X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#SanaAll: Mister may big surprise, chineckout lahat ng naka-add to cart ni misis sa isang online shopping mall

5 min read
#SanaAll: Mister may big surprise, chineckout lahat ng naka-add to cart ni misis sa isang online shopping mall

Si misis naiyak sa ginawang ito ng kaniyang mister.

Viral ngayon sa social media ang surprise sa asawa ng isang mister. Mga mommy netizens napa-sana all nalang ng ito ay kanilang makita.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Viral surprise sa asawa ng isang mister na rider.
  • Paano mapaparamdam sa iyong asawa ang pagmamahal.

Viral surprise sa asawa ng isang mister na rider

surprise sa asawa ng isang rider

Larawan mula sa Facebook

Napa-sana all nalang talaga ang maraming misis ng mapanood ang viral video na ito ng isang mag-asawa. Sa video makikita ang pag-uusap ng mag-asawa sa isang video call. Ang pinag-uusapan nila ay ang mga naglalakihang parcel na dumating sa kanilang bahay na walang kaalam-alam ang misis kung saan nanggaling. Si mister na isang rider ay wala noon sa bahay nila at sinabing wala siyang inorder na parcel. Kaya naman si misis hindi mapalagay dahil wala umano siyang pambayad sa mga ito.

Advertisement

Pero nang tangkang ibabalik na ng misis ang parcel sa delivery man, sumagot ang rider na ang mga ito ay bayad na. Doon na nagtaka ang misis pero pinilit paring ibalik ang parcel dahil baka modus daw ito at mabiktima pa sila. Dito na umamin ang mister sa kaniyang sorpresa.

“Uy wag mong ipabalik. Inorder ko yan sayo. Di ba yung mga naka-add to cart mo? Chineckout ko lahat.

Lagi kong tinitingnan yung mga naka-add to cart mo e. Syempre hindi mo naman ia-add to cart yun kung wala kang balak bilhin.”

Ito ang sabi ng mister sa kaniyang misis.

surprise sa asawa ng isang rider

Larawan mula sa Facebook

Misis naiyak sa sorpresa ng kaniyang mister

Ang misis na-touch sa ginawa ng kaniyang mister. Dahil nais niya daw talagang bilhin ang mga items na iyon. Pero hinihintay niya lang na magkapera siya. Ito daw kasi ay may kamahalan ng presyo.

“Ang mamahal pa naman ng mga yon.”

Ito ang natotouch na sabi ng misis sa mister niya. Ito naman ang agad na sagot ng mister niya sa kaniya.

“E mas mahal kita run.”

Dito na naiyak ang misis.

Sa isang panayam, ibinahagi ng misis na ito daw talaga ang paraan ng asawa niya ng pagpapakita ng pagmamahal sa kaniya at kanilang pamilya. May mga pagkakataon pa nga daw na susurpresahin siya nito ng pangmatagalang supply ng mga diapers at groceries sa kanilang bahay. At sa tuwing uuwi nga daw ito galing sa trabaho ay lagi itong may pasalubong pagkain para sa kaniya at sa mga anak nila. Maliban pa nga daw ditto, sa tuwing wala itong pasok ay tumutulong rin ito sa gawaing-bahay.

Ayon naman sa mister, deserve ng misis niya ang mga ito. Bilang isang fulltime housewife alam niyang napakahirap ng tungkulin nito. Kaya ito ang payo niya sa ibang mga mister na tulad niya.

“I-appreciate din natin yung hirap ng misis natin sa bahay kasi hindi naman porket nasa bahay lang sila e wala silang ginagawa. Kung tutuusin nga e mas mahirap pa. Yung simpleng ma-appreciate lang natin si Misis. Tapos bigyan natin ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanila.”

Ito ang sabi pa ng mister sa panayam.

Sigaw ng maraming misis #SanaAll!

surprise sa asawa ng isang rider

Larawan mula sa Facebook

Paano mapaparamdam sa iyong asawa ang pagmamahal?

Ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa asawa mo ay hindi lang tungkol sa malalaking sorpresa. Mas mahalaga ang maliliit ngunit makabuluhang bagay na ginagawa mo araw-araw. Narito ang mga paraan para mapalalim ang inyong relasyon at iparamdam sa iyong asawa kung gaano mo siya kamahal:

Para kay misis:

  • Makinig nang buong puso – Iwasan ang cellphone at ibigay sa kanya ang buong atensyon kapag may sinasabi siya.
  • Purihin siya – Pansinin ang maliliit na bagay—ang kanyang ngiti, pagsisikap, at kabaitan.
  • Sorpresahin siya sa simpleng paraan – Isang love note, bulaklak, o paborito niyang pagkain ay sapat para mapasaya siya.
  • Tumulong sa gawain sa bahay – Ang paggawa ng gawaing bahay nang kusa ay nagpapakita ng paghanga at pagpapahalaga sa kanya.
  • Maglaan ng oras para sa kanya – Mag-date kayo, manood ng pelikula, o simple lang na magyakapan at magkwentuhan.
  • Igalang ang kanyang nararamdaman – Kahit hindi mo lubos na nauunawaan, ipakita mong pinapahalagahan mo ang kanyang emosyon.
  • Bigyang-pansin ang physical touch – Halik, yakap, o paghawak sa kamay ay mahalagang paraan para ipadama ang iyong pagmamahal.

Para kay mister:

  • Pahalagahan ang kanyang pagsisikap – Sabihin mong, “Alam kong pinaghihirapan mo ang lahat para sa atin, at mahal na mahal kita.”
  • Suportahan ang kanyang mga pangarap at hilig – Hikayatin siya sa trabaho, hobby, o goals niya sa buhay.
  • Maging malambing at maalaga – Hawakan ang kamay niya, yakapin siya mula sa likod, o bigyan ng matamis na halik.
  • Ibigay ang paggalang at pagtitiwala – Ang mga lalaki ay mas lalong nagmamahal kapag nararamdaman nilang nirerespeto at pinagkakatiwalaan sila.
  • Maging masaya at makulit kasama siya – Magpadala ng sweet na text, kindatan siya, o landiin siya para hindi mawala ang kilig.
  • Sorpesahin siya sa maliit na paraan – Ihanda ang paborito niyang pagkain, mag-iwan ng sulat sa pitaka niya, o bilhan siya ng paborito niyang inumin.
  • Sabihin mong mahal at kailangan mo siya – Hindi man laging sinasabi ng mga lalaki, pero kailangan din nila ng affirmation at pagmamahal sa salita.

Ang tunay na pagmamahal ay makikita sa maliliit na bagay—sa paraan ng pagtingin mo sa kanya, sa mga salita mong puno ng lambing, at sa pagsisikap mong maparamdam kung gaano siya kahalaga sa’yo.

 

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • #SanaAll: Mister may big surprise, chineckout lahat ng naka-add to cart ni misis sa isang online shopping mall
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko