Suzi Entrata sa mister na si Paolo Abrera: “Happy anniversary to my crush who is still, after all these years, my crush ?”

Alamin dito ang sikreto ng masaya at matagal na nilang pagsasama.

Suzi Entrata may sweet na mensahe sa mister na si Paolo Abrera sa kanilang 23rd wedding anniversary.

Mababasa dito ang sumusunod:

Suzi Entrata at Paolo Abrera wedding anniversary

suzi entrata at paolo abrera anniversary Larawan mula sa Instagram account ni Suzi Entrata

Nitong May 6 ay nagdiwang ang mag-asawang host na sina Suzi Entrata at Paolo Abrera ng kanilang 23rd wedding anniversary. Si Suzi may sweet na mensahe sa mister na si Paolo sa Instagram. Ito ang kaniyang pagbati dito.

“23 years married (4 years dating before that) and far from being done loving you. ❤️

Happy anniversary to my crush who is still, after all these years, my crush ? ?.”

Ito ang sabi ni Suzi kalakip ang ilang larawan nilang mag-asawa na magkasama.

Si Paolo nagbahagi naman sa kaniyang Instagram account ng naging date nila ni Suzi sa kanilang wedding anniversary. Syempre, ibinida niya ang maganda at sexy niyang misis.

“Hot date (literally ?) 23 years in the making ❤️.”

Ito ang caption ng post ni Paolo tungkol sa kanilang naging anniversary dinner.

suzi entrata at paolo abrera 23rd wedding anniversary Larawan mula sa Instagram account ni Paolo Abrera

Pagsasama nina Suzi at Paolo

Nagkakilala sina Paolo at Suzi sa sports show na "Game Plan" kung saan pareho silang host ng programa. Mula sa naging pagsasama sa programa ay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Ikinasal sila noong May 6, 2021 sa Colegio San Agustin Chapel sa Makati City.

Maliban sa pagiging magaling na TV host, sina Paolo at Suzi ay parehong may fit na pangangatawan at may active lifestyle. Hobby nila ang magkasamang tumakbo at pareho rin silang mahilig mag-motorsiklo.

Sa isang panayam ay ibinahagi noon ni Suzi ang sikreto ng masaya at matagal nilang pagsasama. Ito ay ang pagkakaroon ng parehong interes o hobbies habang binibigyan parin ang isa’t-isa ng freedom to grow at i-improve ang mga flaws nila.

Sila ay may tatlong anak na babae na sina Leona, Jade, at Antonella.

suzi entrata at paolo abrera family Larawan mula sa Instagram account ni Paolo Abrera

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!