Katulad ng adults, marami rin ang hatid na benefits ng physical activity sa mga bata para maging healthy sila ayon sa experts.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 3 major benefits ng physical activity sa bata para maging healthy
- Gustong maging healthy ang anak? You might want to try these tips
3 major benefits ng physical activity sa bata para maging healthy
Maraming health benefits ang maaaring ibigay ng physical activity para sa mga bata. | Larawan mula sa Pexels
Common na payo na sa mga adult ang pagi-exercise upang mapanatiling healthy ang pangangatawan. Alam mo bang maaari ring i-try ng mga bata ang pag-eehersisyo para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit? Ito ang lumabas sa mga pag-aaral ng experts.
Matatagpuan sa The Journal of Pediatrics ang research na tungkol dito. Ayon sa pag-aaral, mas maganda raw ang executive function ng mga batang may edad na 2 taong gulang na nag-eehersisyo kaysa sa hindi. Sinubukan nilang alamin kung ang guidelines ba ng American Academy of Pediatrics for physical activity at may halaga sa areas of development ng bata. Nakita nila na may kaugnayan nga ang mga ito.
Ang three major benefits na kanilang natukoy ay ang ability sa mga sumusunod:
Maaaring maging goal-oirented ang behavior ng batang palaging nag-eehersisyo araw-araw. | Larawan mula sa Pexels
- Pagkakaroon ng inhibitory control na nakakapag-regulate ng thoughts, emotions, at behavior.
- Better working memory kung saan nahohold nila ang information sa isipin nang matagal upang magawa ang isang task.
- Pag-unlad ng cognitive flexibility kung saan mayroon silang kakayahan na magswitch between task.
“Executive function underlies your ability to engage in goal-directed behaviors,” ika ng lead author mula sa University of Illinois Urbana-Champaign na si Sharon Donovan.
Nakuha ang datos na ito mula sa 356 toddlers na sinundan nila sa loob ng limang taon. Tinignan nila ang interdependent factors na nagpepredict ng dietary habits at weight ng mga batang ito. Isinali rin nila sa pag-aaral ang engagement ng parents. Sila ang naging susi upang matanong ang daily habit, screen time, physical activity, at diet nila. Ayon kay Arden McMath na isa pang led author sa pag-aaral,
“We found that toddlers who engaged in less than 60 minutes of screen time per day had significantly greater ability to actively control their own cognition than those who spent more time staring at phones, tablets, televisions and computers.”
Kinuha rin sa pag-aaral ang ilan sa mga evaluation na kinakailangan nilang makuha. Kabilang diyan ang abilidad ng bata na magplano at i-organize ang kanilang isipan. Maging ang regulation ng kanilang emotional responses at pag-iinhibit ng impulses ay tinanong. Nakasama rin ang pagtatanong sa kakayahan ng bata na mag-shift sa pagitan ng iba’t ibang tasks.
Kakaiba raw talaga ang benefits na dala ng physical activity para sa mga bata,
“They had greater inhibitory control, working memory and overall executive function,” Dagdag pa ni McMath.
Gustong maging healthy ang anak? You might want to try these tips
Mga ways upang maging healthy ang bata. | Larawan mula sa Pexels
Isang relief nga naman para sa parents ang malaman na healthy ang kanilang anak. Kaya nga ginagawa nila ang lahat para lang hindi magkaroon ng sakit ang mga ito. Para sa ilang tips pa, narito ang ilan sa say ng experts:
Siguraduhing mayroong physical activity everyday.
Sa modern times, maraming bata na ang naeentertain sa gadgets at internet. Ito na ang nagiging distraction at nakakapagpa-aliw sa kanilang atensyon. Nagiging sanhi tuloy ito para maging mas matagal pa ang time na ginugugol nila sa kanilang screen time at hindi magkaroon ng physical play.
Maganda na i-ensure ng parents na mayroong at least sixty minutes na pag-eexercise o any physical activity daily. Maaaring outdoor o indoor play man iyan basta gumagalaw ang kanilang physical na katawan.
Kumain ng prutas at gulay.
Karaniwan sa mga bata ay maseselan sa pagkain. Mahirap silang bigyan ng food na tulad ng prutas at gulay dahil mas gusto nila ang junk foods kung minsan. May pagkakataon pang hindi na lang sila kakain kaysa pakainin sila ng healthy foods. Sa kabila nito, kinakailangan pa ring gumawa ng paraan ng parents na mabigyan sila ng 5 or more servings nito. Parte raw kasi ito ng ways para sila ay maging healthy.
Maaaring unti-unti silang sanayin na ito ang kinakain para magtuloy-tuloy na magustuhan nila ang lasa. Pwede ring gumawa ng alternative kung paano nila ito makakain sa mas gusto nilang way.
Bawasan ang sugar-sweetened drinks.
Karamihan sa sugar-sweetened drinks ay hindi healthy kaya naman hindi maganda sa health ng kids. Imbes na ito ang ibigay, maaaring gawan sila ng juice from fresh fruits.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!