X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

FDA, nilabas ang brands ng synthetic na suka na hindi dapat bilihin

3 min read

Synthetic na suka brands na mabibili sa mga leading supermarkets pinangalanan ng FDA.

Pinagbabawal na synthetic na suka brands

Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA sa mga suka na nagtataglay ng synthetic acetic acid. Lima nga daw sa 39 commonly used vinegar brands na ito ay napatunayang synthetic na suka o hindi dumaan sa tamang fermentation process.

Ang mga vinegar brands na may synthetic acetic acid ayon sa FDA ay ang sumusunod:

  • Surebuy Cane Vinegar (Best Before Date: 26 03 21)
  • Tentay Pinoy Style Vinegar (Best Before Date: 03 18 21)
  • Tentay Premium Vinegar (Batch/Lot No. TV SEP0718AC)
  • Tentay Vinegar ‘Sukang Tunay Asim’ (Expiry Date 06 06 20)
  • Chef’s Flavor Vinegar (Expiry Date 01APR21)

Sa pamamagitan ng test sa kanilang Permanganate Oxidation Number (PON) natuklasang ang mga nabanggit na vinegar brands ay synthetic na suka.

Paliwanag ng FDA, isinagawa ang testing para ma-address ang ongoing issue tungkol sa authenticity ng mga sukang itinitinda sa mga pamilihihan. At para rin ma-check kung ang mga commonly used brands ba na ito ay sumusunod sa kanilang standards.

“Following the current Administrative Order prescribing the Standard of Identity and Quality of Vinegar, any artificial matter such as synthetic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” sabi ng FDA sa isang pahayag.

Sa ngayon ay inuutos ng FDA sa mga supermarkets at iba pang pampublikong pamilihan na tanggalin ang mga synthetic na suka brands na kanilang pinangalanan.

synthetic na suka

Image from Freepik

Paalala ng FDA sa mga mamimili

Bagamat, nilinaw naman ng FDA na ang mga suka na ito ay wala namang masamang maidudulot sa kalusugan ng mga consumers. Ang mga suka daw na ito ay substandard at hindi dumaan sa tamang proseso.

“The presence of synthetic acetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” dagdag ng FDA.

Ayon parin sa FDA ay kanilang i-inspeksyonin ang manufacturing facilities ng mga nasabing vinegar brands para ma-verify kung gumagamit nga sila ng synthetic acetic acid.

Mahaharap daw sa karapat-dapat na regulatory action ang anumang establisyemento na mapatunayang hindi sumunod o lumabag sa standards, rules at regulations ng FDA.

Pinaalalahan din ang mga mamimili na huwag tangkilikin ang mga synthetic na suka at maging mapanuri sa mga produkto na kanilang binibili.

Tentay

Samantala, ang manufacturer ng Tentay (Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, at Tentay Vinegar “Sukang Tunay Asim”) ay umaapela sa kanilang pagkakasama sa listahan ng FDA. Nais daw nilang klaruhin sa FDA ang pagkakabilang nila sa ipinagbabawal na ibenta sa publiko.

 

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: GMA News, Philstar News
Photo by Daria Volkova on Unsplash

Basahin: Ma Ling kabilang sa mga pork meat products na ipinagbabawal ngayon sa bansa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • FDA, nilabas ang brands ng synthetic na suka na hindi dapat bilihin
Share:
  • FDA nagbabala sa paggamit ng SM Bonus sugar at iba pang mga produkto na hindi rehistrado

    FDA nagbabala sa paggamit ng SM Bonus sugar at iba pang mga produkto na hindi rehistrado

  • Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA

    Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • FDA nagbabala sa paggamit ng SM Bonus sugar at iba pang mga produkto na hindi rehistrado

    FDA nagbabala sa paggamit ng SM Bonus sugar at iba pang mga produkto na hindi rehistrado

  • Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA

    Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.