20% student discount sa lahat ng public transportation—pati eroplano at barko

Aprubado na ang student discount fare act na naglalayong magbigay ng 20% discount sa mga estudyante sa lahat ng uri ng public transportation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Student discount fare act na naglalayong magbigay ng 20% discount sa mga estudyante sa lahat ng uri ng public transportation, aprubado na ni Pangulong Duterte.

Student Discount Fare Act

Ang Student Discount Fare Act o ang Republic Act 11314 ay ang batas na nagbibigay sa mga estudyante ng 20% sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Kabilang rito ang jeep, bus, UV Express van, taxi at pati narin sa mga eroplano at pampasaherong barko. Makakatanggap rin sila ng diskwento sa mga byahe ng tren sa ilalim ng MRT, LRT at PNR.

Bago pa man ma-aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na ito kahapon ay una ng nakakatanggap ng diskwento ang mga mag-aaral sa pampublikong transportasyon. Ngunit, noon ay limitado lang ito sa mga land transportation vehicles. Pero ngayon pati sa byahe ng eroplano at barko ay maari na nilang magamit ang benepisyo na ito.

Paano ma-avail ang discount?

Para ma-avail ang 20% discount ay kailangan lang maipakita ng estudyante ang kaniyang duly-issued at validated ID. O kaya naman ay ang validated enrollment form bilang patunay na siya ay naka-enroll at kasalukuyang nag-aaral.

Sa mga gagamit naman ng 20% sa air public transportation, ang discount ay maibabawas lang sa base price ng ticket bago pa maidagdag ang tax at cost ng ancillary services.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sino ang qualified sa 20% discount?

Ang benepisyo ng Student Discount Fare Act na ay para lamang sa mga estudyanteng Pilipino na kasalukuyang nag-aaral sa elementary, secondary, technical, vocational, college o higher education institution.

Hindi naman sakop ng batas ang mga estudyanteng naka-enroll sa mga dancing lessons, driving schools, short-term courses at post graduate studies tulad ng kumukuha ng law, medicine, masters at doctorate degrees.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang benepisyo rin na ito ay hindi maaring magamit ng estudyante kung siya ay mag-aavail ng isang promo o discount mula sa private companies na nag-ooperate ng pampublikong transportasyon o double discount kung tawagin.

Sa ilalim parin ng Student Discount Fare Act ay exempted ang isang mag-aaral na magbayad ng travel tax kung siya ay babyahe papunta sa ibang bansa para sa edukasyon, training o kumpetisyon. Kailangan lang magpakita ng pasaherong mag-aaral ng mga dokumentong nagpapatunay ng dahilan ng kaniyang pagbiyahe.

Samantala, kung sinumang mapatunayang lumabag sa batas na ito ay magmumulta at maaring ma-suspend ang lisensya ng hanggang tatlong buwan. Habang ang multa naman ay nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P150,000.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Rappler, GMA Network, Philippine Star

Basahin: 11 things you need to know about the new mandatory car seat for kids law

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement