Nag-anunsyo na ng study now, pay later Landbank program para sa School Year 2021-2022. Paano nga ba mag-avail nito?
Study now pay later Landbank
Ang loan na ito ay para sa mga estudyante na direktang naapektuhan ng COVID-19. Ibig sabihin ay iyong mga magulang nila ay maaring natanggal sa trabaho o nawalan ng hanapbuhay. Mag-o-offer ang banko ng hanggang 300,000 pesos para sa loan.
Mayroong naka-allot na 1.5B para sa programang ito na tinawag din nilang I-STUDY. Puwedeng mag-apply ang mga magulang o guardian ng mga estudyanteng qualified na makapasok sa mga DepEd at CHED-accredited o TESDA schools.
Image from Freepik
Ang mga magulang at guardian ay maaring makahiram para sa dalawang semester ng tig-150,000 pesos basta hindi lang lalagpas sa 300,000 pesos kada qualified na estudyante.
Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo,
“Landbank supports President Duterte’s call to finance students’ access to quality education amid the economic challenges brought about by the pandemic. Through the I-STUDY Lending Program, we hope to help students finish their studies despite the difficulties they are facing.”
Iba pang mga financial aid na puwedeng makatulong sa inyo
SSS Cash benefit
Image from Freepik
Para sa mga nawalan ng trabaho na contributing member ng SSS, mayroong nakalaan na programa at benefits para sa iyo.
Kinumpirma ng Social Security System o SSS ang P20,000 cash benefit para sa mga contributing members noong Martes.
Pahayag ni SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas,
“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga.”
Kasama sa mga puwedeng makatanggap ng benefit ang mga nawalan ng trabaho kahit hindi dahil sa COVID-19. Basta ito ay involuntary separation, maari pa ring ma-qualify para rito.
Kahit iyong mga nakatanggap na ng ayuda mula sa ibang programa ng gobyerno ay maaring ma-consider dahil ito raw ay galing mismo sa SSS.
Para naman sa mga OFW na nais ding makakuha, puwede raw mag-request ng certification mula sa Philippine Overseas Employment Office (POLO), imbis na sa DOLE.
DSWD SAP
Naglabas na ng anunsyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol 2nd tranche o batch ng Social Amelioration Program (SAP). Ibinigay nila ang listahan ng lugar na kabilang dito. Ang mga lugar na kabilang sa 2nd tranche ay nakabase sa pag-apruba ng ilang government agency katulad ng DSWD, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang sangay ng gobyerno.
Ayon sa DSWD, ang Joint Memorandum Circular No. 2 series of 2020 ay may itinalagang 11 na lugar kung saan magkakaroon ng 2nd tranche ng SAP.
“As one of the implementing agencies of the [SAP], the DSWD clarified that it adhered to the guidelines stipulated in the Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2, S. of 2020 regarding the areas that will be covered by the second tranche of the emergency subsidy program.”
Social Amelioration Program qualification
Image from Freepik
“Iyong 18 million families are iyong mga most—those who are in need, iyong mga nangangailangan. So iyon lamang na nahihirapan, iyon lamang nasa informal sector, iyong mga no-work, no-pay.”
Ang pahayag na ito ay mula kay Inter-Agency Task Force (ITAF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Pamilyang kwalipikado sa Social Amelioration Program o SAP benefits
Ayon parin sa joint memoramdum circular ng nasabing programa, ang mga pamilya na eligible na makatanggap ng benepisyo ay ang may mga miyembro ng pamilya na nagmumula sa sumusunod na sektor:
- Mga senior citizens na hindi nakakatanggap ng pensyon
- Persons with disability
- Buntis at nagpapasusong ina
- Solo parents
- Overseas Filipinos na napauwi sa bansa dahil sa lockdown
- Indigenous people
- Mga homeless citizens
- Manggagawa na sa ilalim ng no work, no pay scheme
- Magsasaka at mangingisda
- Sub minimum wage earners
- Sari-sari store owners
- Informal economy workers tulad ng public utility drivers, house helper, contractual workers atbp.
Hindi kwalipikadong makatanggap ng SAP benefits
Ayon parin kay Nograles, narito naman ang mga hindi eligible na makatanggap ng benepisyo mula sa Social Amelioration Program ng pamahalaan:
- Mga 4Ps beneficiaries
- Retiradong senior citizens na may natatanggap na buwanang pensiyon mula sa SSS at GSIS
- Non-indigents o ang mga manggawa mula sa pormal na sektor
Source:
GMA News
Basahin:
School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!