Paano maiiwasan ang stress sa trabaho? Subukan mo ang 48-hour rule na ito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang 48-hour rule?
- Paano makakatulong ang rule na ito para makaiwas sa stress sa trabaho.
Paano makakaiwas sa stress sa trabaho?
Tayong mga working parents sinisikap na laging makaiwas at hindi madala sa bahay ang stress sa trabaho. Para sa isang working mom na tulad ko, ito ay isang malaking challenge at struggle na ang hirap iwasan.
Pero para sa mga executive at book authors na sina Ilene Gordon at Bram Bluestein may isang bagay na maaaring gawin ang mga magulang para magawa ito.
Ito ay sa pamamagitan ng 48-hour rule na may malaking maitutulong umano hindi lang sa relasyon ng mag-asawa. Ito ay may malaking naitutulong rin para ma-improve ang relasyon ng mga magulang sa anak nila.
Business photo created by tirachardz – www.freepik.com
Ano ang 48-hour rule?
Ayon sa artikulong isinulat ng mag-asawa sa website na Psychology Today, ang 48-Hour rule ay tumutukoy sa pag-spend ng kumpletong 48-hours tuwing weekend sa inyong bahay na walang ginagawa na kahit anong task sa iyong trabaho.
Ang rule na ito ay marami umanong maibibigay na benepisyo na napatunayan mismo ng mag-asawa na napaka-epektibo.
Una, sa pamamagitan ng 48-hour rule ay nakakapagpahinga ng tama at maayos ang mag-asawa. Kaya naman pagbalik sa trabaho ay mas energized at productive sila.
Dagdag pa nito ay mas nagkakaroon sila ng quality time bilang mag-asawa. Ganoon din sa mga anak nila na ikinatuwa at na-enjoy daw ng mga ito.
Sa katunayan, lagi umano nilo-look forward ng mga ito ang weekends at ang 48-hours na masosolo nila ang oras ng kanilang mga magulang. Ito ay naging isang routine rin para sa kanilang pamilya na vina-value nila.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Bakit hindi ka dapat nagtatrabaho sa weekends ayon sa isang pag-aaral
Samantala, maliban sa nabanggit na benepisyo ng hindi pagtatrabaho sa weekend ng mag-asawang Bluestein, ayon sa mga pag-aaral, ang pagtratrabaho sa weekend ay maari ring makasama sa iyong kalusugan.
Base sa pag-aaral na isinagawa ng Finnish Institute of Occupational Health, ang mga nagtatrabaho tuwing weekends ay 12% na mas mataas ang tiyansang maging heavy drinkers. Sila ay nakakaranas din ng hirap sa pagtulog, depression at heart disease. Ito ay ayon naman sa isa pang hiwalay na pag-aaral.
May isang pag-aaral naman ang nagsabi na mas tumataas din ang tiyansa na magkaroon ng Type 2 diabetes ang mga nagtratrabaho tuwing araw ng Sabado at Linggo.
Ayon naman sa psychotherapist na si Mayra Mendez, ang pagtratrabaho sa weekends ay makaka-damage rin sa iyong mental health. Sapagkat maaring magdulot ito ng prolonged stress na maaaring mauwi sa depression. Higit sa lahat, binabawasan nito ang oras mo sa iyong pamilya at nagdudulot ng distansya sa pagitan ninyo.
BASAHIN:
Kung stressed si Mommy dahil kay baby, si Daddy lang ang kailangan niya—wala ng iba
20 signs na stressed ka na at tips para maka-cope ka dito
STUDY: Yoga and meditation found to reduce chronic pain and depression
Paano maiiwasang magtrabaho tuwing weekends?
Maliban sa pagsunod sa 48-hour rule at pagiging dedicated sa pagsasagawa nito, may ibang hakbang ka pa na maaaring gawin para maiwasan ang pagtratrabaho mo sa weekends. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. I-manage ng maayos ang trabaho mo mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang pagiging organize ang sikreto para maisagawa ng tama at maayos ang lahat ng work task mo. Makakatulong ang pagkakaroon ng routine o schedule.
Gaya na lamang sa paglalaan ng umaga ng iyong work days sa pagsagot ng mga emails mo kaugnay sa trabaho. Gayundin ang pagsasagawa ng iba mong workloads sa natitirang mga oras sa araw mo.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
2. Ipaalam sa iyong workmates at iba pang kasama mo sa trabaho ang schedule mo.
Para matulungan kang ma-achieve ang zero work on weekends goal mo, dapat ay alam ito ng mga taong nakapaligid sa ‘yo. Sabihin sa kanila ang work schedules mo para sila rin ay maka-adjust at parehong ma-meet ninyo ang inyong work requirements.
3. Maging flexible sa iyong oras.
Hindi naman ibig sabihin nito na hindi ka na dapat gumawa ng kahit anong trabaho na lagpas sa working hours mo. Kung may mga bagay na dapat tapusin ay mabuting gawin ito sa mga oras na pasok sa weekdays. Ito ay para masiguro na magagawa mo ang trabaho at magiging free ka sa weekends para sa pamilya mo.
Source:
Psychology Today, US News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!