Mag-asawa namatay nang magkayakap sa sunog; paano ba maiiwasan ang sunog sa tahanan?

Nasawi ang mag-asawa sa Pangasinan nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay. Ang sunog sa tahanan sanhi umano ng LPG tank explosion.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Trahedya ang sinapit ng mag-asawang Weendy Repato, 34-anyos, at Ronaly, 31-anyos, na taga Lingayen, Pangasinan. Ito ay matapos na magkaroon ng sunog sa kanilang tahanan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bangkay ng mag-asawang namatay sa sunog natagpuang magkayakap
  • Paano nga ba maiiwasan ang sunog sa tahanan?

Mag-asawa sa Pangasinan nasawi sa sunog; bangkay natagpuang magkayakap

Nagkaroon ng sunog sa tahanan ng mag-asawang Weendy at Ronaly na ikinasawi ng mga ito. Umiiyak nang makapanayam ng GMA Regional TV si Gng. Vilma de Guzman, ina ng biktima na si Ronaly.

Aniya, Ang sakit. Kahit sana nawala yung bahay namin basta nabuhay yung mag-asawa.”

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang labi ng mag-asawa na magkayakap. Di umano’y nagsimula ang apoy sa pagsabog ng tangke ng LPG.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tumagal ng 30 minuto ang sunog na mabilis na kumalat kaya hindi na nagawang mailigtas ang mag-asawa.

“Mabilis pong natupok yung second floor. Although in-attempt po ng ating mga bumbero na pasukin, hindi na po talaga kinaya,” saad ni Fire Marshal Inspector Neil Winston Navalta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by freepik

Fire prevention tips na mahalagang tandaan

Ang mga ganitong aksidente ay talagang nagdudulot ng trahedya. Kaya mahalaga ang pag-iingat upang mabawasan ang tyansa na maranasan natin ang hindi magandang pangyayaring ito.

Paano nga ba maiiwasan ang sunog sa tahanan? Narito ang ilang tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Regular na i-check ang mga electrical cords at appliances. Palitan agad ang mga sirang kable.
  2. Iwasan ang paggamit ng maraming appliances sa isang outlet.
  3. Laging bantayan ang niluluto at huwag iwanang nakasindi ang kalan.
  4. Suriing mabuti ang LPG tank – siguraduhing walang tagas at tamang nakakabit ang regulator.
  5. Panatilihing malinis ang paligid ng mga kalan at iwasan ang pag-iimbak ng mga flammable na bagay.
  6. Maglagay ng smoke detector at fire extinguisher. Turuan ang mga bata ng mga dapat gawin kapag may sunog.

Ugaliing maging alerto para sa kaligtasan ng buong pamilya.

Maaari ding basahin ang article na ito para sa dagdag tips: Mahalagang dapat tandaan kapag may sunog

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan