Sunshine Cruz greets daughter Sam on her 18th birthday: “Being of legal age will not stop me from being a mom to you.”

Sam nag-celebrate ng kaniyang 18th birthday kasama ang amang si Cesar Montano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Sunshine Cruz may sweet na mensahe at paalala sa kaniyang second daughter na si Sam sa 18th birthday nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sunshine Cruz' message to daughter Sam on her 18th birthday
  • Relasyon nina Cesar Montano at Sunshine Cruz

Sunshine's message to Sam on her 18th birthday

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

Ganap ng 18 years old ang pangalawang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Samantha o Sam. Sa kaniyang Instagram account ay binati nga ng aktres ang anak sa kaarawan nito. Lalo pa’t siya ngayon daw ay nasa isang lock-in taping kaya naman hindi niya makakasama ang anak sa mismong birthday celebration nito.

Pero si Sunshine hindi man kasama ng anak ay naiparamdam naman dito ang unconditional at never ending love ng isang ina.

“Happy 18th Birthday Sam! Know that I am blessed to have a daughter who stresses mommy from time to time.”

Ito ang bungad na pagbati ni Sunshine Cruz sa anak niyang si Sam sa 18th birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa naturang IG post na tampok ang mga features nina Sunshine at Sam na magkasama at ilang pictures ni Sam noong siya ay bata pa, ay ibinida ni Sunshine ang mga natatanging qualities ng anak niya. At sa mga qualities na ito ni Sam, si Sunshine ay feeling very blessed at proud na maging ina nito.

“But also know, that I appreciate it when you know how to humble yourself. Sam, you always light up any room you are in and that sets you apart from the others. You are the sweetest Sam! Being your mom is a wonderful blessing I will forever be grateful for. I am very proud of you Sam,” sabi pa ni Sunshine.

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May paalala rin si Sunshine sa anak na si Sam na ngayon ay nasa legal na edad na. Ito ay ang hindi umano magbabago ang pagiging nanay niya sa anak at sa mga kapatid nito. Kasunod nito ang pangako sa anak na hindi ito mawawala sa tabi niya para umalalay at sumuporta sa lahat ng oras.

“Now that you’re 18, always remember that being of legal age will not stop me from being a mom to you and your sisters. I will always be here to guide, support and protect you. I pray that all your dreams that you are hoping for will come true.”

Sa dulo ng mensahe ni Sunshine ay humingi siya ng tawad sa anak dahil siya ay nasa trabaho at hindi ito makakasama sa mismong birthday nito. Pero si Sam mag-spend naman ng kaniyang birthday kasama ang ama niyang si Cesar Montano na patunay nga talagang maayos na ang relasyon nilang mag-ama.

“Enjoy your special day with your siblings, your Tita Kath and Dad, anak. I am sorry mom’s locked in for work but I promise to make it up to you. You know i will. I love you so much!”

Ito ang mensahe pa ni Sunshine Cruz sa birthday ng daughter niyang si Sam.

Si Sam naman hindi napigilang mag-react sa IG post na ito ng kaniyang ina. Siya ay nag-reply sa ina at sinabing na-appreciate nito ang lahat ng ginawa ng mommy niyang si Sunshine para sa kaniya at mga kapatid niya.

"Aww mommy, you’re making me cry! I love you soo much. see you very soon. I appreciate everything mommy."

Larawan mula sa Instagram account ni Sunshine Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Relasyon nina Cesar Montano at Sunshine Cruz

Matatandaang taong 2013 ng tuluyan ng maghiwalay si Cesar Montano at dating misis na si Sunshine Cruz. Ito'y matapos ma-link sa iba’t ibang babae ang aktor. Pero ayon kay Sunshine may malalim pang dahilan sa kanilang paghihiwalay.

Ito'y kawalan ng respeto sa kaniya ng mister na kahit mismo mga anak nila ay nakikita. Pati na ang physical abuse na naranasan umano niya sa mga kamay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang interview ay minsan ng sinabi ng anak nina Cesar at Sunshine na sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng mga magulang niya ay hindi natigil ang komunikasyon nila ng ama. Kung isasalarawan nga daw si Cesar bilang ama ay isa itong ‘great father’ at laging nandiyan para sa kanila.

“As a father, he’s a great father. Like, actually, it’s not just that we don’t really get to see him often pero he texts naman maybe like once a week or thrice a week.

He always tries to reach out and asks how we are. And yeah, he’s always there naman po for us even though we don’t get to see him all the time.”

Ito ang sabi ni Sam ang pangalawang anak nina Cesar at Sunshine sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement