TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Sylvia Sanchez sa bashers ng mga anak: "Nanay ako, nasasaktan...hindi ako pwedeng mainis, magalit 'di ba?"

4 min read
Sylvia Sanchez sa bashers ng mga anak: "Nanay ako, nasasaktan...hindi ako pwedeng mainis, magalit 'di ba?"

Ibinahagi ng aktres na si Sylvia Sanchez ang kaniyang saloobin patungkol sa natatanggap na pamba-bash sa mga anak at buo nilang pamilya.

Bilang isang ina nasasaktan talaga tayo kapag may sinasabing hindi maganda sa ating mga anak. Isa na dyan ang aktres na si Sylvia Sanchez. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga pamba-bash na natatanggap ng kaniyang pamilya lalo na ang anak na si Arjo Atayde.

Mga mababasa sa artikulong ito

  • Sylvia Sanchez sa mga bashers ng mga anak at pamilya nila
  • Kagustuhang magkaroon ni Sylvia

Sylvia Sanchez sa mga basher ng mga anak at pamilya nila

Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Sylvia Sanchez, ibinahagi niya ang mga pinagdaanan niya noon sa mga pamba-bash sa kanilang pamilya noon.

Sinasabi kasi noon ng mga bashers sa kanila noon ay ginagamit umano nila si Maine Mendoza na karelasyon ni Arjo para sa kanilang career. Matatandaang si Maine Mendoza ay sumikat sa love team nila noon ni Alden Richards na ‘AlDub’ na marami talaga ang fans.

Pahayag ni Sylvia tungkol rito,

“Wala naman kaming pakielam kung sikat kami o hindi, basta ang mahalaga ay may trabaho kami. Iyong nakakatawa lang sinasabi nila na wala raw career si Arjo, wala raw akong career.”

Nagkwento rin ang aktres sa naging reaksyon ni Maine sa mga pamba-bash sa kanila,

“Sa totoo lang hiyang-hiya si Maine. Sabi niya, ‘Tita I’m sorry’, kasi iyon nga sinasabi ginagamit (namin si Maine). Kasi raw ang habol namin kay Maine ay ‘yong milyon niya, ‘yong pera niya.” 

Kwento pa ng aktres, natatawa sila kasi alam naman nila ‘yong totoo. Okay lang naman sa kanila kasi alam ni Maine ang katotohanan. Sabi pa niya kay Maine na,

“Maine, hindi ikaw ‘yong namba-bash, hindi ikaw ang naninira.” pahayag ng aktres.

Nang tanungin naman ni Ogie si Sylvia patungkol sa nararamdaman nito sa mga pamba-bash sa anak sinabi niya na,

“Nanay ako, nasasaktan mare. Hindi ako pwedeng mainis, magalit ‘di ba?”

Dagdag pa ng aktres, kahit na ganun ay alam naman nila ang totoo na hindi nila ginagamit si Maine.

sylvia sanchez

Larawan mula sa Instagram post ni Sylvia Sanchez

Sa isa namang press conference noon ibinahagi rin ni Sylvia ang nararamdaman niya patungkol sa mga bashers ng kanilang pamilya lalo na ang anak na si Arjo.

“Sobrang mahal ko ‘yong pamilya ko, sobrang mahal ko ang mga anak ko, ang asawa ko, ang buong Atayde family, ang pamilya ko, sobrang mahal ko…,

Ngayon, ako bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, sabihin niyong patayin niyo na ako, okay lang…,

Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko. Kahit sinong ina na lalaitin ang anak mo, masakit ‘yon. Pero tiniis ko ‘yon.”

Ito ang pagbabahagi noon si Sylvia Sanchez noon.

Kagustuhang magkaroon ni Sylvia

slyvia sanchez

Larawan mula sa Instagram post ni Sylvia Sanchez

Pagbabahagi rin ng aktres nagnanais na rin siyang magkaroon ng apo mula sa kaniyang mga anak. Pahayag niya,

“Fifty na ako Mare, gusto ko nang magka-apo ‘di ba? Sa totoo lang.”

Pero hindi pa ata umano ito mangyayari dahil marami pa umanong gustong maabot ang mga anak lalo na ang kaniyang anak na si Arjo. Kaya naman kahit anong gusto niyang apo ay doon na lamang umano siya magpopokus sa kaniyang mga alagang aso.

Pagbabahagi pa niya tanggap umano nilang mag-asawa na darating talaga ang panahon na bubuo ang kanilang mga anak ng isang pamilya. Basta umano ang sinasabi niya sa kaniyang mga anak ay bigyan sila ng maraming apo.

“Bigyan niyo ako ng maraming apo. Ako ang bubuhay.” saad pa ng aktres.

BASAHIN:

Alden Richards reveals that he wants to have kids with Maine Mendoza

Alden Richards should start dating Maine already, says his dad

ALDUB Wedding and Prenup Shoot: Check out their super kilig moments! 

sylvia sanchez
Partner Stories
Go Back to School with the ASUS AND ROG COOL FOR SCHOOL PROMO, Bundles Worth up to PHP 41,900+!
Go Back to School with the ASUS AND ROG COOL FOR SCHOOL PROMO, Bundles Worth up to PHP 41,900+!
#ShowerYourselfWithCare with Dove Body Wash
#ShowerYourselfWithCare with Dove Body Wash
Busy and on the go? Fuel up your days and your health goals with BodyKey by Nutrilite
Busy and on the go? Fuel up your days and your health goals with BodyKey by Nutrilite
Plan B for Life's Unexpected Twists: 4 Tips to Protect Your Family!
Plan B for Life's Unexpected Twists: 4 Tips to Protect Your Family!

Larawan mula sa instagram account ni Sylvia Sanchez

Sa isa pang Instagram post ibinahagi niya ang kagustuhan niyang magkaroon ng apo dahil umano lumalaki na rin ang bunso nilang anak.

“Bigla akong nalungkot hahaha Xavikok my baby no more! Hintay nalang talaga ako ng apo koehem, ehem, ehem hahahaha.” Ang nakakaaliw na sa caption ni Sylvia Sanchez sa Instagram post nito.

Sinabi ng aktres na nakikita niya na raw na mas matangkad na ang bunsong anak kaysa sa kanya. Nagbiro rin siya na gusto niya na talagang magka-apo dahil nga malalaki na ang dating inaalagaan niya lang.

“But in the meantime, habang wala pa ehem ehem! Sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko.”

Dagdag pa ng aktres, masaya naman daw siyang alagaan ang kanyang mga “fur babies” sa ngayon.

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Sylvia Sanchez sa bashers ng mga anak: "Nanay ako, nasasaktan...hindi ako pwedeng mainis, magalit 'di ba?"
Share:
  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

    Mommy Diaries, Unfiltered: How Ciara Magallanes Became the Content Creator Parents Actually Trust

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko