Nahihirapang dumumi at tila laging makati ang puwetan habang buntis? Maaaring almoranas na ang iyong nararanasan. Alamin kung ano ang almoranas pag buntis at bakit maraming buntis ang nagkakaroon nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Study says 85% porsyento ng mga babae pag buntis ay nagkakaroon ng almoranas
- Ano ang mga sanhi ng almoranas sa buntis?
- Sintomas ng almoranas sa buntis?
- Mga lunas sa almoranas ng buntis
Study says 85% porsyento ng mga babae pag buntis ay nagkakaroon ng almoranas
Ang pagkakaroon ng almoranas ay pangkaraniwan lamang. Tatlo sa apat na tao ang nagkakaroon ng almoranas paminsan-minsan.
Ngunit, study says nasa 85 porsyento ng mga buntis ay nagkakaroon ng almoranas sa 3rd trimester ng kanilang pagdadalang tao. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari at ano ang explanation dito? Ating alamin kung ano ang almoranas habang nagbubuntis.
Ang Hemorrhoids o almoranas sa buntis ay dahil sa mga veins na nasa loob at labas ng iyong puwit. Nangyayari ang almoranas kapag ito ay biglang lumaki at saka namaga.
Ano ang mga sanhi ng almoranas sa buntis?
Ang mga ugat sa anus ay maaaring mabanat at maging sanhi ng pamamaga nito na tinatawag na almoranas. Maaari itong makuha sa pagpilit ng pagdumi, pag-upo ng matagal sa inidoro, pabalik-balik na diarrhea o constipation, at iba pa.
Malaki ang pagkakataon na magkaroon ng almoranas ang mga buntis. Ito ay dahil sa diin na natatanggap ng mga ugat na dala ng bigat ng dinadalang sanggol. Ito ang dahilan kung bakit kadalasan ay nasa 3rd trimester ng pagbubuntis nagkakaroon ng almoranas ang mga nagdadalang tao.
May dalawang uri ng almoranas sa buntis sa buntis. Ito ay Internal hemorrhoids na nasa loob ng iyong katawan. Samantalang ang External hemorrhoids naman ay nasa labas ng iyong katawan. Nakadepende ang mararanasan mong sintomas base sa uri ng almoranas sa buntis.
Sintomas ng almoranas sa buntis?
Maaaring mag-iba ang mga nararamdaman na sintomas depende sa tipo ng almoranas na nararanasan ng tao. Ang mga kadalasan na sintomas ng almoranas sa buntis ay:
- Walang sakit na pagdumi na may kasamang dugo
- Pangangati sa may puwetan
- Sakit o pagkabalisa
- Pamamaga sa may anus
- Bukol sa may anus na maselan at masakit kapag hinahawakan
Mga lunas sa almoranas ng buntis
Kadalasan, ang almoranas ay maaaring mawala sa pagkain ng mga matataas ang fibre at madalas na pag-inom ng tubig. Maaari rin uminom ng mga gamot tulad ng pampalambot ng dumi at anti-hemorrhoidal analgesics. Ngunit para makasiguro, komunsulta muna sa doktor paa mabigyan ng tamang gamot para sa almoranas ng buntis.
Karamihan sa mga nagbubuntis na nagkakaroon ng almoranas ay gumiginhawa sa mga ganitong paraan ngunit mayroon din na kinakailangan ng gamot. Ang pag-inom ng mga gamot tulad ng ruto-sides, hidrosamine, Centella asiatica, disodium flavodate, French maritime pine bark extract, o grape seed extract ay nakakabawas sa sintomas ng almoranas. Ngunit, ang pagiging ligtas nito sa mga buntis ay hindi parin sigurado.
Mga komplikasyon na maaaring makuha sa pagkakaroon ng almoranas
Hindi madalas magkaroon ng komplikasyon ang almoranas ngunit ang mga ito ay:
- Anemia – Ang hindi pagkakaroon ng sapat na red blood cells para dalhin ang oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Strangulated Hemorrhoid – Kung ang dugo ay hindi na dumadaloy sa isang ugat na namamaga, maaaring makaranas ang pasyente ng malubhang pag-sakit.
Ang tamang pagkain, tamang pag-inom ng tubig at hindi pagtagal sa pag-upo sa inidoro ay sapat na upang matulungan ang mga nagbubuntis na may almoranas. Sa karamihan ng mga nagbubuntis, ang almoranas ay kusang nawawala pagka-panganak. Malimit ang mangangalilangan ng operasyon para sa almoranas sa pagbubuntis o pagka-panganak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.