TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Rita Daniela sa rumor na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis: “Fake news.”

5 min read
Rita Daniela sa rumor na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis: “Fake news.”

Rita mas pinipili paring gawing private ang kaniyang pagbubuntis. Ito daw ay ini-enjoy niya na muna.

Rita Daniela may paglilinaw sa isyung hiwalay na sila ng boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rita Daniela may sagot sa balitang hiwalay na sila ng ama ng kaniyang baby
  • Pagbubuntis ni Rita Daniela.

Rita Daniela may sagot sa balitang hiwalay na sila ng ama ng kaniyang baby

rita daniela buntis

Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela

Fake news! Ito ang sagot ni Rita Daniela sa usap-usapan na hiwalay na sila ng boyfriend niya at ama ng ipinagbubuntis na baby. Si Rita, agad na sinita ang isang pahayagang naglabas ng naturang isyu na nagdulot na daw ng damage sa kaniya. Ito ay matapos makatanggap ng masasakit na komento mula sa netizens.

Si Rita may paalala rin sa mga netizens na agad siyang na-judge ng kumalat ang balita.

“So, this is the source. This page proudly edited a picture of me with their headline. Proud sila sa fake news. Don’t support this page for they are spreading fake news.”

“But the damage has been done. Nakapagkomento na ang mga tao at naniniwala na sila dito. Nakapag-judge na rin sila.  Netizens, not all you see online and on social media are facts.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay nilinaw rin ni Rita na isang beses palang siyang nakapagpa-interview tungkol sa pagbubuntis niya. Kaya naman mariin niyang pakiusap sa mga fans at followers niya na huwag makinig sa kumakalat na maling balita.

Sa ngayon ay pinili niya daw maging pribado ang pagbubuntis niya. Ganoon rin ang tungkol sa kanila ng boyfriend niya at ama ng dinadala niyang sanggol.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way”, sabi pa ni Rita.

Pagbubuntis ni Rita Daniela

Matatandaang nitong Hunyo inanunsyo ni Rita ang kaniyang pagdadalang-tao. Ito ay una niyang ginawa sa programang ‘All Out Sundays’ ng GMA na kaniyang kinabibilangan. Doon ay sinabi ni Rita na wala naman siyang balak na itago ang pagbubuntis at humahanap lang ng tamang timing para i-share ito.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ito ang bahagi ng sinabi ni Rita na revelation sa naturang programa. Sinundan ito ng Instagram post niya na open letter para sa anak na ipinagbubuntis. Doon sinabi ni Rita na dumating sa tamang oras ang anak at ito ay itinuturing niyang blessing mula sa Diyos.

“My child, You came just in time and you are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

rita daniela boyfriend

Larawan mula sa Facebook accout ni Rita Daniela

Sa isang exclusive interview sa kaniya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas sa ’24 Oras’ ay nagsalita na ang singer-actress tungkol sa daddy ng kaniyang baby.

Ayon kay Rita Daniela, non-showbiz ang kaniyang boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang sanggol at pinili niyang huwag na munang magsalita tungkol dito. Dahil noon pa man ay pribado na ang kanilang relasyon at nais niyang ganito muna ito manatili sa ngayon.

“It’s my non-showbiz boyfriend,” sabi ni Rita Daniela. “It’s my decision not to share anything about us or about him to everybody. He is not a showbiz personality, and he’s a private person. And our relationship has always been private.”

Dagdag pa niya, pinili niyang gawing pribado ang naging pagbubuntis para namnamin ito at ma-enjoy.

“There are some things in life na ang sarap na ikaw lang muna yung tinetreasure mo yung blessing na yun. ‘Yong ninamnam mo yung good news.”

Ito ang nangingiting sabi pa noon ni Rita.

Birthday message ni Rita para sa kaniyang ina

rita daniela mother

Larawan mula sa Facebook accout ni Rita Daniela

Samantala, nitong August 27 ay nagdiwang ng kaarawan ang ina ni Rita na si Rosanna Iringan. Siya ay all out sa pagsuporta sa pagbubuntis ng anak. Sa Instagram ay may short but sweet na mensahe si Rita para sa kaniyang ina.

“Happy birthday, mama. I’m such a proud daughter here because you showed the world how powerful God is through your faith — because of your faith, because you believed, you were healed. Because of God, cancer and fear is gone.”

“I will not be this strong woman now if it weren’t for you. I will do my best to honor you, to thank you for all the sacrifices and good things that you’ve done for us, as long as I live. Your apo and I loves you.”

Ito ang mensahe ni Rita sa kaarawan ng kaniyang ina.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rita Daniela sa rumor na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis: “Fake news.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko