Sanggol, binuhusan ng tubig sa mukha ng sariling ina dahil ayaw nitong tumigil sa pag-iyak

Kapag binalewala ang stress ng mga magulang ay posibleng makaroon ito ng masamang epekto sa mga bata. Ating alamin kung paano makakaiwas sa matinding stress

Hindi madali ang pagiging isang magulang. Mula sa pagtatrabaho para sa pamilya, at pag-aalaga sa mga anak, hindi nakapagtataka na parating mataas ang levels ng stress ng mga magulang.

At para sa maraming mga mommy at daddy, tanggap na nilang bahagi talaga ito ng ‘job description’ bilang magulang. Ngunit may ilang magulang na tila hindi kayang magsakripisyo para sa kanilang mga anak.

Tulad na lang ng isang ina mula sa South Carolina, USA, na binuhusan ng tubig sa mukha ang kaniyang sanggol. Aniya, ito raw ang kaniyang ‘ganti’ dahil pinupuyat siya ng kaniyang anak.

Paano niya nagawa ang pang-aabuso sa kaniyang anak?

Noong nakaraang Sabado ay binuhusan ng inang si Caitlin Alyse Hardy ng bote ng tubig ang bibig at ilong ng kaniyang anak, na naging dahilan upang ito ay ubuhin at mahirapang huminga. Pinost pa raw niya ito sa Facebook, at sinabing gumaganti siya sa anak dahil madalas raw siyang puyatin. Naglagay pa siya ng mga emoji na tumatawa sa post niya.

May mga ilang nakakita sa video ang agad na inireport ito sa mga awtoridad. Kumalat ang video matapos itong i-share sa isang Facebook page na para sa mga baby.

Agad namang umaksyon ang mga awtoridad sa ginawa ng ina, at nagsagawa sila ng imbestigasyon matapos makita ang video. Dahil dito, naglabas sila ng arrest warrant, at inakusahan ng “ill treatment, unnecessary pain and suffering, and/or deprivation of necessary sustenance” sa kaniyang sanggol.

Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang ina, at inaalam kung sinasaktan ba niya ang iba niyang mga anak. Sa

Paano mababawasan ang stress ng mga magulang?

mababawasan ang stressHindi biro ang epekto ng stress sa ating mga katawan. Ito ay nagiging sanhi ng maraming sakit, at malaki itong problemang kinakaharap ng maraming mga tao. Kaya mahalagang alamin ng mga magulang kung paano nila na kanilang nararanasan.

Heto ang ilang mga tips para mabawasan ang stress:

  • Laging maglaan ng 20 minuto para sa inyong mga anak
  • Maglibang, at huwag palaging magpakasubsob sa trabaho o gawaing bahay
  • Tumawa at maglaro kasama ang iyong mga anak
  • Maghanap ng bagong hobby

 

Source: BuzzFeed News

Basahin: Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara