Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

May mga ginawang adjustment si Sylvia Sanchez sa pakikipag-usap sa kaniyang mga anak.

Sylvia Sanchez may pakiusap sa kaniyang anak na si Ria Atayde ngayong lilipat na ito sa sarili nitong bahay. Ikinuwento rin ni Sylvia ang kaniyang ginawang adjustment para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa kanilang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ria Atayde lilipat na sa sariling bahay
  • Sylvia Sanchez may kinatatakutan sa pagsosolo ni Ria Atayde
  • Sylvia Sanchez nag-adjust sa pagkausap sa kaniyang mga anak
sylvia sanchez anak

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Ria Atayde lilipat na sa sariling bahay

Nilahad ni Ria Atayde na sa wakas ay magsosolo na siya sa kaniyang sariling bahay.

Sa ‘Magandang Buhay’ episode noong nagdaang linggo, sinabi ni Ria na excited siya sa pagkakaroon niya ng sariling space. Tingin din ni Ria ay handa na siya dahil independent naman siya.

“I already feel like na independent naman ako in general. Pero feel ko kasi, iba rin ‘yong independent din sila sa akin.”

Ayon pa sa anak ni Sylvia Sanchez, ang pamumuhay na mag-isa ay paghahanda rin sakaling ikasal na siya. Aminado naman si Ria na bagamat excited siya, nakakatakot pa rin siya na magsolo sa sarili niyang bahay.

‘Pag dumating kasi ‘yong araw na kasal na ako, I’ll be handling my own family already.”

Hirit pa ni Ria, kahit naman magkaroon siya ng sariling bahay ay pakiramdam niya ay uuwi-uwi pa rin naman siya sa poder ng kaniyang pamilya.

sylvia sanchez anak

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez may kinatatakutan sa pagsosolo ni Ria Atayde

Kung si Sylvia Sanchez ang tatanungin, handa na ang anak niyang si Ria Atayde na lumipat sa sarili nitong house. Ayon kay Sylvia, ang pag-alis ni Ria sa kanilang poder ay makatutulong din sa kaniya na maging independent.

“Actually hindi ako takot na umalis si Ria sa bahay. Kasi kailangan ko rin na maging independent na eh, na wala na si Ria. Kasi buong buhay ko, na kay Ria ako eh, nakaangkla ako sa kaniya.”

Nakita kasi ni Sylvia Sanchez kung papaano maging independent ang kaniyang anak. Kuwento niya, noong silang mag-asawa ay tamaan ng COVID-19, si Ria ang nag-asikaso sa kanila. Mula sa pag-monitor sa kanila at gamot ay si Ria ang umasikaso.

“Alam kong kaya niya sarili niya.”

Ngunit kahit alam ni Sylvia Sanchez na kaya ng kaniyang anak ang sarili nito, may pinangangambahan pa rin siya.

Paliwanag ng beteranang aktres, masyadong mabait si Ria, kaya minsan ay naaabuso ang kabutihan nito.

“Mabuting tao si Ria. People pleaser siya. Sobra siyang mabait sa lahat.”

“To the point na naaabuso siya. Na nakikita ko, at kapag mayroong nanggaganon sa anak ko, ako ang nasasaktan kasi hindi niya deserve.”

Kaya naman hiling niya ay sana iparespeto ni Ria Atayde ang kaniyang lilipatang bahay. Saad ni Sylvia, dapat ay hindi ito maging tambayan ng barkada ng kaniyang anak.

“Dapat bahay mo, bahay mo. Hindi magiging tambayan. Pag wala ka sa bahay, walang kaibigan. Takot ako kasi nate-take advantage siya.”

BASAHIN:

Sylvia Sanchez sa bashers ng mga anak: “Nanay ako, nasasaktan… hindi ako pwedeng mainis, magalit ‘di ba?”

Angelica Panganiban to take a break from showbiz: “Tutukan ko na muna ‘yong baby.”

Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: “Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio.”

Sylvia Sanchez nag-adjust sa pagkausap sa kaniyang mga anak

Sa naturang episode, binahagi rin ni Sylvia Sanchez ang mga naging pagbabago sa kaniyang pagkausap sa kaniyang mga anak.

Kapwa adult na sina Ria at Arjo Atayde, at kasabay nito ay kinailangan ding magbago ang pakikitungo ni Sylvia sa dalawa. Aniya, nagulat na lang daw siya noong may mangyaring pagbabago sa kaniya.

sylvia sanchez anak

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Madalas daw kasi silang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Kaya naman madalas ay nauuwi ito sa away.

“Napagod ako. Away kami ng away. ‘Ito ‘yong gusto ko’, pero ito ‘yong gusto niya. Tapos iiyak ako, sasama ‘yong loob ko… At the end of the day, ako ‘yong talo.”

At dahil doon ay napaisip siya na kailangang baguhin niya ang style sa pakikipag-usap kina Ria at Arjo. Ito ay para mas maging matiwasay ang kaniyang relasyon sa kaniyang mga anak.

“Nasasaktan ako para sa sarili ko. At the same time, nasasaktan ako dahil nasasaktan ko ‘yong anak ko.”

“So dumating sa point na, ‘Ah kailangan na talaga akong pumasok sa mundo ng henerasyon ngayon. Kailangan ko silang intindihin, kailangan ko silang yakapin ng buong-buo.”

Natuwa naman si Ria Atayde na sa ngayon ay open na sila sa isa’t isa ng kaniyang ina. Bagamat matagal bago nila ito nakamtan ay pakiramdam ni Ria na perfect timing ito para sa kanilang pamilya.

“It took time for us to be open about ‘yong feelings namin eh. Kasi feel ko nga, kapag lumaki sa environment na palaging nagagalit sa’yo ‘yong mom mo, may tendency na imbes magsasabi ka ng opinyon mo, huwag na lang.”

“Sobrang grateful ako especially now na Arjo and I are 30 and 31, perfect timing na nakakausap na namin ‘yong nanay namin ng ganito. It took time, but at least we’re here now.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!