Para sa ating mga magulang, lagi nating sinisiguro na ang ating mga anak ay lumalaking matalino at mahusay. Mula sa pagsasalita, artistic skills, at maging sa iba pang fields, dito natin nakikitang naabot nila ang development at milestones sa kanilang paglaki.
Ngunit, kaasabay ng pagiging matalino at mahusay, ay ang pag-nurture din ng kanilang emotional growth. Ano nga ba ang naidudulot ng pagdevelop ng kanilang emotional intelligence habang lumalaki?
Ano ang emotional growth?
Ang emotional intelligence ay bahagi ng pagdevelop ng ating mga anak. Maaaring matalino at mahusay sila sa iba’t ibang larangan, ngunit posibleng magkaroon ng kakulangan sa emotional growth. Ang pagiging emotionally mature ng ating anak ang makakatulong sa kanilang pagbuo ng self-condifence at self-worth sa pag-achieve ng kanilang mga interes.
Dagdag pa, natutunan din ng isang emotionally mature na bata ang tamang pagtimbang sa usaping moral. Gayundin, ang simpleng pag-upo, pag-concentrate, at pagkakaroon ng sense of competence ay bahagi ng maturity na ito. Kung kaya, kaakibat ng intelligence quotient ang kanilang emotional growth.
Ayon sa mga pag-aaral ni Gardner, may pito siyang naitalang katalinuhan ng bawat tao. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang unang lima ay:
- linguistic
- mathematical-logical
- spatial
- musical
- bodily-kinesthetic
Ang huling dalawa naman ay mga direktang nakatuon sa emotional growth:
- interpersonal
- intrapersonal
Nadagdagan din ang listahan na ito ni Gardner sa paglipas ng panahon dahil sa pagbabago at mga lumilitaw pang mga bagong kahusayan ng mga tao.
Emotional growth and development
Sa pagrebyu ng Psychology Today sa pag-aaral ni Goleman (1995), natuklasan nila sa kanyang aklat kung gaano ka-interdependent ang iba’t ibang intelligence sa isa’t isa. Ayon pa sa kanya, isa sa mga open secret sa psychology ay ang pag-predict sa magiging succes ng tao sa kani-kanilang buhay. 20% ang nagiging contribution ng IQ o intelligence quotient sa success sa buhay, at 80% naman ang iba pang factor.
Naniniwala ngayon sina Goleman at iba pang edukador na may malaking kinalaman ang emotional growth sa iba’t ibang kakayahan at katalinuhan ng mga bata sa kanilang paglaki. Nakakatulong din ang intelligence na ito na bumuo ng motivation sa pag-express at pagpapahusay ng mga talento at kakayahan ng mga bata.
Paano sisimulan ang emotional growth and development?
Nagsisimulang ma-develop ang emotional intelligence sa bond na meron ang anak at ang magulang. Nagsisimula ito sa mga simpleng pagkatuto ng anak sa pagbalik sa pinanggalingan na lugar at espasyo upang makabuo ng trust. Gayundin, ang pagbuo ng trust na ito ay isang foundation ng pagtitiwala sa magulang at sa kanyang sarili na makakatulong sa pagdevelop ng self-esteem tungo sa self-actualization.
Dagdag pa, ang pagsisimulang ito ng magulang na i-develop ang emotional intelligence ay tinatawag ng mga psychologist na “scaffolding”. Dito, nauumpisahan ng bata ang development mula sa kakayahan, katalinuhan, at maging sa pakikipagkapwa at maturity ng kanyang emosyon.
Tandaan
Malaking bagay ang nagagawa ng paggabay nating mga magulang sa paglaki ng ating mga anak. Maliban sa itinuturo sa paaralan at pagkamit ng katalinuhan, malaking esensya ng pagiging isang mahusay na tao ang pagtulong na mabuo nila ang kanilang emotional maturity
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.