#AskDok: Paano ang tamang pag-aalaga sa tahi ng bagong panganak?

Alamin rin kung paano maiiwasan ng bagong panganak ang mabinat.

Narito ang sagot ng isang doktor sa kung paano ang tamang pangangalaga ng tahi ng bagong panganak, mapa-CS man o normal delivery.

Paraan ng pangangalaga sa tahi ng bagong panganak

Matapos manganak, hindi lang dapat ang bagong silang niyang sanggol ang inaalala ng isang babae. Kung hindi pati na rin ang kaniyang sarili na mahalaga para sa kaniyang pagbabalik-lakas o recovery.

Sa kaniyang katawan, ang tahi ng bagong panganak ay ang numero unong dapat bigyan ng pangangalaga. Sapagkat kung hindi, maaaring maimpeksyon ito at magdulot ng problema sa kaniyang kalusugan.

May dalawang klase ng sugat ang nakukuha ng isang babaeng bagong panganak. Una, ang sugat na dulot na panganganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery. Ikalawa, ang sugat na nakukuha sa pamamagitan ng cesarean section delivery. Para sa maayos na paggaling, ang mga sugat na ito’y kailangang tahiin. Nangangailangan ng tama at maayos na pangangalaga.

Ayon kay Dr. Katrina Tan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang sugat na dulot ng normal vaginal delivery o kilala sa tawag na episiotomy ay ang hiwa o cut na ginagawa sa pagitan ng anus at vagina ng isang manganganak na babae.

Hindi lahat ng babaeng manganganak ay makakaranas nito. Sapagkat ginagawa lang ito upang matulungan ang mga babaeng nahihirapang ilabas ang sanggol sa kaniyang puwerta. Pahayag ni Dr. Tan,

“For our mothers an episiotomy is the cut that you get when you have normal vaginal delivery. It is cut between anus and the vagina. We do that if we think that it will help you with the delivery of the baby.”

Photo by Jonathan Borba from Pexels

Pangangalaga ng sugat o tahi na nakuha sa normal vaginal delivery

Ayon kay Dr. Tan, ang tahi na dulot ng episiotomy ay maaaring magdulot ng discomfort sa bagong panganak na babae. Kung hindi mabibigyan ng tamang pangangalaga ay maaring magdulot ng impeksyon o sakit sa kaniya.

Kaya naman ang mahalagang payo niya sa kaniyang mga pasyente na may episiotomy ay dapat alam ng mga ito ang tamang pangangalaga sa kanilang tahi.

“Care of the episiotomy wound begins right after delivery. Wound care, wound cleaning and pain management is usually what we advised patients.”

Maliban sa pagpapanatiling tuyo at malinis nito sa lahat ng oras. Mahalaga rin na dahan-dahan lang umano ang pagpupunas sa bahagi ng ari na ito ng babaeng bagong panganak.

Sa paghuhugas dapat inuuna muna ito, bago ang anus o puwit na nagtataglay ng mga bacteria maaaring maka-infect sa nasabing tahi.

“You have to keep the cut and the surrounding area clean and dry at all times. After going to the toilet, you have to pour water over the vaginal area so as to be able to clean they would area.

When you wipe, you really have to be gentle. And you wipe from front to back so you won’t bring bacteria from the anus to the wound or cut.”

Palatandaan ng impeksyon sa tahi ng bagong panganak na babae

Maliban rito, dagdag pa niya ay dapat maging aware rin ang babaeng bagong panganak sa mga palatandaan na ang tahi na ito ay infected na.

“Also, you should also be aware of the signs of infection. If the wound is red, swollen, there’s discharge coming out, there is persistent pain and may odor, you have to tell it to you doctor so you can be examined.”

Pero kung walang problema at naging tama ang pangangalaga sa episiotomy ay mabilis naman itong gagaling sa loob ng 4-6 na linggo. Kasabay na rin nito ang muling pagbabalik ng lakas o pagbabalik normal ng katawan ng bagong panganak na babae.

“It is gradual healing. So normally it takes 4 to 6 weeks. The 6 weeks is the postpartum period everything that changed in your body everything will be back to normal kasama na yung episiotomy.”

Pangangalaga ng sugat o tahi na nakuha sa cesarean section delivery

Tulad din ng pangangalaga sa episiotomy, ang tahi na dulot ng cesarean section delivery ay dapat panatilihing tuyo at malinis. Dapat lagyan din ito ng gasa upang matakpan at masigurong hindi mapapasukan ng dumi sa loob ng dalawang linggo.

Dapat nasusuri rin ng doktor matapos ang isa o dalawang linggo matapos manganak. Ang doktor lang din ang maaaring magbigay ng signal kung kailan puwede ng maligo ang babaeng bagong panganak. Upang masiguro na hindi mababasa ang tahi niya.

“After a CS section, it depends rin sa doktor mo kung kelan ka papayagang maligo. But normally we keep the wound dry for 2 weeks after delivery.

You put a bandage or a sterile gauze over it and then you tape it.  Then every day you need to clean it. Put hydrogen peroxide or betadine or an ointment or whatever it is that your doctor prescribes you.

You visit your doctor after a week or 2 weeks after delivery so she can reevaluate the wound.”

Paano maiiwasang bumuka ang CS wound?

Dagdag pa niya, ang tahi ng CS ay hindi basta-basta bubuka kung maayos ang pangangalaga rito. Dahil sa ito’y ginagamitan ng special na sinulid na kusang natutunaw. Kaya sa mga babaeng na-CS o nagbabalak ma-CS ay narito ang sagot niya sa common concern nila.

“This is a common concern. I usually tell my patients that it is not going to open. What we used to suture it are absorbate sutures so matutunaw on its own. Usually in the next 2 weeks.  So dapat before matunaw ‘yung suture nagdikit na ng maayos ‘yung sugat.”

Kung sakali nga umano na hindi maayos na magdikit ang sugat. Ito’y hindi dahil hindi maayos ang pagkakatahi. Subalit dulot ng isa o ng mga sumusunod na dahilan.

Mga dahilan kung bakit hindi nagdidikit ng maayos ang CS wound

Photo by Anna Shvets from Pexels 

“One is infection. If something is infected hindi mag-heal ang sugat properly. That’s why we tell patients on proper wound care.

We tell them not to wet it, to keep it dry. You need to put betadine and sterile gauze. You have to keep it so it won’t get infected and it would not dehisce or open.”

“Next, another reason for it to open is if fluid is coming out. Sometimes, if there’s a lot of blood coming out or fluid coming out it tends to open a bit. But that rarely happens naman.”

Para maiwasan ito, ito ang mahalagang advice o payo ni Dr. Tan sa mga babaeng sumailalim sa cesarean section delivery,

“We put patients on abdominal binder to support that area where the incision is. So, you just have to be aware na you have a wound there so you limit your movement.

Just make sure that you don’t perform sudden movements that might affect that area or baka matamaan that area.”

Totoo ba ang binat matapos makapanganak?

Ang mga pagsasagawa ng mga nasabing paraan ay makakatulong din na maiwasan ng babaeng bagong panganak ang mabinat.

“Binat to me is like relapse. When you are already getting better then suddenly you start feeling all those symptoms again.

That’s how I interpret binat. This can happen because no matter how your labor and delivery went your body need time to heal after giving birth and also its different per woman.”

Paano ito maiiwasan?

Larawan mula sa Shutterstock

Para mas maiwasan nga umano ang binat pagtapos manganak ay narito ang suggestion ni Dr. Tan sa mga babaeng bagong panganak. Paalala ni Dr. Tan,

“So how to prevent binat, my suggestion is get plenty of rest. Seek help when you need it. Kasi you are a new mom, you are adjusting to a new role.

There’s a lot of changes to your body. You are breastfeeding. You are fatigue and you are stress. Seek help when you need it.

Because fatigued mother might relapse all the symptoms she felt after delivery. Also eat healthy meals and exercise when you are already allowed by your attending medical doctor.”

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.