“Sa Mobile Legends ko lang pala makikilala ang aking the one. Sabi nga nila expect the unexpected ‘yong akala mo kasi na makakatuluyan mo sa tinagal nang pinagsamahan niyo ay hindi pala. Minsan maiisip mo pala hindi pala sa haba nang pinagsamahan masasabi ang true love.”
Ito ang una ko sanang ibahaging kwento, pero naghiwalay na kami bago ko pa maibahagi ang love story namin.
This story is based on my personal experiences
Mukhang kailangan ko atang baguhin ang plot ng aking kwento. Sabi ko nga kanina unexpected ang mga pangyayari na dumaan sa aking buhay.
Hindi ko na matandaan kung kailan ako nagpasa ng aking story pitch dito sa theAsianparent VIP Content Creators platform. Nang magpasa kasi ako ay ayos naman kami ng aking partner, pero nang sabihan akong approve na ang aking story at pwede ko na itong maisulat ay naghiwalay na kami.
Back story muna, dati akong Mobile Legends Streamer, at the same time nagtatrabaho ako, isa akong OFW hanggang sa taong 2021. Mayroon akong longtime boyfriend noon, 7 years kami pero hindi rin kami ang nagkatuluyan.
Ang kwentong pag-ibig ko
May nakilala akong player sa game at supporter ko rin siya sa mga streams ko habang nagtatrabaho ako noon sa UAE, siya rin naman ay nagtatrabaho sa UAE sa mga panahong iyon. Araw-araw ka niyang pakikiligin, at sa lahat nang pambobola niya ay madadala ka talaga.
Hanggang sa na-inlove din kay Bryan, itago na lang natin sa pangalan na iyan. Dumating sa punto na nawalan ako ng trabaho sa UAE.
Parehas din kasi kaming OFW sa UAE at magkaiba kami ng lugar na tinutuluyan. Kaya naman nang mawalan ako ng trabaho ay doon ako tumira sa kaniya.
Ang kwentong pag-ibig ko. Larawan mula sa Shutterstock
Pumasok din kasi sa isip ko na umuwi na lang ng Pilipinas. Wala rin kasi akong pamilyang matatakbuhan o sandigan nang mga panahon na iyon. Ang pamilya ko kasi ay umuwi na ng Pilipinas pero dito rin sila nakatira sa UAE nang matagal na panahon.
Dahil sa kagustuhan ni Bryan na huwag na akong umuwi ng Pilipinas, pinatira muna niya ako sa kanilang hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Nagkataon naman na nagkaroon ng pandemic dahil sa COVID-19. Kaya naman nawalan ulit ako ng trabaho. Sinuportahan niya ako at nag-live in kami sa UAE that time.
Ang kwentong pag-ibig ko. | Larawan mula sa Shutterstock
Pagsubok sa aming relasyon
Nang magsama kami, ay may mga bagay na hindi rin kami napagkakasunduan. May ilang pagkakataon din na nahuhuli ko siyang may ka-chat na iba at nilalambing na iba.
Pero ang para sa akin noon ay okay lang, dahil sinasabi naman niya lagi na, “Wala ‘yon, ikaw naman kasama ko at binobola ko lang.”
Tinanggap ko na lang, kahit masakit sa part ko bilang isang babae. Siyempre, gusto ko rin naman na maramdaman na mahal talaga tayo at loyal sa atin ‘di ba? Na wala tayong kahati.
Pinalipas ko na lang lahat ng ginagawa niya habang wala akong trabaho. Inaasikaso ko siya, pinaglalaba, pinagluluto, ‘yong tipikal na ginagawa ng mga housewife. Kaso may ilang pagkakataong pine-pressure niya ako kapag wala pa akong nahahanp na trabaho.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Hindi ako tinutulungan ng asawa ko pagkatapos kong manganak.”
Para sa kabit ng asawa ko: “You broke our marriage, but you didn’t break me.”
REAL STORIES: “Minsan hindi ang first love mo ang nag-e-end bilang asawa at kasama mo habang buhay.”
Na-depress ako ng sobra
Sobrang depress na rin ako sa mga nararanasan ko. Nasanay kasi ako noon na gigising ako at may papasukang trabaho, tapos may sasahudin ka kada buwan. Sabayan mo pa ng pag-iisip kung saan ka kukuha ng panggastos mo sa araw-araw at panggastos mo sa pag-extend ng visa ko sa UAE.
Larawan mula sa Shutterstock
Dobleng sakit nang ulo talaga iyon para sa akin. Hindi biro ‘yong nakadalawang beses mag-provide nang visa ‘wag lang ako umuwi para makasama siya. Nagtiyaga ako maghanap nang work until nakahanap ako nang employer na tumanggap sakin.
Ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin
Ilang buwan pa lang ako sa work noon, nang mabigyan kami nang blessing. Buntis ako sa aming baby. Nag-ayos na rin kami ng mga papel namin sa embassy para sa kasal. Para paglabas ng baby namin ay maayos madadala ng bata ang surname niya.
Pero pagkatapos namin magpa-counseling bigla siyang nag-back out. Kahit kumpleto na kami sa mga requirements para sa kasal namin. Kung tutuusin date na lang ng kasal namin ang kulang.
Ang kwentong pag-ibig ko. | Larawan mula sa Shutterstock
Napakasakit sa part ko iyong nangyari dahil umasa na ako doon, umaasa ako sa kasal namin. Sabi niya ‘yong igagastos namin sa kasal namin ay ilaan na muna namin kay baby.
Read Flag na agad ‘di ba? Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasama namin, nag-usap kami na umuwi na lang muna ako ng Pilipinas dahil wal ring mag-aalaga sa baby namin.
Nagresign ako sa trabaho dahil maselan din ang pagbubuntis ko noon. Sinabayan pa nang laging cancelled flights, dahil no choice ako humingi ako nang tulong sa embassy at nakauwi ako sa pamamagitan nang repartration flight.
Pagdating ko sa Pilipinas
Habang nasa Pilipinas ako at inaalagaan ang sarili ko, lagi ko siyang ina-update sa mga nangyayari sa ‘kin lalo na sa pagbubuntis ko. Hanggang sa nanganak ako via Emergency Caesarian Section. Iyong hirap, puyat, at pagod ko ay tiniis kong mag-isa para sa anak namin, dahil wala siya.
Lagi pa rin akong nagpapadala ng mga video at picture ng baby namin. Para kahit hindi niya kami kasama ay hindi niya mami-miss out ang paglaki ng anak namin.
Three months na ang baby boy namin, alam ko na nasa postpartum stage pa ako nito. Tapos isang beses nag-message na lang siya na “maghiwalay na kami” kasi mayroon na siyang iba. Sabi niya,
“Sorry ‘di ko napanindigan nang matagal relasyon natin ‘di ko pala kaya LDR”.
Ang kwentong pag-ibig ko. | Larawan mula sa Shutterstock
Ako ‘yong parang binagsakan nang langit at lupa ng mga oras na iyon. Akala ko okay na kami, akala ko nung nagka-anak kami ay magpababago na siya, pero “Maling Akala” lang pala iyon.
Mag-isa ko ngayong tinataguyod ang baby namin sa kabila nang lahat. Isa na akong “Proud Single Mom” sabi nga nila “No matter how hard it is, keep on fighting.”
Kaya kapag nagmahal ka magtitira ka talaga dapat sa sarili mo at buti na lang sa anak ko ‘yon ibinuhos lahat. Huwag kang papaapekto sa emotional damage na nararansan mo rin ngayon kung mayroon man.
Dito ko natutunan na ang true love ko ay si baby. Alam ko na wala nang iba pang mas hihigit sa kaniya. Isa siyang blessing at lesson na dapat ko matutunan sa hamon nang buhay.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!