging passive smoker din o ang pagkakalanghap ng usok mula sa isang taong naninigarilyo ay mapanganib rin sa isang nagdadalang-tao. Kaya dapat umiwas ang isang buntis sa isang naninigarilyo o hindi kaya naman ay tuluyan ng patigilin ang sinumang naninigarilyo na malapit sa kaniya.
4. Regular na magpa-check-up para ma-monitor ang paglaki at pag-galaw ni baby.
Ang fetal growth restriction o ang hindi maayos na paglaki ng isang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina ay isang indikasyon ng problema sa sanggol na maaring humantong sa stillbirth. Pagkamatay sa unang mga linggo matapos maipanganak at pagkakaroon ng mga chronic o malubhang sakit habang siya ay lumalaki.
Para maiwasan at maagapan ang mga ito, ang regular na pagpapa-check-up o pagpunta sa antenatal appointments ng isang buntis ay makakatulong upang ma-monitor at malaman ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina.
Kung sakaling ma-detect na maaring may problema may mga paraan para masolusyonan ito na makakatulong upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng mag-ina.
5. Panganganak sa tamang oras o due date.
Ang tiyansa ng pagkakaroon ng stillbirth ay mas mataas din sa mga babaeng nalalapit o lumampas na sa kanilang due date. Sapagkat ito sa pagbaba ng kanilang placental function.
Bagamat ang tiyansa ng stillbirth sa mga buntis na overdue o lagpas na sa 42 weeks na nagbubuntis ay mababa na kung saan umaapekto lamang sa 1 of 1000 na babae. Tumataas naman ang tiyansa nito sa mga babaeng nakakaranas ng mga sumusunod:
- Lagpas sa 35 taong gulang
- Naninigarilyo
- Overweight o obese
- Mayroong pre-existing diabetes
- Buntis sa unang baby
- Nakaranas ng stillbirth sa nakaraang pagbubuntis
- Mula sa disadvantaged groups o indigenous group na hindi nabigyan ng sapat na atensyong medical habang nagdadalang-tao
Ang pag-e-exercise tulad ng paglalakad kapag nalalapit na ang due date ng panganganak ay nakakatulong upang magbigay silang sa isang sanggol sa tamang oras.
Isang paraan rin ito upang hindi mahirapan sa pagle-labor o panganganak. Dahil sa inihahanda nito ang iyong katawan at normal na ipinipwesto nito ang sanggol sa kaniyang lalabasan.
Ang pagiging active at pagkain ng masusustansiyang pagkain habang nagdadalang-tao ay nakakatulong para makaiwas sa stillbirth. Gayundin na masigurong healthy din ang dinadalang sanggol.
Ang pagpapanatili rin ng malinis na kapaligiran at katawan ay nakapaimportante para naman makaiwas sa sakit o impeksyon na maaring makasama rin sa sanggol na nasa sinapupunan.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.