Pinatunayan ng single mom kamakailan lamang na susuportahan niya sa lahat ng bagay mga anak niya, lalo na ang panganay niyang si Angelina.
Ngayong tuluyan nang pumasok sa showbiz ang panganay niya sa ex-husband na si Cesar Montano, hindi maiiwasan ang magkaiba’t ibang opinyon tungkol sa kanya. Sa pinaka-latest na guesting nito sa Gandang Gabi Vice kasama ang mga kapwa celebrity kids na sina Andre Yllana, Iñigo Pascual, and Leila Alcasid, may mga bashers na nag-post tungkol kay Angelina.
A post shared by Angelina Cruz (@angelinaisabele) on
May mga nagsabing masyado pa siyang mahiyain at masyado daw nag-i-ingles.
screenshot: Sunshine Cruz Instagram
May sense of humor naman si Angelina dahil sa interview mismo ay game naman siyang makipagbiruan sa host na si Vice Ganda.
A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on
Agad namang dinepensahan ni Sunshine ang panganay na anak niya.
“Hindi pa siya maka-straight kaya nageeffort naman ang bata magtagalog. Let’s give her a chance to improve,” pakiusap ni Sunshine, “She’s only 15 and she’s trying her best naman. If she’s not attractive for your taste, we will respect that.”
screenshot: Sunshine Cruz Instagram
“Thanks sweeties for appreciating my princess…”
Nagpasalamat din naman siya sa mga pumuri sa anak niyang bagong sabak pa lamang sa larangan ng showbiz. “Thanks sweeties for appreciating my princess,” isinulat ni Sunshine sa comments, at proud na sinabing nag-trending ang anak niya at ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo sa twitter. Maraming nagsasabing bagay ang dalawa at puwedeng gawing next love team ng ABS-CBN.
Nag-post din si Sunshine ng picture ng anak sa Instagram kasama ang mga tweets mula sa fans nito, kalakip ang hashtag na #proudmom.
A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on
Kahit todo suporta si Sunshine sa singing career ng anak niya, nilinaw niya sa ABS-CBN news na dapat focused pa rin sa pag-aaral si Angelina.
Maalalang si Angelina din mismo ay sumagot sa bashers ng bunso niyang kapatid, patunay na matapang din siya at gagawin ang lahat para sa pamilya niya.
READ: Angelina Montano’s heartwarming letter to mom Sunshine Cruz
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!