Kung bakit nakakalimutan ng mga bata ang mga naaral na nila tuwing bakasyon

Alamin kung ano ang sinasabi ng mga pag-aaral tungkol sa summer learning loss at kung ano ang mga maaaring gawin ng mga magulang laban dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang summer learning loss ay hindi na bagong konseopto ukol sa pagkalimot ng mga bata sa naaral habang bakasyon. Hindi pa man nagkakasundo ang mga eksperto sa dahilan nito, marami ang nagsasabing problema ito kada simula ng school year.

Sa kabutihang palad, makakatulong ang mga school programs at mga magulang upang mapigil ito. Alamin natin ang mga kailangang malaman tungkol sa summer learning loss.

Iba’t ibang pag-aaral tungkol sa summer learning loss

Noong taong 1996, may inilabas na pagsasaliksik tungkol sa pag-aaral sa mga bata mula 1970’s hanggang 1980’s. Layunin ng pag-aaral na malaman ang nangyayari sa mga kaalaman ng mga bata pagdating ng bakasyon. Tinawag ang nasabing pag-aaral na Cooper Analysis dahil sa namuno na si Harris Cooper.

Ayon sa kaniyang pagsasaliksik, isang buwang katumbas ng mga naaral sa paaralan ang nalilimutan ng mga bata pagdating ng bakasyon. Dagdag pa dito, lalong lumalala ang summer learning loss habang tumatanda ang bata.

Iba-iba ang sinasabi ng mga mananaliksik na nagdudulot nito. Ayon sa ibang eksperto, may kinalaman ito sa kalagayan ng pamilya pagdating sa pera. May iba rin na nagsasabing simula pa lamang ng 5 taong gulang, makikita na ang epekto nito sa bata. Mayroon ding mga inaalam parin kung totoo bang nangyayari ito.

Summer learning loss: Ayon sa mga guro

Ayon kay Natalie Rohde, isang guro ng elementarya mula sa Michigan, totoo ang summer learning loss ngunit iba-iba ang epekto nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa kanya, wala itong kinalaman sa estado ng pamilya sa pera ngunit sa kakayahan ng batang matutunan ang isang paksa. Nangyayari ito dahil ang mga sumusuporta sa pagkatuto ng bata sa paksang kinahihirapan niya ay nawawala habang bakasyon. Nawawala ang mga kailangan niya upang patuloy na ma-develop ang kaalaman at napapaligiran ng mga pangunahing dahilan kung bakit siya nahirapan dito.

Para kay Rohde, malaking problema ito. Matapos ang halos isang taon na pagtuturo sa bata tungkol sa isang paksa, nalilimutan nila ito bago pa bumalik ng eskuwelahan.

Ang mahirap pa, sila ay nasa mas mataas nang antas at mas mahirap na ang kailangang aralin. Hindi lamang nila nalimutan ang mga dating inaral, tumaas pa ang kailangan nila para makasabay sa mga ka-edad nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga batang pinaka-naaapektuhan

Ayon kay Dr. Marc Lerner, ang tagapagsalita ng American Academy of Pediatrics (AAP), mas naaapektuhan nito ang mga mula sa mas mahirap na pamilya. Idinagdag din niya na matapos magtapos ng elementarya, tatlong antas na katumbas ng kaalaman ang nawawala sa mga batang ito.

Ayon kay Lerner, dahil sa laki ng nawawalang kaalaman sa mga bata, hindi lamang ito dahil sa summer learning loss. Maaari rin itong makadagdag sa agwat mula sa mga mula sa may kayang pamilya at mahihirap. Naaapektuhan din nito ang naaabot ng mga bata. Ang nakikita niyang rason ay ang kakulangan ng mga kaalaman ng mga pamilya sa mga opurtuniya na maaaring makadagdag sa mga kaalaman ng bata habang bakasyon.

Mga maaaring gawin ng mga magulang

Hinihikayat ni Lerner ang mga magulang na alamin ang mga maaaring mapagkunan ng kaalaman ng mga bata habang bakasyon. Magsaliksik ng mga programa, pribado man o gobyerno, na naglalayon na mapagpatuloy ang pagkatuto ng mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinikilala naman ni Rhode ang kakulangan ng mga programang ito para sa ibang pamilya. Dahil dito, nagbigay siya ng ilang mga mungkahi na maaaring gawin ng mga bata mula sa bahay upang mapigilan ang summer learning loss:

  • Magkaroon ng tutor sa mga paksang nahihirapan ang bata.
  • Magbigay ng kalahating oras sa isang araw upang aralin ang paksang nahihirapan ang bata.
  • Mamuhunan sa mga online learning platforms o mga libro na maaaring gamitin ng bata 30 minuto kada-araw, 5 araw sa isang linggo.
  • Pumunta sa mga museyo, art gallery, o science center at ipabasa at ipapaliwanag sa bata ang mga makikita.
  • Ipalahok ang mga bata sa mga summer reading programs ng mga library.
  • Kumuha ng mga pahina mula sa isang coloring book. Matapos magbasa nang 30 minuto ang bata, ipapaliwanag ang kanilang nabasa. Ibigay ang pahina ng coloring book para kulayan. Pagkatapos nito, bigyan siya ng premyo tulad ng ice cream o paglalaro.
  • Kausapin ang anak tungkol sa mga nakita sa balita na angkop sa kanilang edad.
  • Turuang mag-budget ang bata. Ituro sa kanila ang mga halaga ng mga bagay at kung paano gumawa ng desisyong pinansiyal.
  • Gawing araw-araw na gawain ang matuto ng mga bagong bagay.

 

Source: Healthline

Basahin: 6 na paraan upang maging matalino ang iyong anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement