STUDY: Mas humahaba raw ang buhay kapag masaya ang mag-asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy wife, happy life” ay isang parirala na pinapaniwalaan ng maraming kalalakihan at mga kababaihan sa kanilang kasal at pagsasama, pero ayon sa isang pag-aaral dapat palitan ito ng “happy wife, long life.”

“Happy wife, long life”

Ayon sa isang pag-aaral kung saan nakita nila ang kanilang mga kalahok na mag-aasawa na masasaya sa kani-kanilang mga kasal ay mas kaunti ang tsansa na mamatay within eight-year period di-umano.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala kung ang isa ay kontento sa kanilang mga partner sa buhay ay mas motivated din ang mga ito na mag-lead ng isang aktibong lifestyle.

Pero sa kabilang banda, kung ikaw naman ay nakatira sa iisang bahay kasama ang isang “depressed” at gusto lang ibuhos ang kanyang gabi sa pagkain ng sitsirya sa harap ng telebisyon ay naghihikayat ito ng “unhealthy habits.”

Ang pag-aaral ay isinagawa ng Tilburg University sa Netherlands na pinamunuan ni Dra. Olga Stavrova, galing sa department of social psychology.

Ipinakita nga daw di-umano ng data na ang “spousal life satisfaction” ay iniuugnay sa mortalidad, regardless kung ano socioeconomic ng mga ito at demographic chracteristics nila o kahit na ang kanilang physical health status.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga naging resulta nga daw ay ina-underscore ang papel ng bawat indibidwal sa kanilang immediate social environment sa kanilang health outcomes.

At pinaka-importante sa lahat, mayroon daw itong potensyal na mag-extend ng pag-unawa kung paano o ano nga ba bumubuo sa isang social environment ng indibidwal kasama na ang personalidad nito at ang well-being nila.

Ang isinagawang pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pinag-aralan ang 4,374 na mag-asawa na galing US na may edad 50 pataas. Ang iba na mga kalahok na mag-asawa ay 99.5 percent na mga heterosexual.

Lahat ng kalahok ay sinabihan na i-rate kung ilan o gaano sila maga-agree sa mga statement tulad ng “I am satisfied with my life” sa scale ng one-to-ten.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ni-rank din nila gaano sila nakakapag-open up sa kanilang mga partner at mag-rely sa kanila sa scale naman ng one-to-four.

Ang mga deaths nga ay tinrack nila gamit ang National Death Index sa Centers for Disease Control and Prevention o sa report ng kanilang mga naiwang asawa.

Matapos ang walong taon, mga 16 percent ng mga kalahok ay namatay na at ang mga resultang ito ay nailathala sa Journal Psychological Science na ibinunyag na ang mga fatalities ay apektado ang mga na-report nga na mayroong di-umanong poor relationship at life satisfaction.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito nga ay nanatiling totoo kahit na matapos ang mag-adjust para sa health at sociodemographic ng mga kalahok, tulad na nga lamang ng level ng kanilang edukasyon at income.

Ang mga partner nga ng mga namatayan ay more likely na magkaroon ng report na may low life satisfaction at maaaring mamatay mag-isa sa eight-year period.

At yun nga mga masasaya sa kanilang kasal at relasyon ay more likely nga na mga aktibo sa kanilang buhay, kung saan pwedeng ipaliwanag nito ang lower risk ng kanilang premature death.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya nga ni Dra. Stavrova, kung ang partner mo ay depressed at walang gustong gawin kundi kumain ng sitsirya sa harapan ng telebisyon—maaaring ganun din ang kabagsakan mo.

Mas marami pang pag-aaral sa hinaharap

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral di-umano ay makakatulong sa mga tao sa pagpili ng kanilang magiging partner sa kanilang buhay.

Ang pag-aaral nga lang ay maaaring magkaroon ng implikasyon ng mga katanungan patungkol sa kung anong attributes ang dapat bigyan ng atensyon kapag namimili ng mapapangasawa o pakakasalan.

Ang mga mananaliksik nga ay umaasa ng marami pang pag-aaral sa hinaharap na maaaring sumakop ng mas malalaking grupo ng mag-aasawa sa labas ng US upang matukoy kung pareho ang mga resultang makikita o mangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Daily Mail

Basahin: Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa