Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: “It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter in Law mo.”

Sylvia may sweet na mensahe para sa manugang niyang si Maine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sylvia Sanchez ibinahagi ang kasiyahan na magkaroon ng daughter-in-law na tulad ni Maine Mendoza.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Sylvia Sanchez as mother-in-law to Maine Mendoza.
  • Mensahe ni Sylvia Sanchez kay Maine.

Sylvia Sanchez as mother-in-law to Maine Mendoza

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Marami na naman ang napasana-all sa pinakabagong Instagram post ng aktres na si Sylvia Sanchez. Dahil si Sylvia ibinahagi ang naging byahe nila ng daughter-in-law niyang si Maine syempre kasama ang mister nitong si Arjo at iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Si Sylvia sinabing sobrang thankful at blessed siya na makasundo ang manugang na si Maine. Para nga daw sa isang biyenan na tulad niya ito ang laging hiling nila. Ang magkaroon ng mabuting asawa ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This is a first for me. It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter In Law mo???. What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm ❤️❤️❤️. Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa ❤️”

Ito ang sabi pa ni Sylvia sa kaniyang Instagram post.

Mensahe ni Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa parehong IG post ay nagbigay rin si Sylvia ng mensahe para kay Maine. Ang pangako niya kay Maine at sa anak na si Arjo, ito ang taga-record ng mga happy moments nila sa tuwing siya ay kanilang kasama. Target pa nga nila sa susunod nilang byahe ay hindi lang sila, kung hindi pati narin ang buo nilang pamilya para mas masaya.

“Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.
Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments. At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo???. Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya . Soon ? Yahoooo!!!!!! ❤️❤️❤️. Loving You both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness?. Love you my kiddos ???.”

Ito ang sabi pa ni Sylvia Sanchez sa kaniyang IG post na sinagot rin naman ni Maine Mendoza.

Larawan mula sa Instagram account ni Sylvia Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement