Dahil sa matinding hirap ng transportation ngayon, ang ibang manggagawa ay nakaisip ng alternatibong paraan para makapasok pa rin sa kanilang trabaho kahit na hindi sumasakay ng pampublikong sasakyan. Ito ay ang pagbibisikleta. Ngunit isang security guard ang namatay sa stroke habang nagbibisikleta pauwi sa kanilang bahay.
Security guard maaaring namatay sa stroke habang nagbibisikleta
Si Allan Artuz ay nagtatrabaho bilang security guard sa isang condo sa Quezon City.
Natagpuan ng mga awtoridad ang kanyang walang buhay na katawan sa daanan. Ayon sa balita, siya ay pauwi na sa Antipolo habang nagbibisikleta pagkatapos ng kanyang trabaho sa isang condo sa Quezon City. Ngunit habang nasa daan ito bigla nalamang ito ay nag collapse at agad siyang isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Ngunit kahit mabilis itong nadala sa ospital, hindi pa rin niya nakayanan at agad binawian ng buhay.
Ayon sa balita, tinawagan ng barangay ang asawa ni Allan na si Irene para sabihin na patay na ito.
Labis naman ng kalungkutan ng kanyang asawang si Irene. Naglabas rin ito ng kanyang saloobin at ibinahagi kung gaano kabait na asawa si Allan.
Ayon sa pagsusuri ng mga doctor, maaaring stroke ang ikinamatay ni Allan dahil wala itong natamong kahit na anong sugat o kung ano man. Napagalamang mayroon rin itong diabetes at high blood pressure at itinigil ang paginom ng kanyang maintenance dahil sa pananakit na tyan.
Si Allan ay isang security guard sa isang condo. Siya ay nagbibisikleta mula sa kanyang pinagtatrabahuan sa Quezon City hanggang pauwi sa Antipolo.
Ano ang Stroke?
Nangyayari ang stroke kapag ang daloy ng dugo sa iyong utak ay biglang bumaba. Dahil dito, mawawalan ng oxygen at nutrients ang iyong tissue dahilan para mamatay agad ang mgabrain cells sa loob ng ilang miuto.
Sa stoke, mahalaga at importante ang bawat oras. Kung mas maagang nagamot ang pasyente, mas mapapababa ang risk nitong mamatay o magkaroon ng severe brain damage.
Hindi biro ang stroke dahil mabilis itong umatake. Isang paraan para maibsan ang pagiging seryoso at malala nito ay ang mabilis na paggamot at paghingi ng medical support. Narito ang mga sintomas ng stroke na kailangan mong bigyang pansin.
Sintomas ng stroke
- Biglaang hirap sa pagsasalita o makaintindi ng salita
- Biglaang hirap makakita gamit ang dalawang mata
- Pamamanhid o panghihina ng legs, mukha, braso.
- Matinding sakit ng ulo
- Hirap sa paglalakad
- Pagkawala ng balanse sa sarili
Kung sakaling nakakaranas ng mga ito, mabuting bigyan agad ito ng aksyon o magpatulong sa kamag-anak para magpadala sa ospital. Tandaan, kailangan bilisan ang kilos dahil kapag nagkaroon ng stroke, every minute counts.
F.A.S.T.
Makakatulong ang FAST para malaman kung may sintomas na ba ito ng stroke.
F—Face: Pangitiin ang pasyente. Kung napansin mo na hirap o tila hindi gumalaw ang kabilang bahagi, isa itong senyales.
A—Arms: Ipataas ang dalawang kamay ng pasyente. Kung napansin mong hirap ang kabilang bahagi, isa itong senyales.
S—Speech: Pagsalitain ang pasyente. Kung napansin mong hirap ito sa pagsasalita, isa itong senyales.
T—Time: Kung nakita mo ang mga senyales na ito, tumawag agad sa emergency hotline.