Alam na siguro ng maraming ina na maraming bagay ang nakakaapekto sa kanilang sanggol habang nagbubuntis. Ngunit alam niyo ba na ang pag-exercise ng utak, ay nakakatulong raw sa talino ni baby?
Natagpuan ng isang pag-aaral na kapag mas maraming karanasan at natututunan ang isang nagbubuntis na ina, nakakadagdag raw ito sa development ng utak ni baby.
Talino ni baby, puwedeng pagbutihin kahit nasa sinapupunan pa lamang
Isinagawa ang pag-aaral sa mga University of Göttingen sa Germany. Dito, pinag-aralan ng mga researcher ang brain development sa mga daga. Ito ay dahil may mga pagkakaparehas ang development ng brain ng mga daga sa tao, dahil parehas silang mammals.
Dito, napansin nila na ang mga bunti na daga na hinahayaang maglaro, mag-explore, at mag-exercise ay mas nagkaroon ng mga matatalinong baby. Ito ay kung ikukumpara sa mga daga na hindi gaanong na-expose sa mental stimulation.
Ibig sabihin, posibleng may koneksyon raw ang dagdag na mental stimulation sa development ng utak ng mga sanggol. Kung ihahalintulad ang mga resulta nito sa tao, malaki ang magiging epekto ng exposure sa mga bagong karanasan, kaalaman, at iba pang forms ng mental stimulation para sa mga ina. Ito ay dahil posibleng ipasa nila ito sa kanilang mga sanggol.
Ayon sa mga researchers, ipinapakita ng kanilang pag-aaral ang halaga ng mga bagong experiences pagdating sa development. Dati rati ay inaakalang wala ito gaanong epekto sa mga sanggol sa sinapupunan, ngunit pinapatunayan ng pag-aaral na ito na malaki ang impact nito kahit sa mga hindi pa pinapanganak na sanggol.
Mahalaga ang pagbigay ng mga bagong karansan sa iyong anak
Hindi lang sa pagbubuntis importante ang pagkakaroon ng mga bagong karanasan. Pagdating sa talino ni baby, malaki ang naitutulong ng mga karanasan sa development niya.
Maraming pag-aaral na ang nagsasabi na mas importante pa nga raw ito kaysa sa mga physical na laruan o regalo. Kaya magandang hayaang mag-explore ang iyong anak at sumubok ng kakaiba at bagong mga bagay, lalong lalo na habang bata pa siya.
Heto pa ang ilang paraan para maging matalino ang iyong sanggol:
1. Kumain ng isda habang nagbubuntis
Ang pagkain ng mga fatty fish tulad ng salmon, trout, at sardines, ay malaki ang maitutulong sa development ng mga bata. Ito ay dahil ang mga healthy fats na nasa mga isdang ito ay nagpapatibay ng brain development ng mga bata.
Kaya’t ugaliing kumain ng mga healthy na isda habang nagbubuntis. Ngunit siguraduhing wag sumobra sa pagkain nito, dahil ang ilang mga isda ay mataas sa mercury na nakakasama naman sa paglaki ng mga sanggol sa sinapupunan.
2. Siguraduhing kumakain ng almusal ang iyong anak
Mahalaga ang pagkain ng almusal sa mga bata dahil bukod sa ito ang ginagawang ‘fuel’ ng mga bata, nakakatulong rin ito sa kanilang concentration sa school. Siyempre, kung gutom ang iyong anak, mahihirapan siyang mag-focus sa pag-aaral, at maaapektuhan nito ang kaniyang kakayanang matuto.
Mahalaga rin ang almusal dahil nagbibigay ito ng nutrisyong kailangan ng mga lumalaking bata.
3. Siguraduhing positibo at puno ng pagmamahal ang inyong tahanan
Malaki ang nagiging epekto ng environment kung saan lumalaki ang isang bata. Hindi dapat binabalewala ng mga magulang ang epekto nito sa mga bata.
Umiwas sa pag-aaway sa harap ng iyong anak, at hangga’t-maari huwag silang sigawan, saktan, o pagsabihan ng masama. Mahalaga ang disiplina, ngunit mahalaga rin ang pagpapakita ng pagmamahal sa iyong anak.
Sa ganitong paraan, mas magiging positibo ang pananaw nila sa buhay, at mas gaganahan silang paghusayin at pagbutihin ang kanilang mga sarili.
4. Huwag masyadong lumipat ng tinitirahan
Alam niyo ba na ang paglipat ng tinitirahan ay mayroong malaking epekto sa paglaki ng mga bata? Ito ay dahil nagiging sanhi ito ng stress, na nakakaapekto sa development ng mga bata.
Hangga’t-maari, ay mabuting huwag masyadong lumipat ng tahanan upang masanay ang iyong anak sa isang lugar, at maging komportable siya sa kaniyang pang araw-araw na gawain. Malaki ang naitutulong nito sa kaniyang development.
5. Umiwas sa maduming hangin
Ang maduming hangin ay mayroong negatibong epekto sa paglaki ng iyong anak. Ito ay dahil punong-puno ito ng mga toxins at heavy metals na nakakaapekto sa utak ng mga bata.
Importanteng ilayo sila sa mga mausok na lugar, dahil posibleng bumagal ang pag-develop ng kanilang utak dahil sa maduming hangin.
6. Paghusayin ang ‘working memory’ ng iyong anak
Ang working memory ay ang memory na ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay. Mahalaga ito dahil pinapatibay nito ang memory ng iyong anak, at sinasanay ang kanilang utak na palaging gamitin ito.
Tulad ng ibang mga bagay, mas nahahasa at tumatalino ang utak ng tao kapag ginagamit ito. Kaya’t ugaliing sanayin sa mga bagay tulad ng math ang iyong anak, dahil nakaka-boost ito sa kaniyang working memory.
Source: Psychology Today
Basahin: Sanggol, kinuha mula sa sinapupunan ng ina, at ibinalik matapos operahan