Sunshine Cruz nakita na ang mga anak ni Cesar Montano sa current partner nito: "So happy to meet these cuties!"

Sunshine at boyfriend na si Macky Mathay hiwalay na nga ba?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maayos ang relasyon ni Sunshine Cruz sa kaniyang ex-husband na si Cesar Montano at sa bago nitong kinakasamang si Kath Angeles. Aktres nakilala rin ang tatlong anak nina Cesar at Kath.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sunshine Cruz nakilala ang mga anak ng ex-husband na si Cesar Montano sa bagong karelasyon.
  • Reaksyon ng mga netizens sa reunion ni Sunshine at Cesar.
  • Macky Mathay at Sunshine Cruz hiwalay na nga ba?

Sunshine Cruz nakilala ang mga anak ng ex-husband na si Cesar Montano sa bago nitong karelasyon

Mukhang maayos na nga talaga ang relasyon ng dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Mapapatunayan ito sa naging 21st birthday ng kanilang panganay na anak na si Angelina kung saan kompleto ang buo nilang pamilya.

Si Cesar at Sunshine ay parehong present sa birthday ng anak. Nakuha pa nga nilang magpa-picture kasama ang bagong kinakasama ni Cesar na si Kath Angeles at ang tatlong mga anak nito.

“Happy 21st Birthday our @angelinaisabele. We love you!”

Ito ang caption ng post ni Sunshine na tampok ang larawan nilang magkakasama.

Bago pa ang post na ito ni Sunshine, ay may larawan rin siyang ibinahagi na kung saan kasama niya ang pangalawang anak na si Sam at tatlong maliliit na bata. Ang mga bata ay ang mga anak pala ni Cesar Montano sa bago nitong kinakasama na si Kath Angeles. Ayon kay Sunshine, ay masaya siya na makilala ang mga ito.

“So happy to meet these cuties!”

Ito ang caption ng post ni Sunshine na agad na pumukaw ng atensyon ng mga netizens kasama na dito ang isa pang ex ni Cesar na si Teresa Loyzaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

teresaloyzaga: The Heart of a Mother…. @sunshinecruz718 Boundless Blessings to all!

Ito ang komento ni Teresa sa post ni Sunshine na nireplyan rin ni Sunshine. Makikitang kahit ang dalawa ay may maayos ring relasyon sa isa’t isa. Si Cesar at Teresa ay nagkaroon rin ng anak sa katauhan ng actor na si Diego Loyzaga. Si Diego present rin sa birthday ng kapatid niyang si Angelina.

Reaksyon ng mga netizens sa reunion nina Sunshine at Cesar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iba pang netizens natuwa sa ipinakitang ito ni Sunshine. Dahil sa kabila ng nangyaring gulo at eskandalo sa pagsasama nila ni Cesar ngayon ay maayos na ang relasyon nila. Hindi rin nila hinayaang makaapekto ang naging paghihiwalay nila sa kanilang mga anak.

“When you are happy. No room for bitterness. Sana ito yung pamaresan ng ibang mga kakabaihan.”

“Your such a good example mom, you never brainwashed your children to their dad.”

“You have a heart that cares a lot.. your open with this which some family don’t… happy for you you have no grudge among anyone.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa pagsasama ni Sunshine at ex na si Cesar Montano.

Si Sunshine nagbigay rin ng maikling mensahe sa anak na si Angeline sa kaarawan nito.

“Mahal kita anak. Always proud of you!”

Ito ang sabi ng aktres sa anak na nagsisimula naring gumawa ng pangalan niya sa showbizness.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunshine Cruz at boyfriend na si Macky Mathay, hiwalay na nga ba?

Samantala, maliban sa reunion nina Sunshine at Cesar sa birthday ng anak, usap-usapan din sa ngayon na mukhang hiwalay na ang aktres at boyfriend nitong si Macky Mathay. Ito ay matapos hindi makalampas sa mga mata ng mga netizens ang pag-unfollow ni Sunshine at Macky sa isa’t isa.

Kapansin-pansin rin na hindi ito present sa birthday ng anak ni Sunshine na si Angeline. Hindi tulad ng mga nagdaang family events nila na lagi itong nasa tabi ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Sunshine walang pahayag pa sa kung anong status ng relasyon nila ni Macky. Pero sa isang IG post ay sinabi niyang marami siyang naging realization sa buhay ng mag-locked in taping ng higit sa isang buwan. Doon sinabi niyang sa kabila ng nararanasang problema ay nanatili siyang focus sa mga positibong bagay sa paligid niya.

“I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.”

Pagpapatuloy pa niya wala siyang karapatang magreklamo sa kung anumang nararanasan. Lalo pa’t napakaraming blessings daw ang natatanggap ng kanilang pamilya.

“So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang mag reklamo. Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

Ito ang sabi pa ni Sunshine.

Si Macky at Sunshine ay nagsimulang magkaroon ng relasyon noong 2016.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement