Tamang agwat ng panganganak, narito kung ano dapat ayon sa pahayag ng mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tamang agwat ng panganganak ng isang babae base sa pahayag ng mga eksperto.
- Pros and cons ng panganganak ng magkasunod.
Tamang agwat ng panganganak
Photo by Richard James on Unsplash
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang preference kung ilan ang bilang ng anak na ating gusto. Pati na kung gaano kalaki ang agwat ng kanilang edad sa isa’t isa.
Dito sa Pilipinas, maraming pamilya ang binubuo ng marami at magkakasunod na anak. Pero mayroon ding mas piniling magkaroon ng kaunting anak na kung saan ang pangunahing nilang dahilan ay ang hirap ng buhay.
Dahil mas maraming anak, mas maraming batang kailangang itaguyod na isang malaking pagsubok sa mga magulang na walang maayos na hanap-buhay.
Pero maliban dito, may isa pang dahilan na dapat isinasaalang din sa pagkakaroon ng anak. Ito ay ang kasulusugan ng inang magbubuntis at kaniyang sanggol.
Sapagkat ang pagkakaroon ng magkakasunod-sunod na anak ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng babaeng nagdadalang-tao.
Ganoon din sa magiging kalusugan ng kaniyang dinadalang sanggol. Kaya payo ng mga eksperto, mahalaga na malaman natin ang tamang agwat ng panganganak. Ito ay para masigurong magiging matagumpay at makakaiwas sa problema ang isang pagdadalang-tao.
Pahayag ng mga eksperto 18-24 months ang mainam na pagitan sa panganganak
Payo ng mga eksperto mas mabuting magkaroon ng 18-24 months na pagitan sa bawat pagbubuntis. Ito ay para maiwasan ang mga komplikasyon at problema sa pagdadalang-tao.
Sapagkat ayon sa mga pag-aaral, ang pagbubuntis na may 18 months pababa na pagitan ay nagpapataas ng tiyansa na magkaroon ng sakit, maipanganak ng preterm o masawi ang dinadalang sanggol.
Maliban dito, ayon naman kay Dr. Kecia Gaither, ang pagbubuntis na may mababa sa 18 months’ interval ay nagpapataas din ng tiyansa ng isang sanggol na ipanganak na may mababang timbang.
Kung nanganak naman ng cesarean sa naunang pagbubuntis, mataas ang tiyansa na magkaroon ng scar complications ang babaeng buntis kapag nanganak na.
Malaki ang posibilidad na maaaring bumuka ang tahi niya o siya’y makaranas ng uterine rupture sa sunod na panganganak kung mas mababa sa 18 months ang pagitan ng kaniyang dalawang pagbubuntis.
Mataas din ang tiyansang makaranas siya ng placental complication tulad ng placenta abruption. Ito ay isang kondisyon na lubhang mapanganib sa buhay ng ipinagbubuntis na sanggol.
Dagdag pa nito ay mahihirapan rin ang katawan ng babaeng nanganak ng magkasunod na maka-recover agad. Ito ay dahil hindi pa siya sapat na nakakapahinga sa naunang pagbubuntis ay muli na naman siyang magdadala at mag-aalaga ng bagong sanggol.
Ito ay ayon kay Dr. Gaither na isang OB-Gynecologist at maternal-fetal medicine and director sa perinatal services ang New York City Health + Hospitals.
Photo by Aditya Romansa on Unsplash
Pero ito ay naka-depende rin sa kakayahan at kagustuhan ng mag-asawa
Pero para sa pediatrician na si Dr. Robert Hamilton, walang ideal na birth spacing o tamang agwat ng panganganak. Dahil ang bawat pamilya ay naiiba-iba.
Sapagkat maliban sa medical issues, ang financial stability, educational at social issues ay mga factors rin na dapat isaalang-alang sa pagkakasunod-sunod at pagkakaroon ng anak.
“Maternal age, the health of both mother and father, and financial, social, and educational issues are all factors to consider when having a second or third, or even the sixth child, as was our case.”
Ang pahayag na ito ni Dr. Hamilton ay sinuportahan ng isa pang pediatrician na si Dr. Gina Posner.
BASAHIN:
What’s the ideal age gap between spouses? A study says 1 year
Binat matapos manganak, ano ang mga sintomas at paano maiiwasan?
Photo by Travis Grossen on Unsplash
Ayon kay Dr. Posner, maliban sa mga nauna ng nabanggit na dahilan, ang isa pang naidudulot ng magkasunod na panganganak ay ang stress sa pag-aalaga.
Pero may mga pamilyang maaaring mas preferred o nai-enjoy ito. Habang may iba namang mahihirapan o iisipin malaking pagsubok ito sa kanila.
Kaya naman tulad ni Dr. Hamilton, sabi ni Dr. Posner, nakadepende sa kada pamilya ang tamang agwat ng panganganak na makakabuti sa kanila. Dahil ang panganganak ng magkakasunod at may pagitan ng ilang taon ay parehong may pros and cons.
Halimbawa, ang mga bata o magkapatid na malapit ang agwat ng edad sa isa’t isa ay mas close. Dahil halos sabay silang lumaki, basta’t siguraduhin lang na pantay ang atensyon na ibinibigay sa kanila.
Maaari rin namang maging negatibo ang epekto nito dahil kinakailangan na laging dalawa ang gamit na ihahanda na kakailanganin nila.
Kailangang kung ano ang mayroon ang isa ay mayroon din ang isa para maiwasan ang selos o sibling rivalry. Hindi tulad ng malaki ang agwat ng edad.
Kung saan maaaring mamana ng nakababatang kapatid ang mga gamit ng kuya o ate niya. At kung mas nakakatanda rin ang naunang anak ay maari siyang makatulong na sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid niya.
Source:
Healthline, Mayo Clinic, What To Expect