Sue Ramirez sa kaniyang namayapang lola: “Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo sa akin.”

Ayon sa aktres ang kaniyang lola na ang tumayong ina sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Sue Ramirez may tribute sa kaniyang late grandmother. Tingnan dito ang sweet na mensahe niya sa kaniyang lola.

Mababasa dito ang sumusunod:

Sue Ramirez to late grandmother

Larawan mula sa Instagram account ni Sue Ramirez

Nitong June 18 ay nasawi ang lola ng aktres na si Sue Ramirez. Sa Instagram ay ibinahagi ni Sue ang nararamdaman niya sa pagkawala ng kaniyang lola na tumayong ina para sa kaniya.

“Kung lubusan niyo akong kilala, alam niyo na isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko ay ang lola ko. Si Mama. ♥️”

Ito ang bungad ni Sue sa tribute niya para sa kaniyang lola.

Dagdag pa ni Sue, ang kaniyang lola daw ang kasama niya mula noong nagsisimula pa lang siya sa pag-aartista hanggang sa tuluyan ng namayagpag ang career niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Si Mama ang nag-alaga sakin habang lumalaki ako, kasama ko palagi nung nagsisimula palang ako. Halos araw araw puyat sa mga taping at trabaho pero kahit kailan hindi ko naringgan na pagod siya o kailanman nagsabi na hindi nya muna ako masasamahan kasi may gagawin siya. Kay Mama ko naramdaman yung feeling na maging #1 ♥️.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Nararamdaman ni Sue sa pagkasawi ng kaniyang lola

Larawan mula sa Instagram account ni Sue Ramirez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ngayong wala na ang kaniyang lola, si Sue labis na nagdadalamhati at nalulungkot.

“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo saakin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mamimiss na asarin ka at kumandong sayo. Yung boses mo at ngiti mo. 😔🤗🤍”

“The purest form of love that I have ever known. Sobrang swerte ko na naranasan kong mahalin at pahalagahan ng ganito. I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko hinding hindi ka mawawala.”

Ito ang sabi pa ni Sue Ramirez sa kaniyang tribute sa kaniyang late grandmother.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sue Ramirez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement