Sylvia Sanchez sinabing gusto niyang maiparamdam kay Maine ang parehong pagtanggap at pagmamahal na ginawa ng biyenan niya sa kaniya. Ayon pa sa aktres, ipinagdasal niya na makasundo ng kanilang buong pamilya ang mapapangasawa ni Arjo.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sylvia Sanchez sa pagtanggap ng buong pamilya nila kay Maine Mendoza.
- Pagtanggap ni Sylvia kay Maine bilang isang manugang.
Sylvia Sanchez sa pagtanggap ng buong pamilya nila kay Maine
Kaunti na nga lang at magiging Mrs. Atayde na si Maine Mendoza. Pero hindi pa man ganap na kasal sina Maine at Arjo, ang aktres na si Sylvia Sanchez ay hindi maiwasang magdiwang sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa. Makikita nga ito sa mga post ni Sylvia sa Instagram na laging patungkol kay Maine.
Nitong nagdaang araw ay ibinahagi ni Sylvia kung paano winelcome ng lahat ng kababaihan ng kanilang pamilya si Maine. Nakita ito sa bridal shower na inihanda niya para sa TV host.
Sa latest na IG post ni Sylvia ay nagbahagi pa siya ng mga larawan sa naganap na bridal shower. Doon ay ibinahagi niya rin ang nararamdaman niya sa ngayon na malapit na ngang maging ganap na bahagi ng kanilang pamilya si Maine.
Ayon kay Sylvia, ipinagdasal niya daw sa Diyos na sana mahalin ng kanilang angkan ang mapapangasawa ng anak na si Arjo. Si Sylvia masaya na dininig ng Diyos ang panalangin niya.
“Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito🙏🙏🙏. Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm ❤.”
Ito ang sabi ni Sylvia sa kaniyang IG post.
Pagtanggap ni Sylvia kay Maine bilang isang manugang
Pagpapatuloy pa niya, ngayong naisakatuparan na ito ay ipinapangako niya kay Maine na mamahalin niya ito ng parang isang tunay na anak. At tratratuhin ng katulad sa ginawang pagtanggap ng mga biyenan niya sa kaniya.
“Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko. Tara na! Mag YES, I Do ka na para selyado na 😁😄😃. Love you Menggay 😘😘😘”
Ito ang sabi pa ni Sylvia.