LOOK: Sunshine Garcia at Alex Castro, ipinagdiwang ang first birthday ng kanilang baby

lead image

Sabay nga na ipinagdiwang ni Sunshine Garcia at Alex Castro ang binyag at first birthday ng kanilang baby boy na si Axel.

Anak ni Alex Castro at Sunshine Garcia na si Baby Axel, 1-year-old na!

Nitong Linggo, ika-1 ng Setyembre nagdiwang nga ng first birthday ang baby boy ni Sunshine Garcia at Alex Castro.

Nag-organisa nga ang dating Sexbomb dancer at asawang actor/politician ng isang Aladdin-themed party para sa anak na si Axel.


Ang mga napili ngang ninang ni Sunshine para sa anak ay ang mga dati ring Sexbomb dancers na sina Cynthia Yapchiongco at Mia Pangyarihan (dalawa sa mga ninang ni Axel).

Napili rin niya ang kasamahan nito sa Banana Sundae na si Badjie Mortiz bilang isa sa mga ninong ni Axel.

Bisita ni Baby Axel

Hindi masyadong nagimbita ng marami ang mag-asawa sa first birthday at binyag ni Axel.

Ginawa lamang nilang intimate ang selebrasyon kung saan ang malalapit lamang nilang pamilya at kaibigan ang mga halos dumalo.

Dumalo rin sa selebrasyon na ito ay dalawa pang anak na lalake ni Alex Castro sa previous relationship nito. Mukhang tuwang-tuwa rin ang mga kuya ni Baby Axel, dahil kitang-kita naman ang ngiti ng dalawa sa binyag ng sanggol.

Nandoon rin ang dating Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan at asawang si Arthur Solinap, kasama rin ang baby girl nilang si Shiloh Jayne.


Source: Nice Print Photography

Basahin: LOOK: Lorin Gutierrez, nag-celebrate ng kaniyang 16th birthday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner