11 summer bonding activities na perfect sa buong family ngayong bakasyon

Nag-iisip ng summer bonding activities para sa inyong family ngayong bakasyon? Narito ang ilang bagay at tips na maari nyong gawin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga ang bonding time para mapatibay ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman, nilista namin ang ilang summer bonding activities na pwede niyong gawin ng inyong pamilya ngayong tag-init.

Narito ang ilang activities na maari niyong gawin para mas maging happy at healthy ang pagsasama ng buong family!

Mga summer bonding activities para sa buong family

1. Swimming

Dahil sa init ng panahon tuwing summer, isa sa pinakapaboritong bonding ng mga Pinoy tuwing tag-init ay ang magswimming! Pero mas nagiging exciting and fun ang swimming kung kumpleto ang buong family.

Maliban sa good exercise ang pagswi-swimming, isang magandang paraan din ito para magkaroong ng quality time ang buong family. Sa pamamagitan ng pagswi-swimming sa beach o isang resort ay nabibigyan ng oras ng isang pamilya ang isa’t-isa na mag-usap at magkulitan sa isang fun at relaxing na paraan.

2. Travelling

Image from Freepix

Ang summer ay tinuturing na season para sa bakasyon lalo na sa mga batang nag-aaral. Mas nagiging memorable nga ang summer bonding ng buong family kung i-spend ito sa ibang lugar.

Para sa mga Pinoy, nakasanayan na natin ang pumunta sa ating probinsya para magrelax at makalanghap ng sariwang hangin tuwing tag-init.

Para sa mga may budget naman na can afford ang out of the country trip ay siguradong mas magiging fun kung kasama ang buong family along the way! Ang mga ganitong pagkakataon ay nagbubukas ng opportunity sa isang pamilya na matulog sa iisang kwarto na mas nagpapalapit ng bond at ties ng bawat isa. Opportunity rin ito para makapagkwentuhan ang pamilya habang nasa byahe.

3. Summer bonding activity: Camping

Isang summer bonding activity at paraan naman para sa mga magulang na iintroduce ang anak sa real world ay pagsama sa kanila sa isang camping.

Maliban sa mas pinalalapit nito ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagtulog sa iisang tent ay tinuturuan din nito ang mga bata na mamuhay nang simple at malayo sa modern na mundo. Panahon ito kung saan pwedeng mag-break muna sa paggamit ng gadgets at mag-focus sa mga activity kasama ang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Magandang paraan rin ito para subukan ang iba pang activities na mas magpapatibay ng samahan ng buong pamilya.

4. Hiking

Pwede rin namang subukan ng buong family ang hiking for a day para sa summer bonding.

Maliban sa budget-friendly, ito ay isang paraan din ng cardio exercise na maganda sa katawan at kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya. Good way rin ito para maipakilala sa mga bata ang iba pang species na nasa paligid nila gaya ng mga hayop at mga halaman. Magandang opportunity rin ito para ilapit sa kalikasan ang iyong anak.

Pwede mo rin silang pangaralan sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga likas na yaman na kanilang makikita habang umaakyat kayo ng bundok.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Gardening

Kung mas prefer ninyo naman ang comfort ng inyong bahay para mag-create ng summer bonding sa pamilya ngayong bakasyon ay maari kayong mag-gardening.

Hindi lang nito mapapatibay ang unity at cooperation ng bawat isa, gagawin pa nitong relaxing at maaliwalas ang inyong tahanan. Nakapag-bonding na kayo, nakatulong pa kayo sa kalikasan!

6. Summer bonding activity: Biking

Image from Freepix

Isa pang summer bonding activity na siguradong healthy para sa buong family ay ang biking!

Hindi lang nito patitibayin ang muscles ng iyong buong family, patitibayin rin nito ang inyong pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Plus, mas makakatipid pa kayo dahil hindi ninyo na kailangang gumastos sa gas o mamasahe para makarating sa gusto ninyong puntahan.

Siguraduhin lang na may sapat na baong tubig ang bawat miyembro ng pamilya para hindi madehydrate dahil sa init. At magsuot din ng helmet para sa inyong safety.

7. Family friendly race o marathon

Gawing mas competitive naman ang buong family sa pamamagitan ng pagsali sa mga family-friendly race o marathon ngayong summer!

Para sa charity man ito, community event o kahit para sa homeowner’s association ninyo lang, isang magandang summer bonding activity ito para sa buong pamilya.

Mas nagiging special ang accomplishment at pag-abot sa finish line kung kasama at nasa paligid mo ang iyong pamilya na nakaalalay sa iyo anytime.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At syempre, ang running ay isa ring magandang exercise. So, another healthy and happy summer bonding activity ito para sa inyo!

8. Pagsali sa mga sport tournaments

Madalas ang summer ay ang season kung kailan isinasagawa ang mga sport tournaments.

Kahit sa kapit-bahayan lang o kaya naman sa buong village, isang pride para sa isang pamilya na sumali nang kompleto at irepresent ang inyong apelyido.

Hindi lang ito another healthy summer bonding activity, mas pinaglalapit din nito ang bawat isa sa pamilya.

Mas hinahasa rin nito ang unity at cooperation para makamit ang common goal ng buong pamilya na manalo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

9. Summer bonding activity: Picnic

Image from Freepix

Simple pero napakamemorable rin para sa mga bata ang pagpipicnic ng buong pamilya.

Kahit sa pinakamalapit na park lang ito sa inyong bahay ay mas naiienjoy ng mga bata ang paglalaro at ang essence ng kanilang bakasyon.

Siguraduhin lang na may baong pagkain na mapagsasaluhan ng buong pamilya para mas maging memorable ang summer bonding sa isa’t-isa.

10. Pagpasyal sa isang themed park

Ang pagpasyal sa isang themed park ay hindi lang para sa mga bata. Puwede ring i-enjoy ito ng mga parent at ibalik ang child-like self nila.

Sa ganitong paraan ay mas naaappreciate ng iyong anak ang iyong presence at mas nai-enjoy niya rin ang summer vacation niya. Mas nagiging exciting din ito dahil sa rides at iba pang activities na pwedeng gawin ng buong family sa loob ng park.

Kaya naman hindi lamang siguradong fun kung hindi unforgettable rin ang inyong summer sa bonding activity na ito.

11. Summer bonding activity: Movie night!

Dahil bakasyon ng mga bata, may pagkakataon na kayo na palipasin ang gabi sa isang movie night!

Magandang paraan ang panonood ng pelikula nang magkakasama para mas lalong mapaglapit ang bawat miyembro ng pamilya. Kapag nanonood kasi nang magkakasama, nagkakaroon ng tiyansa sa engaging conversations tungkol sa pinanonood. Ang mga ganitong pag-uusap ng pamilya ay isang paraan para mas maunawaan ang pag-iisip ng miyembro ng pamilya.

Ang perspective ng bawat isa ay great way para mas makilala mo kung paano nila nakikita ang mundo na kanilang ginagalawan. Nakatutulong din ito para ma-develop ang critical thinking, social thinking at comprehension skills ng inyong mga anak.

Bonus pa rito, hindi niyo kailangan gumastos nang malaki dahil sa bahay naman ito gagawin. Kailangan mo lang maghanda ng meryenda o pika-pika para mas ma-enjoy ang panonood.

Maraming maaring gawin ang buong family ngayong summer. Nasa choice ninyo nalang sa kung anong tingin ninyo ang perfect activity na magpapasaya at magpapatibay pa sa samahan ng inyong buong pamilya.

Updates mula kay Jobelle Macayan