Daddy, kailangan ka ni Mommy! 18 ways na makakatulong ang dads sa pag-aalaga ng newborn

Ted Gonder shares his insides into what he wished he knew about how to support his wife after she gave birth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Daddies, huwag ma-OP kay misis at baby! Narito ang mga pwede mong gawin para ipakita ang iyong suporta sa asawang bagong panganak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit kailangan ng suporta ng mga bagong ina
  • Paano mo magbibigay ng suporta sa asawang bagong panganak

Siyam na buwan niyang dinala ang inyong sanggol sa kaniyang sinapupunan. Sumailalim sa isang matinding procedure para maisilang ang inyong anak. Pagkatapos noon ay inaasahan pa siyang mag-alaga at magpadede kay baby.

Hindi biro ang pinagdaanan at patuloy ng pagdaraanan ng iyong asawang bagong panganak. Kaya naman dapat ay gawin mo rin ang iyong share ng responsibilities sa pag-aalaga sa kaniya at sa inyong anak.

Bakit kailangan ng suporta ng bagong mommy

  • Upang maka-recover mula sa pagbubuntis at panganganak

Napakahalaga ng mga unang linggo pagkapanganak ng isang bagong ina. Ayon kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist, ito ang panahon para maghilom ang sugat mula sa panganganak (mapa-normal o cesarean delivery man ito) at makabawi ang kaniyang katawan mula sa epekto ng pagbubuntis.

“Generally kasi within the first week matapos manganak ay ang period of recovery.  So ito nagrerecover ng physically, emotionally at mentally ang isang bagong panganak. Also in this period kailangan talaga na magkaroon ng sapat na pahinga si Mommy.” aniya.

Dagdag pa ng doktora, ang karaniwang panahon para tuluyang maka-recover ang panahon ng nanay pagkatapos manganak ay anim na linggo.

Ito rin ang panahon na dapat ay bantayan ni mommy ang mga sintomas na nararamdaman niya, dahil maaari siyang makaranas ng mga komplikasyon tulad ng post-eclampsia, blood clot o hemorrhage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Upang makapagpadede siya nang maayos kay baby

Bukod dito, kailangan din ng panahon upang magpahinga at makakain dahil kailangan niya ang kaniyang lakas at sustansiya para makapagpadede ng maayos si baby. Ayon sa mga pag-aaral, stress ang numero unong kalaban ng pagkakaroon ng milk supply o sapat na gatas sa sanggol.

  • Upang makaiwas sa mga mental disorder

Dahil sa mga pagbabago sa kaniyang katawan ang routine, masusubukan rin ang mental health ni Misis.

Sa loob ng dalawang linggo pagkatapos niyang manganak, maaari siyang makaramdam ng labis na kalungkutan at pag-aalala, na tinatawag na postpartum blues o baby blues.

Subalit kapag lumagpas na ng dalawang linggo ang pagkakaroon ng matindi at hindi maipaliwanag na emosyon, posibleng ang nararanasan na ni Mommy ay postpartum depression o postpartum anxiety.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kailangan niya ng mag-aalaga sa kaniya

Ang pagiging isang ina ay nagbubukas ng panibagong yugto sa buhay ng isang babae. Kung dati ang iniisip lang niya ay ang kaniyang sariling kapakanan at kapakanan ng kaniyang asawa. Ngayon, lalo na sa mga unang buwan ng inyong sanggol, kay baby iikot ang mundo niya.

Ang lahat ng oras niya ay gugugulin niya para masigurong ligtas at malusog ang inyong anak. Kadalasan, makakalimutan na niyang alagaan ang kaniyang sarili.

Gayundin, dahil bago pa lang siya sa mundong ito, kailangang kailangan rin ng inyong sanggol ang inyong oras at pag-aalaga.

Kaya naman mahalaga ang papel mo sa buhay nila, Daddy. Ito ang panahon na ikaw ang magiging sandalan nila. Sa iyo kukuha ng lakas ang iyong asawa at aasa siya sa iyong pagkakalinga para sa kanilang mag-ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero paano mo nga ba maipaparating ang iyong suporta sa bagong asawa sa paraan na maa-appreciate niya? Narito ang ilang suggestions.

Paano susuportahan ang bagong panganak na asawa

Pagdating sa pag-aalaga sa inyong newborn

1. Pagkarga kay baby

Ilang buwan ring dinala ni Mommy ang inyong anak sa kaniyang sinapupunan. Sa loob ng panahong iyon, nakaranas siya ng maraming sakit – sakit sa balakang, sa binti at lalong lalo na sa kaniyang likod.

Sa panganganak kay baby, maaaring magkaroon pa ng epekto ang anesthesia o epidural sa likod ni misis. At susundan pa ito ng buong araw na pagpapadede at paghele sa inyong munting anghel.

Kaya naman panahon na para ikaw naman ang magbuhat, daddy. Bigyan ng break ang likod ni mommy sa pamamagitan ng pagkarga sa inyong sanggol kapag hindi siya pinapadede ng iyong asawa.

Bukod sa matutulungan mo na si misis, magkakaroon pa kayo ng bonding time ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: Instagram(@tedgonder)

2. Pagiging assistant ni Mommy sa pagpapadede.

Hindi mo kailangang lumabas ng kwarto kapag nagdedede si baby. Mayroon kang pwedeng matulong sa prosesong ito habang nagsasanay pa lang magdede ang iyong newborn.

Maaring makaranas si baby ng latching problems lalo na sa mga unang araw. Maaari rin siyang maging balisa, umiyak at lumungad habang dumedede.

Maaaring makaramdam ng frustration ang iyong asawa sa ganitong kaso. Kaya makakabuti na naroon ka lang sa tabi niya para matulungan siya kung may kailangan siya.

Iabot mo si baby sa kaniya kapag kailangan nitong dumede. Ilagay mo ang nursing pillow sa tamang position.  Iabot mo ang pamunas sa lungad ni baby. Maliliit na bagay, pero malaki ang matutulong nito para maging mas madali ang pagdede ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Ipa-burp si baby.

Pagkatapos mapadede ng iyong asawa si baby, ang kasunod na nito ay ang paniniguro na makakadighay siya. Mahalaga kasi ito upang makaiwas sa kabag at iba pang digestive problems.

4. Kunin si baby para makakain o makapagpahinga naman si Mommy.

Sa sobrang focused niya sa pag-aalaga kay baby, minsan ay nakakalimutan na niyang magpahinga o kumain. Minsan naman, kahit kumakain siya o nakahiga, tatayo talaga siya para kunin si baby.

Kaya naman magkusa ka na na kargahin si baby o kunin siya kapag oras na para kumain o kailanga nang magpahinga ni mommy. Maglakad-lakad muna kayo at magbonding ng iyong anak para hindi madistract ang iyong asawa.

5. Magpalit ng diaper ni baby.

Simpleng gawain, pero makakabawas sa mga bagay na iniisip ng bagong panganak. Ang pagpapalit ng diaper ay isa sa mga unang bagay na dapat mong matutunan bilang magulang.

Kung madali ka mandiri noon, ito ang makakapagtanggal nito at masasanay ka rin sa amoy ng poop ng iyong mahal na anak. Linisin ito nang mabuti gamit ang bulak at maligamgam na tubig o baby wipes.

Larawan mula sa Pixabay

BASAHIN:

Newborn Guide: Mga Importanteng Kaalaman Tungkol sa Moro Reflex o Startle Reflex

One Month Postpartum: What to expect and how to recover after giving birth

6 na hindi dapat sinasabi sa mga ina na nakakaranas ng postpartum depression

6. Alamin ang mga rason ng pag-iyak ng sanggol.

News flash mga daddy: hindi lahat ng oras na iiyak si baby, ibig sabihin ay nagugutom siya at kailangan niyang dumede. Minsan maaaring inaantok lang siya, marumi ang diaper niya, o kaya naman mayroon siyang nararamdaman tulad ng kabag o colic.

Kapag umiyak o umiingit si baby, tingnan muna ang diaper niya kung kailangan mo itong palitan bago mo siya ipasa kay mommy. Makakatulong din kung aalamin mo ang iba’t ibang hunger cues ng isang sanggol.

7. Ihanda ang mga gamit pampaligo ni baby.

Hindi ito tuwalya lang ang sabon. Tanungin si Mommy kung anu-anong bagay ang kailangan sa pagpapaligo ni baby gaya ng towel, washcloth, baby shampoo at baby wash. Huwag din kalilimutang maghanda ng maligamgam na tubig pampaligo ng sanggol.

Ilatag na ito malapit sa bathtub ni baby para hindi na kailangang hanapin kapag pinapaliguan na si baby.

Aralin din ang tama at ligtas na paraan ng pagpapaligo sa sanggol para pwede mo na ring gawin ito at mabawasan ng gawain ang iyong bagong panganak na asawa.

8. Matutong iswaddle si baby.

Ayon sa mga eksperto ang swaddling ang isa sa mga pinakamabisang paraan para ma-soothe ang sanggol at makatulog ito nang maayos.

Kung matututunan mong gawin ito sa iyong anak, mas makakatulog siya ng mahimbing at mas magkaroon ng oras si baby na magpahinga.

Para sa listahan ng benepisyo ng swaddling at tamang paraan ng paggawa nito, basahin rito.

9. Samahan ang mag-ina sa kanilang follow-up checkup.

Isang linggo matapos ipanganak ng sanggol, kailangan niyang bumalik sa kaniyang pediatrician para sa follow-up checkup para makita kung lumalaki ba siya nang maayos at para masigurong wala siyang anumang sakit.

Ganoon din ang iyong misis. Kailangan siyang matingnan ng kaniyang OB-Gynecologist para masigurong walang naging komplikasyon ang kaniyang panganganak. Magiging mas madali para sa iyong asawa kung kasama ka nila sa buong prosesong ito at bibigyan sila ng suporta.

Habang andoon ka, alamin na rin ang contact numbers ng mga doktor nila upang mabigyan mo sila ng

10. Maging number 1 breastfeeding supporter ni Mommy.

Ang pagpapadede na ata ang isa sa mga pinakamahirap na trabaho ng isang ina ang pagpapadede. Bukod sa pagod at puyat, wala nang mas nakakapanghina ng loob sa isang babae kapag sinasabing, “Parang wala namang lumalabas na gatas,” o kaya pinagdududahan ang kakayahan niya.

Isang napakagandang paraan ng pagpapakita ng suporta sa asawang bagong panganak ang pagbibigay ng assurance na naniniwala ka sa kaniya.

Alagaan mo siya at ipakita na sinusuportahan mo ang desisyon na magpadede siya. Bukod sa mapapalagay ang loob niya dahil nandiyan ka, lalong lalakas ang loob niya na magpadede nang mas matagal.

11. Magbasa-basa sa tamang paraan ng pag-aalaga sa newborn

Napakaraming tumatakbo sa isip ng isang babaeng buong panganak. At kadalasan, nakakalungkot isipin na siya lang ang namomroblema sa mga bagay-bagay, na tila kailangan niyang malaman lahat ng sagot tungkol sa inyong anak.

Pero bilang tatay,  kailangan mo ring i-share ang mental load sa iyong asawa pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa inyong sanggol.

Kaya makakatulong kung magbabasa-basa ka ng mga libro o articles tungkol sa pangangalaga ng isang newborn. Bukod sa marami kang matututunan tungkol sa kalusugan ni baby, mararamdaman rin ng iyong partner na hindi siya nag-iisa sa mga inaalala niya.

Larawan mula sa Pixabay

Hindi man direktang apketado si baby sa mga susunod na tips, makakatulong pa rin ang mga ito dahil mabibigyan mo ng suporta si misis.

13. Saluhin ang mga gawaing-bahay.

Hayaan munang mag-focus ang iyong asawa sa inyong baby at sa kaniyang sarili. Kaya ikaw muna ang maglaba, maglinis ng bahay at magluto para sa inyong pamilya. Kung may iba pa kayong anak, ikaw muna ang tumutok ay mag-alaga sa kanila.

Mahirap man, worth it ang paggawa ng mga ito para kay misis at siguradong maa-appreciate niya ito.

14. Siguruhing inaalagaan ni misis ang kaniyang kalusugan.

Para mapabilis ang pag-recover ng asawang bagong panganak, kailangan mong siguruhin na inaalagaan din niya ang kaniyang sarili. Huwag siyang hayaan na mag-skip ng meals. Ipagluto mo siya ng paborito niyang pagkain.

Hikayatin siya na matulog at magpahinga kapag natutulog si baby. Bigyan siya ng oras para magpahinga. Kung kailangan niyang uminom ng vitamins, ipaalala ito sa kaniya.

15. I-compliment si Mommy.

Sabihan siyang maganda siya. Tulungan siyang makita ito sa mga panahon na napupuna ang sarili at nawawalan ng pag-asa sa kanyang katawan.

Ipaalala sa kaniya na isa siyang superhero. Literal na nagalaw niya lahat ng lamang loob niya at bumigat ng higit 20 pounds para mabigyan ka ng pinakamagandang regalong makukuha mo.

Tulungan siyang tignan ang sarili bilang higit pa sa kanyang body image issues at mag-focus sa isang positibong goal.

16. Makipagkuwentan sa kaniya.

Kamustahin mo ang iyong asawa. Minsan, gusto lang rin ng mga babae na maramdaman na hindi lang sila ina. Tanungin mo siya kung anong ginawa niya buong araw, at magkuwento rin tungkol sa’yo.

Bilang mga bagong magulang, kailangan na magkaroon ng balance sa inyong family life at siguruhing hindi lang ito umiikot sa inyong anak.

16. Makipag-date sa iyong wifey.

Kahit mga magulang na kayo, tandaan na ang inyong asawa pa rin ang inyong priority. Hayaan ang ibang miyembro ng pamilya o in-laws muna ang tumingin kay baby ng ilang oras para makalabas kayo sandali ni Misis at magkaroon ng break mula sa pag-aalaga.

17. Pangalagaan ang kaniyang mental health.

Bantayan kung nakakaranas ba si Mommy ng mga sintomas ng depression o anxiety, at tanungin mo rin siya kung mayroon ba siyang kailangan mula sa’yo.

Kapag nagsisimula na siyang mapagod o mainis dahil sa pag-iyak ni baby, kunin muna ito mula sa kaniya at hayaan siyang makahinga o makalabas sandali.

Kung sa palagay mo ay kailangan ni misis ng kausap o nagkakaroon siya ng problema sa kaniyang mental health, pwede kang kumonsulta sa isang psychologist o psychiatrist.

18. Pagpasensiyahan ang iyong asawang bagong panganak.

Hindi lang katawan ni misis ang napapagod – pati na rin ang kaniyang isip. Minsan may masasabi o magagawa siya na hindi niya sinasadya at makakasakit sa iyong damdamin. Kung hindi naman ito delikado sa iyo, sa kaniya at kay baby, pagpasensiyahan na lang muna siya.

Tandaan na ang trabaho mo ay maging matibay sa lahat ng ito, Magpalakas ka at intindihin siya sa mga panahon na tila mas matalim ang dila niya kumpara sa nais niya talagang sabihin.

Kahit gaano pa kalakas at katapang ang iyong asawa, kakailanganin niya ang iyong pag-intindi at suporta sa panahong ito. Ikaw ang sasandalan ng iyong mag-ina, kaya ipakita mo sa kanila na maaasahan ka nila.

Kaya mo yan, Daddy!

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Source:

theAsianparent Singapore, CafeMom, DadGold