Sunshine Cruz ibinahagi kung paano napatawad si Cesar Montano at kung paano niya naisalba ang pagiging isang single mom.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Sunshine Cruz sa pagpapatawad kay Cesar Montano.
- Paano na-survive ni Sunshine ang pagiging isang single mom.
Sunshine Cruz sa pagpapatawad kay Cesar Montano
Taong 2013 ng maghiwalay sina Sunshine Cruz at Cesar Montano, ito ay matapos ang maraming hearings at siraan ng kaniya-kaniyang imahe sa publiko. Pero makalipas ang sampung taon, maayos na muli ang relasyon ng dalawa. Hindi man sila nagkabalikan bilang mag-asawa ay magkaibigan na sila ngayon para sa tatlo nilang anak.
Sa panayam kay Sunshine ng broadcast journalist na ngayon ay vlogger na rin na si Karen Davila ay ibinahagi ng aktres ang dahilan kung paano niya napatawad si Cesar. Ito ang sabi niya.
“Nung na-COVID si Cesar almost na-intubate. Naging closer sila ng mga anak namin. Nakita ko yung mga bata kapag kasama nila tatay nila they are very happy so bakit ko ipagkakait yun sa mga bata. And then eventually you wake up one day that you are healed.”
Ito ang sabi ni Sunshine.
Larawan mula sa Facebook account ni Sunshine Cruz
Dagdag pa niya, mahal ng mga anak niya si Cesar. Ganoon din ang dating mister sa mga anak niya, kaya ni minsan ay hindi niya daw siniraan ito sa mga bata. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging madali ang pagpapatawad sa kaniya.
“Mahal naman talaga ng mga anak ko si Cesar. Never kong tinuruan yung mga anak ko na magalit sa tatay nila because that’s unfair.”
Paano na-survive ni Sunshine ang pagiging isang single mom
Larawan mula sa Facebook account ni Sunshine Cruz
Pagdating naman sa pagsusurvive bilang isang single mom, ang pagiging matipid daw ang ginawa at itinuro ni Sunshine sa mga anak. Ito ang isang sikreto kung paano niya nagawang maitaguyod ang mga anak sa higit sa sampung taon.
“Kuripot ako. Yun din ang tinanim ko sa utak ng mga anak ko na kailangan unahin natin yung needs over wants. Kapag merong extra si Mommy ok magshopping tayo, ok magtravel tayo kahit lang sa probinsya.”
“I think malaking tulong talaga yung matipid, yung alam mo lang ang priorities mo sa buhay.”
Ito ang sabi pa ni Sunshine.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!