Alamin ang "secret ingredient" para sa mas malinis at maputing mga damit

Naghahanap ng mura at mabisang pangtanggal ng mantsa? Narito na ang secret weapon ng matatanda!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamitin ang suka sa damit? Alamin rito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Iba’t ibang gamit ng suka sa damit
  • Paano tanggalin ang iba’t ibang mantsa sa damit gamit ang suka

Mommies, anong pinakamatinding mantsa ang nasubukan niyo nang tanggalin?

Para sa mga naglalaba ng damit ng kanilang pamilya, siguradong alam niyo ang hirap ng pagtanggal ng madikit na mantsa mula sa mga damit.

Nasubukan niyo na bang magtanggal ng slime mula sa dress ng iyong anak? O kaya naman ng sarsa ng spaghetti sa t-shirt ni bunso? O minsan naman, hindi nga mantsa, kundi ang kulob na amoy naman basketball jersey ng asawa mong hindi agad naglabas ng pinagpawisang damit sa kaniyang bag.

May mga mantsang kahit nalabhan mo na sa washing machine ay hindi pa rin natatanggal, at kailangan mo pang kusotin gamit ang iyong kamay. Pero ano nga ba ang mabisang pantanggal ng iba’t ibang uri ng mantsa?

Marami nang produkto ngayong ang tumutulong na maalis ang matitinding mantsa gaya ng mga spot remover. Pero punung-puno ito ng mga kemikal na maaring makasama sa ating mga katawan at maaring makasira ng tela ng damit. Gayundin, mayroon rin namang mga paraan ang matatanda noon para matanggal ang mantsa nang hindi gumagamit ng matatapang na chemicals.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga subok nang ginagamit ng matatanda ay ang suka. Sanay tayong ginagamit ito sa pagluluto, alam mo bang mabisa rin ang suka sa paglalaba? Paano?

Gumagana ang suka sa pamamagitan ng pag-loosen sa mga zinc salts at aluminum chloride, kaya naman kusang humihiwalay ang mga mantsa sa damit. Bukod dito, lalong lumilinis ang damit dahil sa antibacterial property ng suka.

Paano mawala ang amoy ng kilikili sa damit? | Larawan mula sa Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t ibang gamit ng suka sa damit

Narito ang magandang benepisyo ng suka para sa ating paglalaba. Makakatulong ito ng malaki para sa mga problemang hindi kayang solusyunan ng sabong panlaba.

1. Nakakapagpaputi at tingkad ng damit ang suka

Ang acetic acid sa puting suka ay banayad at hindi makakasira ng mga tela. Ang kalahating baso nito na idadagdag sa panghuling banlaw ng damit ay makakapagpatingkad ng mga kulay. At ang pagbabad ng mga damit na gawa sa bulak dito ay maaari rin makapagpa-puti nito.

Gayundin, para maiwasan ang pagkupas ng iyong damit, pwedeng maghalo ng 1/2 cup ng suka sa iyong labada.

2. Nakakapagtanggal ng kulob na amoy ang sukang puti

Gaya ng nabanggit, hindi lang mantsa ang nagiging problema sa paglalaba kundi pati na ang amoy, lalo na kapag hindi nabilad sa araw ang mga damit.

Ang mga tela na kinapitan na ng amoy ng kulob ay maaaring bumango sa pamamagitan ng pag gamit ng suka. Ang gagawin lamang ay lagyan ng mainit na tubig ang washing machine at saka lagyan ng dalawang baso ng puting suka at simulan na ito. Ulitin ang palilinis nito gamit ang detergent.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mawala ang amoy ng kilikili sa damit? | Image from Freepik

3. Nakakapagpalambot ng mga tela ang suka

May mga batang naiinis kapag masyadong matigas ang tela ng kanilang damit. Kung ganito ang problema mo, maaari mong gawin ang paglalagay ng puting suka. Maaaring magpalambot ng mga damit gamit ang suka sa pamamagitan ng pagsama ng kalahating baso nito sa huling banlaw. Dagdagan ng essential oil kung mayroon para pampabango sa labahin.

4. Pantanggal ng himulmol at balahibo ang suka

Maaari ring makatulong ang sukang puti sa mga problemang himulmol sa damit. Ang pagdagdag ng kalahating baso ng suka sa pagbanlaw ng labahin ay makakatulong para hindi kapitan ng himulmol at balahibo ang mga damit.

5. Tinatanggal ng suka ang madidikit na mantsa

Ang mga bata ay mahilig maglaro ng kung anu-anong bagay na maaring dumikit sa mga damit. Naranasan niyo na bang magtanggal ng madikit na slime sa damit ng iyong anak?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag nang patagalin ‘yan! Lagyan agad ng suka ang bahagi ng damit na may slime at hayaan muna ito sa loob ng 5 minuto pero huwag hayaang matuyo ang suka sa damit. Pagkatapos ng 5 minuto ay dahan-dahang kusotin ang bahagi na may slime hanggang sa matanggal ito at banlawan gamit ang mainit na tubig.

Kung grasa naman ang iyong problema, ibabad lang ang iyong damit sa sukang na-dilute sa tubig (50% suka, 50% tubig) at labhan hanggang sa mawala ang mantsa.

Iba talaga ang kapangyarihan ng suka pagdating sa pagtanggal ng iba’t ibang uri ng mantsa!

BASAHIN:

21 Best detergent para sa damit ni baby

How to free your clothes from germs and viruses, according to experts

Ito ang dahilan kung bakit dapat labahan muna ang bagong damit bago ipasuot kay baby

6. Tanggalin ang mabahong amoy sa mga damit

Paano mawala ang amoy ng kilikili sa damit? Kumuha ng spray bottle at punuin ito ng puting suka. I-spray ito sa may bandang kili-kili sa loob ng mga damit at iwanan ito nang 10 minuto bago ilagay sa washing machine. Natutunaw rin nito ang mga natuyong deodorant sa damit para maiwasan ang paninilaw.

7. Tanggalin ang mga lukot at tupi sa damit

Ang pagpapa-alter ng mga damit ay maaaring mag-iwan ng mga tupi at maliliit na butas sa mga ito. Maaari itong tanggalin sa paggamit ng tela na basa ng puting suka. Ipatong ito sa lukot o maliliit na butas na nais tanggalin at ipitin ng plantsa.

8. Magtanggal ng amoy sa hangin at sinampay

Kung hindi gusto ang nagiging amoy ng kusina o kaya naman ay may mga damit na nais tanggalan ng kumapit na amoy, maaaring gamitin ang suka. Magdagdag ng isang basong puting suka sa tubig at ipakulo ito. Ang usok ng pinapakulo na ito ay makakapagtanggal ng amoy na hindi kanais-nais.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mawala ang amoy ng kilikili sa damit? | Image from Freepik

9. Panlinis ng washing machine

Kailangan rin bang linisin ang washing machine? Oo.

Ang mga washing machine ay maraming natuyong sabon na maaaring mabara at makasira rito. Para maiwasan ang pagkasira, kada-tatlong buwan, linisin ang mga ito sa pamamagitan ng sa pamamagitan ng paggamit nito nang walang laman kundi mainit na tubig at dalawang baso ng puting suka.

10. Panlinis ng mga plantsa

Tulad ng washing machine, ang mga natuyong sabon ay bumabara rin sa plantsa. Linisin ito sa pamamagitan ng paghalo ng pantay na suka at asin. Ipahid ito sa ilalim ng plantsa. Punasan ng tela na basa ng puting suka.

Babaho ba ang damit kapag nilagyan ng suka?

Hindi naman maikakaila na marami talagang may ayaw sa maasim na amoy ng suka. Kaya naman inaalala ng marami na babaho ang kanilang damit kapag ginamitan nila ito ng suka.

Subalit bukod sa antibacterial properties nito, ang suka ay isang odor neutralizer kaya hindi babaho ang iyong damit, bagkus ay magiging odorless o walang amoy ang iyong damit. Kaya kung gusto mo, pwede kang maghalo ng essential oil sa iyong labada para bumango ito.

Marami talagang gamit ang suka sa damit. Bukod sa pagtanggal ng iba’t ibang uri ng mantsa sa damit, nakakapagpaputi at nakakapagpatingkad pa ito. Isang paalala lang na i-dilute ang suka sa tubig para maiwasan rin ang pagmamantsa. Huwag ring gumamit ng ibang klase ng suka tulad ng brown vinegar o balsamic vinegar sa mga damit. White vinegar o apple cider vinegar lang ang mabisa sa iyong labada.

Ano pang hinihintay niyo? Subukan na ang paglagay ng suka sa labada sa susunod na maglalaba ka!

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Source:

The Epoch Times, The Spruce

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.