Sunshine Cruz may sagot sa basher na pumuna sa “parang teenager” na pananamit niya: “Basta happy at confident, go lang po!”

Payo pa ni Sunshine sa mga kababaihan, “Wear clothes that make you happy and feel pretty.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunshine Cruz sinagot ang isang netizen na nagsabing parang teenager siyang manamit kahit na siya ay may edad na.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Sagot ng aktres na si Sunshine Cruz sa basher na pumuna sa pananamit niya.
  • Sunshine Cruz bilang ina sa kaniyang tatlong anak na babae.

Sunshine Cruz may sagot sa basher na pumuna sa pananamit niya

Image from Sunshine Cruz Facebook account

Sa edad niyang 44-anyos, kapansin-pansin na young-looking parin ang aktres at mom of three na si Sunshine Cruz. Kung itatabi nga siya sa kaniyang tatlong anak na babae na sina Angelina (20-years-old), Sam (17-years-old) at Chesca (16-years-old) ay aakalaing magkakapatid sila.

Sapagkat maliban sa kanilang sweet looks ay halos magkakapareho rin ang style ng pananamit nila. Si Sunshine pagdating sa pagpapa-sexy ay hindi nagpapahuli sa mga anak niya.

Maraming netizen ang puring-puri si Sunshine, dahil sa kabila ng kaniyang edad ay napapanatili niyang young ang kaniyang aura.

Pero may isang netizen ang hindi napigilang magkomento sa style ng pananamit ng aktres na sinabing para raw ito umanong teenager kung manamit. Ang screenshot ng komento ng netizen sa kaniyang Facebook ay ibinahagi ng aktres kalakip ang naging sagot niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Aywan katanda na ang attire parang teenager.”

Ito ang komento ng netizen sa isa mga Facebook post ni Sunshine.

Chill naman itong sinagot ng aktres at ito ang sabi niya.

“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama.”

Ito ang sagot ng aktres na may winking at smiling emoji pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Sunshine Cruz Facebook account

Maliban sa naging sagot sa nasabing netizen ay may dagdag na mensahe pa si Sunshine sa mga kababaihan. Sabi niya imbis na mag-inggitan at magsabi ng negative thoughts sa isa’t isa, dapat ang bawat babae ay ini-empower ang kapwa nila. Higit sa lahat basta happy ka at feeling pretty sa suot mong damit, walang problema.

“Ladies! Wear clothes that make you happy and feel pretty. That’s all that matters."

“WOMEN SHOULD EMPOWER EACH OTHER INSTEAD OF BEING SO HATEFUL, ENVIOUS OF ONE ANOTHER.”

Ito ang sabi pa ni Sunshine Cruz.

Reaksyon ng mga netizens

Sa sinabing ito ni Sunshine ay maraming netizen ang sumang-ayon sa kaniya. Lalo na ang mga babaeng naka-relate na kahit may edad na ay hindi parin nawawala ang gana sa pag-postura.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Basta bagay sa 'yo 'yong attire mo okay lang, ako nga 64 yrs old na medyo pabagets pa mag-attire eh!!! Basta desente ka, no problem...E si Sunshine pa, super sexy na beauty...aba idol ko 'yan!!!”

“Okey lang 'yan ms sunshine kahit my edad na dapat mag-ayos bagay nman sa 'yo.”

Ito ang sabi ng ilang netizen.

BASAHIN:

Sunshine Cruz sinagot ang chismis na buntis ang anak: “Minamadali niyo naman ako maging lola”

Diego Loyzaga at Tatay niyang si Cesar Montano nagkabati na makalipas ang 7 taon

Sunshine Cruz masaya na nakasama ng mga anak ang kanilang step-brother na si Diego at ama nilang si Cesar Montano

Sunshine Cruz bilang isang ina

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Sunshine Cruz Facebook account

Hindi lang sa pagiging aktres at kaniyang itsura sa kabila ng kaniyang edad napupuri si Sunshine Cruz. Bilang isang ina ay marami rin ang tumitingala sa kaniya lalo pa’t siya ay tumatayong single mother na tatlong anak nila ng dating mister na si Cesar Montano. Sila ay pinal na naghiwalay ng taong 2013, habang ang kasal nila ay tuluyang na-annul noong 2018.

Sa isang panayam nga sa kaniyang panganay na anak na si Angelina ay sinabi niyang iniidolo niya ang ina. Dahil hindi ito minsan mang nawala sa tabi nilang magkakapatid para suportahan at alagaan sila kahit na ito ay mag-isa.

“I always look up to my mom every time and never stopped looking up to her. And I’m proud of how far she’s gone despite the challenges she’s faced.

And I know she’s facing as a single mother. I’ve seen how strong of a woman she is. She will always want what’s the best for me. The world may turn its back on me but I’ll always have her by my side.”

Ito ang sabi ni Angelina.

Samantala, si Sunshine naman ibinahagi kung paano niya nagagawang mas mapalapit ang loob sa kaniya ng mga anak. Ito ay sa pamamagitan ng pagtayo bilang kanilang pinakamalapit na kaibigan o best friend.

Ibinahagi niya rin ang wisdom na itinuturo niya sa mga ito. At ito ay ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili na ayon kay Sunshine ay bahagyang nawala sa kaniya noong siya ay nag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I tell them that as a woman, I am not powerless. We can take over our lives. Women can choose and create their own destinies.”

Ito ang sabi pa ni Sunshine.