Para sa mga first time parents, araw-araw ay may panibago kayong matutunan sa pagpapalaki sa inyong mga anak. Maaari itong magdulot ng confusion.
Katulad na lamang ng tamang swaddle sa sanggol, paano ba mapakalma at mapapatigil sa pag-iyak ang baby. O kaya tamang breastfeeding technique para sa mga baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Swaddle ng sanggol, hanggang kailan pwede?
Pero alam niyo ba ang swaddle sa sanggol ay malaking role para masigurong maganda ang tulog ni baby at maiwasan ang mabilis niyang paggising.
Swaddle ng sanggol, hanggang kailan pwede?
Maaaring sa ilang pagkakataon nagugulat tayo kapag biglang nagugulat si baby sa gabi. Pero ‘wag mag-aalala normal lamang ito at tinatawag itong jerk reflex (hypnagogic shock).
Ayon sa isang celebrity doctor maaaring may swaddle o i-swaddle ang sanggol mula sa unang linggo nito hanggang 3-4 na buwan. Kadalasan, magsisimula na silang magpakita ng mga senyales na kaya na nilang mag-lie down at mag-roll over.
Samantala, ayon naman sa The American Academy of Pediatrics, ang mga baby ay hindi na kailangan i-swaddle kapag nasa 2-3 buwan na siya. Sapagkat maaaring may physical strength na siya para makagalaw ng mas aktibo.
Hindi lamang iyon, ang startled reflex raw ay mababawasan at makakabuti kay baby dahil mas magkakaroon raw ito ng mapayapang tulog.
Swaddle ng sanggol: Importanteng bagay na dapat mong malaman
1. Puwesto sa pagtulog
Upang maiwasan ang sudden infant death syndrome, dapat ilagay ng mga magulang ang tela sa likuran ni baby.
Lumabas sa ilang pag-aaral na tumaaas ang kaso ng SIDS at kawalan ng hininga sa mga sanggol nang i-swaddle at nilagay o inirolyo ang tela sa bandang bahagi ng tiyan.
2. Panatilihin ang maliit na espasyo
Ayon sa mga eksperto, kapag hindi naigagalaw ni baby ang kaniyang hita ay posible siyang magkaroon ng hip dysplasia.
Ito ay uri ng sakit sa may bewang, kung saan ang itaas na bahagi ng femur ay nasa hindi tamang socket nito. Sa paglipas ng panahon, ang sakit na ito ay makakaapekto sa paglaki ng hita at bewang ng sanggol.
BASAHIN:
Swaddle baths are the new trend for newborns, and it looks totally relaxing!
3. Sikipan ang itaas na bahagi ng tela
Ang ilang mga ina ay binibigyang pansin ang ilalim na bahagi ng tela at niluluwagan ang taas na bahagi, mali ang prosesong ito.
Dapat ang mga kamay at braso ni baby ay naka-swaddle ng mayroong konting higpit.
Mahalaga ito lalo na kung maluwag ang itaas na bahagi ng tela, sa hindi malamang dahilan ay maaaring malunod si baby at maging dahilan ng SIDS (Sudden infant death syndrome).
4. Pumili ng malambot at komportableng klase ng bedding
Sa panahon ngayon, maraming magagandang produkto na ang naimbento para sa mga sanggol, kabilang na rito ang diapers na may iba’t ibang kulay at design.
Ang bagay na mahalagang tandaan sa pagpili ng tela ay dapat umaakma ito sa klima ng iyong bansa. Dapat ding tandaan na hindi dapat masyadong makapal ang tela nito upang maging komportable ang sanggol pagkatapos mai-swaddle.
Dapat din na inaabisuhan ang mga ina na bigyan muna ng gatas at palitan ng diaper si baby bago mag-swaddle ng sanggol, dahil maaaring mairita at umiyak ito pagkatapos i-swaddle.
3. Iwasan ang matagal na pag swaddle kay baby
Kung si baby ay hindi komportable at nahihirapan sa pagtulog, kahit na naka-swaddle siya. Maaaring i-swaddle ulit si baby sa loob ng ilang buwan upang masiguro ang payapa nitong pag tulog.
Samantala, huwag i-swaddle si baby ng matagal dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang physical at muscle development.
Kahit hindi naka-swaddle ang sanggol, ang skin-to-skin contact sa pagitan ng ina at sanggol ay makakapaglalakas ng relasyon nila bilang mag-ina. Makakadagdag sa pagiging komportable ng bata sa pagtulog.
Samakatuwid, ang pag swaddle kay baby ay isang tradisyunal na hakbang upang maramdaman niya na siya ay ligtas. Importanteng malaman ang tamang proseso ng pag-swaddle kay baby dahil kung gagawa ng maling hakbang ay maaaring maging sanhi ito ng Hip dysplasia.
Source:
Az Hani Physiotherapist, BabyCenter
Photo: Google
Orihinal na inilathala ng theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ng may pahintulot ni Alyssa Joyce Wijangco