Pataas daw nang pataas ang screen time ng mga bata lalo ngayong pandemic, bagay na maaaring madulot ng negatibong epekto sa kanila ayon sa experts.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Screen time ngayong pandemic mas tumaas ang bilang lalo sa mga bata
- Strategies para maging positive ang impact ng screen time sa inyong kids
Screen time ngayong pandemic mas tumaas ang bilang lalo sa mga bata
Larawan mula sa Pexels
Maraming mga bagay na ang unti-unting bumabalik sa dati nitong kalagayan. Kabilang na diyan ang pagtatrabaho, pag-aaral, pamamasyal, at iba pa. Sa kabila rin ng mga bagong vaccines at pababang bilang ng kasong may COVID-19, hindi pa rin tapos ang buong mundo sa pandemic. Kaliwa’t kanang challenges pa rin ang umuusbong at kasama na diyan ang pagbabawas sa mga bata sa kanilang screen time.
Sa pinagdaaanang pandemic, nalimitahan nito ang pag-alis o paglabas ng bahay upang mabigyang aliw ang mga bata sa outdoor activities. Dahil tuloy dito, napilitan ang mga magulang na turuan sila kung paano makakakuha ng entertainment sa iba’t ibang gadgets na mayroon sa kanilang tahanan.
Malaking tulong din ito sa baby sitter o guardian ng bata na magawa pa ang ibang mga kailangang tapusin kung nalilibang ang bata sa paggamit ng gadgets.
Kailangang mayroong guidance ang bata sa paggamit ng gadgets upang hindi sila maexpose sa mga bagay na hindi appropriate sa kanilang age. | Larawan mula sa Pexels
Sa kabilang banda, nakita ng mga eksperto na sadyang tumaas ang bilang ng mga batang mas tumatagal na ang screen time sa araw-araw.
Hindi na ideal ang span of time na ginugugol nila dito, dahilan upang magkaroon ng masamang epekto sa kanilang health at lifestyle.
Para sa American Academy of Pediatrics (AAP), hindi nila nirerekomenda sa mga batang may edad 18 buwan pababa ang screen time liban na lang sa pakikipag-video chat. Dapat lang din daw na mayroong adult na gumagabay. Kung ipapakilala naman sa mga batang 18 hanggang 24 months ang mga mobile applications at other medias.
Kung ang bata naman ay nasa edad 2 taon pataas, kailangang limitahan sa isang oras kada araw ang screen time. Kinakailangan pa rin daw nila ng guidance mula sa isang adult dahil maaari silang ma-expose sa mga bagay na hindi pa dapat nilang nakikita.
Strategies para maging positive ang impact ng screen time sa inyong kids
Larawan mula sa Pexels
Mahirap naman talagang iwasan na hindi pagamitin ng gadgets ang mga bata lalo ngayong pandemic. Nagiging abala ang parents at ang tanging way na naiisip nila upang hindi ma-bore ang mga bata ay ang screen time. Kung talagang hirap nang iwasan ito, narito ang ilang ways para naman maging positive ang epekto nito sa kanila:
Age-appropriation
Una sa lahat, expose ang mga bata sa maraming bagay sa internet o applications. Kailangan siguraduhin ng parents na ang ginagamit ng kanyang anak ay akma pa rin sa kanyang edad. Maganda na manatiling ipagamit ang mga application at ipanood ang mga video na educational. Sa ganitong paraan kasi dalawa ang benefits na maibibigay sa kanya — learning and entertainment.
Engaging with them
Mas mainam na nasa tabi ang guardian habang ginuguol ng bata ang time sa on screens. Bukod kasi sa nababantayan mo ang bata ay maaari rin itong maging way upang mag-create ng bond. Kung hindi naman talaga kaya na makasama ang bata dahil nga sa busy sa ibang gawain.
Pwede ring samahan muna siya sa simula para mag-guide mo kung ano ang dapat niyang i-expect. Mahalaga ring napapaalalahan siya kung ano ang do’s and dont’s na need niyang sundin.
Promoting physical activities
Dahil nga isa sa nalilimitahan ng screen time ay physical activity, mahalaga na every after ng kanilang paggamit sa gadgets ay naipo-promote naman ang physical play. I-encourage silang makipaglaro sa ibang bata ng outdoor or indoor activities na gagalaw ang kanilang katawan. Magandang way ito to improve their motor skills as well as their social skills.
Set a strict screen time
You also need to discipline your kids, kaya dito papasok ang pagsunod nila sa sinet na screen time. Bigyan lamang sila ng specific na oras kung kailan, saan, at gaano katagal ang dapat itinatagal nila sa mga gadgets.
Reducing negative self-talk
Challenging naman talaga na pasunurin ang mga bata sa screen time rules. Sa kabilang banda, hindi dapat minamaliit ang sarili kung sakaling hindi ito nasusunod. Hindi rin naman nangangahulugang masamang parent ka na dahil lang sa ilang beses na hindi mapasunod ang anak. Kung hindi nagawa ang mga bagay sa unang plano, mas maganda kung mag-iisip ng iba pang pwedeng gawin upang mapaunlad pa ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!