Tamang pag-inom ng Althea pills at mga benepisyo ng contraceptive pills na ito

Althea pills hindi lang pampaiwas sa pagbubuntis, mabisa ring pampaganda? Alamin dito ang tamang pag inom ng contraceptive pills na ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga karaniwang birth control method na ginagawa ng isang babae ay ang pag-inom ng oral contraceptive pills tulad ng Althea pills. Pero bukod sa pagiging contraceptive ay mayroon pang iba’t ibang benepisyo sa katawan ang pag-inom ng pills na ito. Alamin dito ang benefits ng pag-inom ng contraceptive pills at paano nga ba ang tamang pag inom ng Althea pills.

Benipisyo ng pag-gamit ng Althea pills

Ang Althea pills ay isa sa kilalang contraceptive pills na ginagamit ng mga kababaihan. Ito ay may taglay na Cyproterone Acetate at Ethinyl Estradiol na hindi lamang para pigilan ang pagbubuntis ngunit para din kontrolin ang pagdami ng acne at hirsutism o unwanted hair growth sa katawan.

Larawan mula sa on Freepik

Inirerekomenda rin ng mga doktor ang pag-gamit ng Althea pills para sa mga babaeng mayroon PCOS o polycystic ovary syndrome at hormonal imbalances. Nakakatulong din ito para ma-regulate ang menstrual cycle ng isang babae.

Pero maliban sa mga ito, ang isang dahilan kung bakit maraming babae ang nahuhumaling na gamitin ito ay dahil sa blooming at glowing effect daw nito sa balat na nagbibigay daw ng mala-dyosang kagandahan.

Ang mga benepisyong ito ay makukuha ng isang babae sa halagang P514 kada pakete buwan-buwan. Ito ay ang cheaper counterpart ng ibang pills na sinasabing nagbibigay rin ng parehong benepisyo sa mga kababaihan.

Ngunit, ang pag-inom ng Althea pills ay may kaakibat na disiplina lalo na kung ginagamit ito para maiwasan ang pagdadalang-tao. Dahil ang pagkakalimot o maling pag-inom ng pills na ito sa tamang oras ay maaring magdulot ng pagbubuntis. Kaya naman ay dapat alam mo kung paano ang tamang pag inom ng Althea pills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from MIMS

Paano gamitin ang Althea Pills

Napapaisip ka rin ba kung paano ba gamitin ang althea pills? Lingid sa kaalaman ng marami, ang pag-gamit ng Althea pills (at ng kahit na anong uri ng oral contraceptive) ay nangangailangan muna ng preskripsyon ng iyong doktor. Dahil may mga naitalang side effects kapag hindi ka hiyang sa pag-gamit nito.

Side effect ng pag-inom ng Althea pills: Althea pills side effects tagalog

Tulad ng ibang contraceptive pills mayroon ding side effects ang althea pills. Ilan nga side effects na maaring maranasan sa paggamit ng Althea pills ay ang sumusunod:

Althea pills side effects tagalog

  • Nausea o pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Cramps o pananakit ng puson
  • Breast tenderness o pananakit ng suso
  • Kawalan ng gana sa pagtatalik
  • Mid-cycle bleeding o spotting

May ilang babae naman ang gumamit ng Althea na nagsabing sila ay tumaba at nagkaroon ng allergy sa balat sa pag-gamit nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tamang pag-inom ng Althea pills

Samantala ang pag-inom ng Althea pills ay tulad din ng ibang contraceptive pills na kailangang inumin ang isang tableta araw-araw.

Tamang pag inom ng Althea pills

Sinisimulan ang pag-gamit nito sa unang araw ng menstrual bleeding o regla. Puwede rin itong simulan ng kahit anong araw basta sigurado ang isang babae na hindi siya nagdadalang tao.

Ngunit para lubos na makasigurado, sa unang beses ng paggamit nito ay ipinapayong sabayan ng paggamit ng back-up method sa susunod na 7 araw tulad ng condom.

Ang Althea pills ay may taglay na 21 pills na kailangang inumin sa loob na tatlong linggo. At ang unang pill na kailangang inumin ay ang number 1 pill na ipapagpatuloy lang ng sunod-sunod sa parehong oras araw-araw hangga’t maari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag naubos na ang isang pack ng Althea pills ay may pitong araw na pahinga ang isang babae mula sa pag-inom nito.

Madalas ang regla ay dumadating sa ikatlong araw na pahinga ng isang babae sa paggamit ng Althea. Ngunit kailangang tandaan may regla man o wala ay kailangang simulan ulit ang panibagong pack ng Althea pills matapos ang 7 araw na pahinga sa paggamit nito.

Larawan mula sa Freepik

Tamang pag inom ng Althea pills: Paano kapag nalimutan na uminom sa tamang oras

Kung sakali namang malimutan ng isang babae ang pag-inom ng pills sa tamang oras ay kailangan niya agad inumin ang missed pill sa loob ng 12 oras matapos makaligtaan. Habang ang susunod na pill ay kailangan niyang inumin sa parehong oras na regular niya itong iniinom araw-araw. Nangangahulugan ito na maaring uminom ng dalawang pills sa isang araw hanggat pasok ang pag-inom ng missed pill sa 12hour lapse period.

Para mas makasigurado sa mga ganitong sitwasyon ay kailangang gumagamit ng back up method ang isang babae sa mga araw na nakakaligtaan niyang inumin ang pill sa tamang oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakalimot ng pag-inom ng Althea pills ng dalawa o higit pang beses ay nagpapataas ng tiyansa ng isang babae na mabuntis. Sa ganitong sitwasyon ay inumin ang pinakahuling missed pill at hayaan na ang nakalimutang iba. Ipagpatuloy ang pag-inom ng mga susunod na pills sa tamang oras habang gumagamit ng condom o di kaya naman ay huwag munang makipagtalik sa susunod na 7 araw.

Ngunit kung patuloy na makakalimot sa pag-inom ng pills ay mabuting makipag-usap sa iyong doktor kung ano ang maaring gawin o kaya naman ay palitan ang contraception na ma-memaintain mo.

Ang pag-inom ng kahit anong medikasyon tulad ng pills ay nangangailangan ng gabay ng iyong doktor. Ito ay para masigurado na hindi makakasama ang medical contents nito at mabigyan ka ng prescription na magiging hiyang sayo.

Nakakaputi ba ang Althea pills?

Narinig mo na rin ba ang sabi-sabi na nakakaputi ang Althea pills? Totoong nakakaputi ba ang althea pills?

Wala namang sapat na datos na makapagsasabi na nakakaputi ang althea pills. Pero may kakayahan itong pakinisin ang balat ng sino mang iinom nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gawa sa pinagsamang cyproterone acetate at ethinylestradiol ang althea kaya mayroon itong anti-androgenic properties. Tinutulungan nito ang balat na bawasan ang secretion ng sebum tuwing magkakaroon ng acne breakout. Ang sebum ay ang oily substabce na pinoproduce ng sebaceous gland. Humahalo ito sa fat molecules na kung tawagin ay lipids.

Makakatulong ang pag-inom ng althea pills para makontrol ang pagdami ng acne o tigyawat. Lalo na at isa ito sa mga karaniwang epekto ng PCOS.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon. Ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Basahin: Puwede pa rin bang mabuntis kahit umiinom ng pills?