Sunshine Cruz lovelife, napahirit ng ‘wag na magpabebe pagdating dito dahil matanda na raw siya para rito.
Sunshine Cruz lovelife, humirit ng ‘wag na tayo magpabebe dito.
Sa presscon ng bago niyang palabas na “Unbreak My Heart”. Iwas na iwas ang aktres sa usapan na tungkol sa kaniyang love life.
Ayon kay Sunshine, masaya siya sa kaniyang buhay ngayon ngunit ‘di niya nabanggit kung siya’y may bago nang boyfriend.
Naitanong ng mga press kung kamusta ang kaniyang buhay matapos mabalita ng kanyang ex. Ang kaniyang ex-husband daw na si Cesar Montano ay sobrang happy sa kanyang current relationship.
Sunshine Cruz, wala daw balak maghanap ng bagong pag-ibig pero kung may darating, tatanggapin niya parin. Alamin Dito |Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz
“Palagi akong happy because sinong hindi magiging happy sa mga blessings na dumarating? Hindi naman porke’t may love life o hindi, du’n ka lang magiging masaya,” reply ng aktres sa mga tanong. Tinuturing na big blessing ni Sunshine ang mapasama siya sa cast ng series na ito.
Ang mga anak daw niya ang nagpapasaya sa kanya dahil ngayon ay parang magbabakarda lang silang mag-iina.
Nang naitanong sakanya kung handa na ba siya magka-boyfriend ulit. Sumagot naman ang aktres na hindi naman daw siya naghahanap sa ngayon.
“Ano muna. Kung may dumating, okay; kung wala, okay na okay lang. Nandiyan naman ‘yong mga anak ko. Nandiyan ‘yong mga aso ko.”
“Para sa akin… kung ano ‘yong plans ni God sa akin, follow na lang tayo,” paliwanag pa niya
Dagdag pa niya,
“I am 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife, ‘di ba? So, kung may dumating, may dumating. ‘Pag wala, wala.”
Priority ng aktres ay ang anak, trabaho at sarili muna bago ang lovelife. Alamin Dito. |Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz.
Pero sa ngayon ay nagpopokus siya sa kanyang sarili, trabaho at mga anak. Sapagkat isa sa mga na-realize niya sa kaniyang dating relationship ay hindi lang love ang importante.
Mahalaga raw na mayroong trust, love at respect sa relationship kung hindi ay hindi ito magwowork. Thankful pa rin daw ang aktres sa mga years na nakasama niya ang kanyang past relationships.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!