Mga mommies! Alam ninyo bang ang growth mindset ay hindi exclusive para sa iilang tao? Alamin natin dito kung papaano nga ba masisimulan ng ating anak na maabot ito. At kung gaano nito maaapektuhan ang kanilang paglaki.
Kalimitan, sa paglaki ng ating mga anak, may mga bata na nakaka-acquire ng skills at knowledge sa mas mabilis na panahon. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na piling mga bata lamang ang kayang maabot ang ganitong development at milestones.
Pinaniniwalaan sa mga bagong pag-aaral din ngayon na ang mga kasanayan at kaalaman ay pwedeng ma-acquire sa pagdaan ng mga panahon.
Ano ang growth mindset?
Ayon sa Stanford pyschologist na si Carol Dweck at kanyang mga kasama, ang growth mindset ay isang paraan ng paniniwala na ang isang indibidwal ay bukas sa panibagong kaalaman. Dagdag pa nila, hindi ito tulad ng fixed mindset. Sa kabilang banda, ang fixed mindset naman ay pagtanggap na iisa lamang ang kakayahan o kaalaman ng isang tao.
Gaya ng ibang mga bata, tulad sa tahanan, dito maaaring masimulan ang pagtuturo ng growth mindset ng mga magulang. Pero, paano nga ba idedevelop ng mga anak ang ganitong kaisipan?
Develop a growth mindset
Hindi lang din natatapos sa loob ng bahay ang pagdevelop ng growth mindset ng ating mga anak. Kailangan maging mapanuri din tayo sa mga paaralan kung saan magsisimulang mag-aral ang ating mga anak.
May mga pag-aaral, ayon sa Psychology Today, na maaaring magawa ng mga educators ang pagtulong sa pagdevelop ng growth mindset ng mga bata. May mga positibong naging resulta ang studies na ito, at may mga iilan na walang epektong nasusukat ang pagtulong na mabuo ang ganitong kaisipan.
Ngunit, hindi imposible ang pagdevelop ng ganitong paniniwala. Kailangan lamang maging mapagmatyag ng magulang at ng mga guro sa development ng mga bata.
Paglaki ng anak at growth mindset
Narito ang mga paraan para i-develop ang growth mindset ng para sa paglaki ng anak:
- Gawing opportunities ang mga hamon at obstacles para mas matuto
- magbigay ng constructive criticism sa bawat gawain ng mga bata o ng anak
- ituro na ang mga pagkakamali at pagkukulang ay bahagi ng proseso ng pagkatuto
- simulang ituro ang pagkakaroon ng purpose at goals sa bawat mga ginagawa
Tandaan
Bilang mga magulang, kailangan nating maging mapagbantay at maglaan ng oras sa anomang na-eexplore at ginagawa ng ating anak. Dito, mas makikita nila na sila ay tinutulungan na magkaroon ng pagkakataon pa na mag-improve sa alinmang bagay na kanilang interes na gawin.
Isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.